Chapter 8

6.8K 199 2
                                    

Pagdaan ng tatlong araw ay lumuwas silang dalawa sa isla upang mamili ng mga grocery. Kailangan nilang bumili ng mga pagkain na aabot hanggang isang linggo para hindi na sila lalabas pa. Naroon sila sa isang two-storey convenient store at kasalukuyang namimili ng mga dairy products tulad ng gatas at kape.

"Max?" isang lalaking nakangiti ang tumawag sa kanilang pansin na naroon din sa section na iyon ng tindahan.

"Geoff, Pare."

Kaagad nagkumustahan ang dalawa at inakbayan ang isa't isa. Sa isip ni Bemery ay magkaibigan ang mga ito dahil sa gestures na ipinakita nila sa isa't isa. Ngumiti lang si Bemery at ipinagpapatuloy ang pamimili.

"Kumusta ka na? It's been a long time na hindi na tayo nagkita, pare." nakangiting wika ng kaibigan kasabay ng pagkaagaw ng pansin nito nang maglagay ang dalaga ng isang pack ng kape sa trolley na hawak ni Maximus.

"Yeah, since graduation noong high school hindi na tayo nagkita. I'm doing great. Ikaw?" Nakita niyang lumiko sa kabilang section ng grocery si Bemery. Marahan niyang itinulak ang trolley sa direksiyon nito. Sinabayan din siya ng kaibigan habang nagkukwentuhan.

"Well, heto malungkot."

"Bakit?" Kunot-noong nilingon niya ang kaibigan habang patuloy lamang sila sa paghakbang.

"Napikot ako eh. I mean, nakabuntis ako." bulong nito sa kaniya. Nang marinig niya iyon, tumawa siya ng malakas at hindi makapaniwala sa sinabi nito.

"Ayan kasi, hindi ka nag-iingat. Nakalimutan mo sigurong hugutin." Tumatawang bulong niya rito. Sa pagkakataong iyon, naabutan na nila ang dalaga, nasa hanay ito ng mga shampoo at sabon. Kasalukuyan iyong namimili.

"Who is she?" tanong ni Geoff na ang tinutukoy ay ang dalaga.

"Bakit?" Sa totoo lang wala siyang maisagot dito. Ayaw din niyang ibigay ang pangalan ni Bemery sa kaniya.

"She's beautiful. Girlfriend mo?" Hind niya nagustuhan ang sagot ng kaibigan. Umiling lang siya bilang sagot at pinipilit na pigilan ang pagtatagis ng mga bagang.

"Kapatid mo? Pinsan mo? Ilakad mo naman ako diyan oh." sumilay ang pilyo nitong ngiti.

"Gago! May nagmamay-ari na diyan." mariin at seryoso niyang sagot. Kapwa sila nakatingin dito.

"Ay sayang naman!" Biglang tumunog ang cellphone ng lalaki at nagpaalam ito sa kaniya. Hindi na siya tumango at diretsong tinalikuran nila ang isa't isa. Nilapitan niya si Bemery. Ngumiti lang ito ng matipid sa kaniya.

"Kaibigan mo ba 'yun?" tanong ng dalaga.

"Noon kaibigan ko siya pero hindi na ngayon." seryoso ang mukha nito na bahagya pang nakakunot ang noo. Tiningnan siya ng dalaga na may pagtataka.

"Anong nangyari sa 'yo?"

"Wala." Alam ni Bemery na hindi ito okay base sa ekspresiyon ng mukha nito ngayon kaya binilisan niya ang pamimili at kaagad silang nagtungo sa counter. Marami rin ang namimili ng mga sandaling iyon kaya nakapila ang mga tao sa counter. Naghanap si Maximus ng isa na iilan lang ang nakapila. Doon sila sa tatlong tao lang ang pumipila. Kasunod sila ng may edad na babae na puno rin ang trolley.

"Maximus?" wika ng may edad na babae nang mapalingon ito sa gawi nila. Siniko niya ang binata nang hindi ito napansin ang pagtawag sa kaniya ng babae.

"So, Maximus pala ang totoo niyang pangalan. Napakaluma naman!" Lihim siyang natawa.

"Ma'am Flora?" biglang lumiwanang ang mukha ng binata at bineso ang dating teacher. Napailing na lang si Bemery na natatawa. Para kasing celebrity ang binata na umuwi sa hometown niya dahil kabi-kabila ang nangungumustang kakilala. Heto na naman at parang na-starstrucked pa ang dating guro nito. Sikat ba siya sa kanila?

Love To The Max ( An Action-Romance Story)Where stories live. Discover now