Kabanata 25

3.4K 125 13
                                    

Kabanata 25


Darren's Point of View

F*! Si Zyren pala 'yong tumawag!

Inilagay ko 'yong cellphone ni Ehdrey sa loob ng drawer. Hinayaan ko lang 'yon do'n nang hindi in-end ang call.

Nagtataka lang na nakatingin ngayon sa akin si Ehdrey. Samantala bigla akong napatayo. Napasapo ako sa ulunan ko.

"S*! Hindi ko napansin na si dre pala 'yong tumawag. Narinig niya sigurong tinawag mo akong Hon. Anong gagawin natin?" Hindi ako mapakali.

Parang namutla naman si Ehdrey nang sabihin ko 'yon. "A-Anong sinabi mo?"

"Sorry, h-hindi ko tinignan 'yong screen ng phone. Si Zyren pala 'yong tumatawag s*!" Napahampas ako sa noo ko. "Anong gagawin natin? Anong ipapaliwanag natin sa kanya?"

Bigla akong nataranta habang dali-dali naman niyang kinuha 'yong cell phone niya sa loob ng drawer.

Naririnig namin ang boses ni Zyren. "Hello? Babe?" aniya sa kabilang linya habang nagkatitigan naman kaming dalawa.

Alam kong kinakabahan na ngayon si Ehdrey pero sinagot pa rin niya 'yong tawag ni Zyren.

"H-Hi Babe!" masaya niyang tinig pero halatang nauutal siya. Matapos no'n lumabas siya ng kuwarto at do'n siya nakipag-usap sa sala.

Sana malusutan namin 'to dahil kung hindi malilintikan kami.






Ehdrey's Point of View

"Si Dre 'yong narinig ko 'di ba?" Agad akong binungad ni Zyren ng tanong. Nanginginig ako ngayon habang hawak ko ang cell phone.

"H-Ha? Ah, oo, Babe si Darren nga 'yon saka si Honey, in short Hon. May hinihintay pa kasi kaming isang kliyente na akala ko ikaw siya."

"Honey?" pagsisiguro niya. "Nasaan ba kayo?" muli niyang tanong. "Puwede ko ba kayong makita ngayon?" sabi pa niya kaya agad kaming nagkatinginan ni Darren nang sundan niya ako rito sa sala.

Inaamin kong kinakabahan na talaga ako ngayon pero sumenyas si Darren na mag oo raw ako kaya sinunod ko siya. Sa tingin ko nakaisip siya ng paraan kaya pinatay ko na 'yong call. Lilipat kami sa laptop.

Habang hinihintay ko 'yong panibagong tawag ni Zyren mabilis na kumilos si Darren.

Ginising niya 'yong labandera niyang pinatuloy niya kanina rito. Pinagbihis niya 'yon ng maayos at saka inayusan. Ikinalat naman niya ng mabilis ang mga stocks na bag sa isang lamesa saka kami pumalibot ditong tatlo.

Nang bigla nang tumatawag muli si Zyren kaya sinagot ko na ito. Magkatapat kami ni Darren at nasa gitna namin 'yong pinakilala naming Honey ang pangalan.

"Hi, Babe!" masaya kong bati kahit ang lakas pa rin ng kaba sa dibdib ko ngayon.

"Hi dre, kumusta ka riyan?" pangungumusta naman ni Darren sa kanya habang nagkakangitian kami.

Kailangan naming patuloy na umarte dahil kung hindi, malalagot na talaga kami. Oo, natatakot akong malaman ni Zyren itong kataksilan ko sa kanya pero anong magagawa ko kung napamahal na rin talaga ako kay Darren. Parang nawawala na ako sa sarili ko ngayon pero kailangan kong alisin sa isipan ko pansamantala 'yong pangamba.

"Babe, kailan ka uuwi? Miss na kita."






Zyren's Point of View

"Babe, kailan ka uuwi? Miss na kita."

Napangiti ako nang sabihin 'yon sa akin ng asawa ko kaya agad ko rin siyang sinagot ng miss ko na rin siya. Sinabi ko ring hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili rito pero hindi ako nagpapahalata sa kanya na may problema ako sa kompanya.

Nakausap ko sila pareho ni Darren ganon din 'yong Honey. Higit isang oras din ang itinagal ng pag-uusap namin. Nagkumustahan lang saka nagkabiruan kaya nawala pare-pareho 'yong antok namin.

Pasado alasingko na ng umaga nang hininto ko ang call sa kanila.

Ibinagsak ko ang sarili sa kama pero hindi ko alam kung bakit parang sa isang banda naghihinala ako sa kanila. Hindi ko alam kung epekto lang ba ito ng mga kuwento sa akin ni Sophie kaya ako napapaisip ng ganito.






Ehdrey's Point of View

Nakahinga kami ng maluwag ni Darren matapos naming makausap si Zyren ngayon ngayon lang. Napayuko nalang ako sa lamesa dahil sa pagkaguilty na nagawa ko sa asawa ko.

Babe, sorry! Sorry talaga! sabi ko nalang sa isipan ko. Napapikit nalang ako habang iniisip ko siya.

"Ito, kuhain mo itong pera tapos 'wag ka ng babalik dito."

Napatingin ako sa bandang hagdanan nang marinig ko ang boses ni Darren na kinakausap iyong pinagpanggap naming Honey kanina at binigyan niya iyon ng pera.

Hinabol ko lang ng tingin 'yong babae hanggang sa tuluyan na siyang makaalis dito.

Muli kong naisubsob ang sarili ko sa lamesa. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami makakapagtago ni Darren ng ganito.

Napapagod na rin ako at inaamin kong hindi na maganda 'yong ginagawa ko kay Zyren. Aminado naman ako na niloloko ko siya, naming dalawa ni Darren pero ayoko ring mawala sa akin si Darren.

"Hon, umalis na siya, tayo nalang dalawa ang nandito ngayon." Napayakap ako sa kanya nang tabihan niya ako.

"Hon, natakot talaga ako sa pangyayari kanina. P-Paano nalang kung maulit ulit 'to tapos hindi natin 'yon mapalusutan? A-Anong gagawin natin?" nag-aalala kong sabi sa kanya.

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kaya niyakap niya rin ako.

"Gusto mo ba'ng sabihin ko na kay Zyren ang totoo?" Bigla akong napabaklas sa kanya matapos niya iyong sabihin.

"H-Hindi. Hindi puwede. Hindi pa ako handa riyan, Hon."

Mabilis siyang tumango at yumakap din sa akin pabalik. Naramdaman ko ang pagcomfort niya sa akin na sa ganitong pamamaraan, alam kong siya lang din ang makakaalis sa nararamdaman ko ngayon. Napapaluha talaga ako.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon