Kabanata 12

3.8K 129 5
                                    

Kabanata 12

Sophia's Point of View

"Parang ayoko na yatang pumasok sa loob," sabi ko sa sarili ko matapos ay tumalikod agad ako para sana umatras. Pero sa pagharap kong 'yon, hindi ko alam na mababangga ko pala si Cassie.

"Aray, Ma'am!" angal niya sabay hawak sa paa.

Nasa likuran ko nga pala kasi siya. Naapakan ko siya at nauntog ko pa. Sa taas ba naman kasi ng takong ko sino ba ang hindi masasaktan kapag naapakan ko.

"Ay! S-sorry! Hindi ko sinasadya."

"Ma'am naman kasi, ba't po ba kayo bigla-biglang tumatalikod? Ang sakit po, aray ko!" Mangiyak-ngiyak siya sa sakit.

"Ha? Ah, w-wala naman. Sorry talaga," awkward akong ngumiti. "Sabi ko na nga e ipagpapatuloy na natin 'to," sabay harap ko ulit sa front door habang napapikit. Wala na kasi yata talagang atrasan 'to. Bahala na.

"Ah, ma'am, sakto po 'yong pagdating natin ngayon kasi kadadating lang din daw po nila ngayon dito, dalawang minuto pa lang po ang nakakalipas," hayag niya habang magkasabay kaming naglalakad papasok sa loob.

"T-Talaga? S-Sige lang," ani ko habang pilit ang pagngiti ko.

Bakit ganito parang naiihi yata ako na napapa-pupu na hindi ko maintindihan. Kinakabahan talaga akong makita ulit siya.

"Oh my gosh! Ma'am, ayon na po sila, oh! Jake!" tawag niya kaya nataranta akong lumingon kung saan.

"Uuwi nalang ako!" nakapikit kong sabi sabay talikod nang bigla na naman yata akong may mabangga at maapakan.

"Araay!" mabilis niyang angalingawngaw kaya napatingin ako sa kanya.

"Hala! Sorr—" pero naitigil ko ang sasabihin ko nang mapatitig ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. "Z-Zy?" sambit kong mahina habang gulat na gulat na nakatitig sa kanya.

Halos hindi na yata maalis 'yong mga tingin ko sa kanya ngayon.

Lahat ng nakaraan namin isang taon ang nakalipas bumalik lahat nang mga 'yon matapos ko siyang makita ngayon. Para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Naku lagot! Si Sir!" tawag nung lalaki sabay alalay niya kay Zyren. "Sir, okay lang po ba kayo?" muli niyang tanong dahil halos mamilipit si Zyren sa sakit ng pagkakaapak ko sa kanya.

Pero sa pagharap nung lalaki sa akin, nagkatitigan kaming dalawa. Gulat na gulat siya nang makilala niya ako.

"M-Ma'am Sophia?" sambit niya habang napatitig na rin sa amin ngayon sina Zyren at Cassie dahil sa lakas ng boses niya.

"Kilala mo siya?" bigla namang tanong ni Zyren habang napatingin kay Jake, sa assistant niya.

"Y-Yes Sir s—"

"Ah, oo, n-nakilala niya ako kasi ex siya ni Cassie, itong assistant ko. Nagkikita na kami sa video call dati pa," putol ko sa sasabihin niya nang makapag-imbento ako ng paliwanag.

Tinitigan ko siya na may pahiwatig na 'wag ka nang sumabat pa Jake kaya bigla siyang sumakay sa sinabi ko pero bigla siyang inasar ni Zyren.

"Sabi mo kaibigan mo tapos ex mo pala? Ikaw talaga, Jake oh," aniya kaya natawa naman ako ng mahina. Samantala itong si Cassie nagpapacute na pala.

Hay nako! Mga mukhang ewan sambit ko sa isipan ko kaya't sandali kong nakalimutan si Zyren.

"By the way, you are miss Sophie Zamora? I'm Zyren Do," pagpapakilala niya kasabay ng pakikikamay niya sa akin pero napatitig lang ako sa kamay niya. Natulala na naman ako.

Nang bigla akong sikuhin ng mahina ni Cassie kaya natauhan ako bigla. Agad ko ring inabot ang kanan kong kamay at nakipagkamay na rin ako sa kanya.

"Nice to meet you, ang sakit nung pagkakaapak mo ah?" napapangiti niyang sabi habang magkahawak kamay pa rin kaming dalawa.

Napangiti na rin naman ako kasi nga dahil do'n sa huli niyang sinabi.

Tapos napatitig nalang din ulit ako sa kanya. 'Yong mga ngiti niya kasi ngayon, akala ko, sa picture ko nalang 'yon makikita. Totoo na ba talaga 'to ngayon? Magkahawak kamay pa kaming dalawa habang nakangiti sa isa't-isa?

"Ehem!" sabay na ubo nina Jake at Cassie kaya napabitaw kami ng kamay sa isa't-isa.

"N-Nice to meet you too pero mas masakit 'yong ginawa mo sa akin noon," wala sa sarili kong sabi habang ang lakas ng kaba sa dibdib ko.

"What?" Naguluhan siya kaya umiling lang ako at nginitian siya.

"Wala. Ang sabi ko sorry," sagot ko.

Halos hindi na yata ako makahinga. Muli akong napatingin sa kamay ko dahil feeling ko, magkahawak kamay pa rin kami ngayon.

"Let's take a seat?" anyaya niya kaya agad akong tumango.

Habang naglalakad naman kami papunta sa pina-reserve nilang upuan, dahil hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama na kami ngayong dalawa, mariin kong ipinikit ang mga mata ko sabay buntong hininga nang bigla akong matapilok.

"Aaah!" Ang lakas ng kaba sa dibdib ko ngayon dahil sa gulat ko. Pero sinalo pala ako ni Zyren dahilan ng pagkakayakap naming dalawa ngayon.

C-c-chocolate sabi ko sa isipan ko nang magkatitigan kaming dalawa. Parang huminto bigla 'yong oras dahil napatitig pa kami sa isa't isa.






Zyren's Point of View

Bakit ganito kalakas 'yong tibok ng puso ko? Habang nakatitig ako ngayon at nakayakap kay Sophie Zamora bigla nalang may nagpakita sa isipan ko na parang nangyari na 'to dati.

Hindi ko maialis ang mga pagtitig ko sa kanya ngayon. Hanggang sa pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. May Malabo na pangyayari sa isipan ko pero binalewala ko 'yon.

Binitiwan ko na siya at inalalayan ko siyang maupo. Tapos no'n naupo ako sa harapan niya at hinawakan ko ang paa niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya nang bigla na namang may pumasok sa isipan ko na may babae akong ginanito ko dati noon kaya muli akong napatitig sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. "H-Have we met before?" tanong ko ulit sa kanya dahil parang pamilyar 'yong mga nangyayari sa amin ngayon.







Sophia's Point of View

Gulat na gulat ako nang hawakan ni Zyren ang paa ko. "H-Have we met before?" matapos ay tinanong pa niya sa akin ito kaya gulat lang kaming magkatitigan ngayon.

Parang naulit 'yong nakaraan namin.

Hindi mo ba talaga ako naaala Zy? tanong ko sa isipan ko. Minsan nang nangyari 'to dati sa atin noon. Binendahan mo pa nga ang paa ko at ikaw ang gumamot no'n.

Nang bigla nalang siyang napapikit ng mariin katulad ng ginawa niya kanina kaya nakatingin lang ako sa kanya ngayon. Tapos napahawak siya sa ulunan niya. Hanggang sa sabunutan na niya ang buhok niya kasabay ng pagbagsak niya sa sahig.

"Aaah! F*! It hurts!" Napatayo ako nang makita kong may kakaibang nangyayari sa kanya ngayon. Gulat lang akong nakatitig sa kanya. Naguguluhan ako.

"Aaah! Please, help me Jake!" alingawngaw niya. "S*! Ang sakit! Aaah!"

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nataranta. "Zy?" Nilapitan ko siya at hinawakan.

"Sir?! Sir?!" Natataranta na rin si Jake.

Pinagtitinginan na kami ngayon ng mga tao. "Sir, kukuhain ko lang po 'yong gamot n'yo sa kotse. Ma'am Sophia, kayo na po muna ang bahala kay Sir!"

Mabilis tumakbo si Jake papalabas. Naiwanan naman ako ngayong napapaluha at natataranta habang katabi ko si Cassie.

"Z-Zy?" Hindi ko alam kung bakit napayakap nalang ako sa kanya bigla. "Zy, please, anong nangyayari sa 'yo?"

Nag-aalala na ako sa kanya dahil halos mamilipit siya sa sakit at sumisigaw pa. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko ngayon nasasaktan ako. Parang tinutusok 'yong puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon.




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2017 All Rights ReservedTarget readers: R-18

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2017 All Rights Reserved
Target readers: R-18

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

I'm Destined with the Playboy King (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon