Kabanata 24

3.7K 131 6
                                    

Kabanata 24


Napagpasyahan namin ni Zyren na manatili muna siya rito sa office ko since hanggang ngayon kasi wala pa rin sina Cassie at Jake. Hindi namin alam kung saan sila nagpunta.

Nasa sofa lang siya ngayon, naghihintay kay Jake habang ako naman nandito sa desk ko at may pinipirmahan na pa ilan-ilang papers.

Nang mapatingin ako sa kanya naisip kong baka naboboring na siya kaya kinuha ko 'yong cell phone ko at sinubukang tawagan si Cassie gano'n din si Jake pero hindi nila sinasagot 'yong mga tawag ko. Parang nagdate yata ang mga loko-loko ayaw magpaistorbo. Hindi tuloy makaalis alis si Zyren.

Pinagmamasdan ko lang siya ngayon nang bigla akong mapangiti. Hanggang kailan niya kaya ako hindi maaalala? Aaminin ko sa sarili ko na namimiss ko na kung ano kami dati noon. Napalalim ako ng hininga sabay yuko sa desk ko.

"Okay ka lang?" Nang bigla akong napaayos ng upo nang marinig ko ang boses niya malapit sa tabi ko.

"Oh! Z-Zy, oo, okay lang ako." Kunyari nag-ayos nalang ako ng mga papers dito sa desk ko. Hindi ko inaasahan na lalapitan niya pala ako.

"Tulungan na kita, mukhang pagod ka na," sabi niya sabay mabilis na inayos 'yong mga nagkalat na papers ko rito sa desk ko kaya napatitig lang ako sa ginagawa niya.

Hindi ko maiwasang hindi maibalik 'yong nararamdaman ko para sa kanya lalo na sa mga ipinapakita niya sa akin ngayong araw.

"Napaka suwerte talaga sa 'yo ni Ehdrey," bigla kong sabi kaya siya naman ngayon 'yong napatitig sa akin.

Naitigil niya 'yong ginagawa niya samantala patuloy lang ako sa pagligpit ng mga nahahawakan kong papers. Hindi ko siya nililingon.

"'Wag mo nalang intindihin 'yong sinabi ko," sabi ko pa. Hanggang sa kinuha ko na iyong mga papers na hawak niya at nilagay ko 'yon sa drawer.

Pero bakit ko ba kasi nasabi 'yon sa kanya? Hay!

"Anyway, gusto mo ba'ng sumabay ka nalang sa akin pauwi?" Pag-iiba ko sa usapan. Hinarap ko na siya. "Mag gagabi na rin kasi at ilang oras ka nang naghihintay dito. Hindi naman kita puwedeng iwanan." Agad siyang tumango kaya kinuha ko na 'yong bag ko at sabay na kaming naglakad papalabas.

Medyo awkward nga lang sa pakiramdam dahil pinagtitinginan pa rin kami ng mga impliyado ko pero masaya naman akong siya 'yong nasa tabi ko ngayon kaya ayos lang.

Nagkangitian kaming dalawa nang lingunin namin ang isa't- isa.

Nang makarating naman kami sa tapat ng kotse ko inalalayan niya akong makapasok sa loob.

Naguguluhan nga lang ako kasi 'di ba dapat nag mo-move on na ako?

Hay! Bahala na nga.

"Amh, Zy?" tawag ko sa kanya nang umupo na siya sa driver seat.

"Hmm?" Nilingon niya ako kaya nagkatinginan kaming dalawa.

"Ako nalang 'yong magda-drive? Nakakahiya naman kasi sa 'yo," sabi ko.

Kasi naman kanina ang sabi niya sa akin gusto niya raw akong ipagmaneho. Hindi naman daw kasi gawain ng babae 'yon lalo na at siya ang kasama ko.

"No. It's okay. Ako na." Pinaandar na niya 'yong makina kaya wala na akong nagawa pa.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapatitig sa kanya dahil ewan ko ba. Basta parang gusto ko nalang siyang pagmasdan nalang sa buong biyahe naming dalawa.

"Sophie, hindi kaya matunaw ako niyan?" Kusa nalang akong napalihis ng tingin nang sabihin niya sa akin 'yon kaya umayos na ako ng upo.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Bumabalik na naman yata 'yong pagmamahal ko sa kanya noon.

"Bakit hindi ka bumalik ng Pilipinas?" bigla niyang sabi kaya napalingon ulit ako sa kanya.

"H-Ha?" sambit ko.

Seryoso ba siya sa sinabi niya?

"Bakit hindi mo ulit subukang bumalik ng Pilipinas? Magpakita ka sa kanila kung totoo nga talaga 'yong mga kinuwento mo sa akin," aniya habang patuloy siya sa pagda-drive.

Pero parang umurong yata 'yong dila ko sa suhesyon niyang 'yon. Sa tingin ko hindi pa talaga siya naniniwala sa mga sinabi ko sa kanya. Napayuko nalang ako.

"Hindi madali para sa akin ang lahat ng nangyari, Zy. Alam ko namang hindi ka pa rin naniniwala sa mga sinabi ko sa 'yo pero uulitin ko, hindi ko pinipilit na paniwalaan mo ako."

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Where stories live. Discover now