Chapter 3

8.1K 282 14
                                    


Pinindot ni Maximus ang switch ng ilaw. Kung hindi pa siya nagkabit ng spy camera kaninang umaga hindi niya malalaman ang krimeng mangyayari ngayon. Siguro'y nagahasa na ng lalaking ito ang babae. Nilapitan niya ang dalawang nakahandusay na bulto matapos mag-switch ng ilaw.

"Shit! Kaya naman pala mare-rape ang babaeng ito ay dahil nagsusuot pala ng ganiyan."

Lumantad sa kaniyang paningin ang flawless at seksing katawan ng babaeng sinaklolohan. Kulay black ang pang-ibabang suot nito at ang pang-itaas naman ay pula. Wala itong malay at nakahandusay sa sahig. Marahan niya itong binuhat at dumampi ang mga balat niya sa malabot na balat nito. Naramdaman niya na may napukaw na ng kung ano sa kaniyang sistema. It's his libido which suddenly rushed.

"Ano ka ba naman, Maximus? Parang ngayon ka lang nakakita ng mga ganiyan!" pangaral ng sarili niya.

"Naku Maximus, kung ikaw ang nangrape sa babaeng ito tiyak na walang sinumang makapipigil at talagang maisasakatuparan mo. Ang hina naman ng humirit dito. Kung ikaw iyan, tiyak..."

Natigilan ang binata saglit. Buhat-buhat niya ang dalaga tungo sa kuwartong nasa ibabaw. Pagkarating niya doon ay bukas ang pinto niyon. Lumaki ang ngiti ng binata at saglit na nawala ang mahahalay niyang ideya sa kaniyang isipan. It is his chance! Mahahanap na rin niya sa wakas ang memory card. Dali-dali niyang inihiga sa kama ang karga at tinakpan ng kumot ang katawan nito bago pa siya mademonyo at maisipang itutuloy ang naudlot na misyon ng estranghero. Tinungo niya ang mga cabinet na naroon at ang closet nito. Hinalughog niya lahat. Pati ang mga gamit nito sa tokador ay hindi niya pinaligtas. Sinilip rin niya ang ilalim ng kama ngunit walang anuman doon. Tinungo niya ang tambakan ng mga labahin na naroon at isa-isang dinampot ang mga laman niyon ngunit wala talaga siyang nakita.

"Ouch!" Nasapo ni Maximus ang batok nang may tumama sa kaniya mula sa likuran. Kung hindi siya nagkamali, isang yung hanger.

"Who are you?" Medyo nagulat ang binata ngunit nakabawi rin. Napangiti siyang bigla. She was so pretty. Ibang appeal ang dulot niyon sa kaniya. It wasn't like the mere feelings he felt usually with his past women.

Nanlilisik sa galit ang mga mata nito na sa sandaling iyon ay nakabalot na ng kumot ang katawan. He was amused. Kahit na nakabalot na ang katawan nito parang malinaw pa rin sa paningin niya ang nasa loob niyon.

"Sino ka at anong ginagawa mo rito sa bahay ko? Ikaw ba- "

"Teka, Miss, actually ako ang sumaklolo sa iyo. Muntik ka nang ma-rape ng manliligaw mo. Narinig ko kasi ang sigaw mo kaya nagtaka ako." Pagsisinungaling niya at pa-cool effect na wika habang nakapamulsa. Nakita niya sa camera ang nangyari, iyon ang totoo. Nabasa niya sa mga mata nito na parang hindi ito naniniwala sa kaniya.

"Kung gusto mo, tumingin ka sa ibaba." pahamon niyang wika ngunit ngumisi ng konti. Patakbo namang bumaba si Bemery. Natutop niya ang mga labi nang makita ang nakahandusay ang walang malay na si Harold. Medyo dumugo ang mga labi nito kaya agad niya iyong dinaluhan. Napaiyak siya. Hindi siya makapaniwala na nagawa ito ng lalaki na isa sa mga naging una niyang kaibigan sa unibersidad noon. Imbis na galit ang madarama ay napalitan iyon ng awa. Kung mapipilit lang niya ang puso na ibigay rito, ginawa na niya. Ngunit matigas na yata ang kaniyang damdamin dahil sa unang pagkabigo. Tumikhim ang lalaki sa likod at napakunot ang kaniyang noo.

"Ano bang ginawa mo sa kaniya?" paasik na hinarap niya ito.

"Are you crazy? Iniligtas kita mula sa kaniya at ganiyan ka pa magtanong?" Mukhang hindi makapaniwala si Maximus sa narinig niya mula rito. Hindi ba ito nasiyahan sa ginawa niyang pagpapaka-hero para rito? Ibig sabihin ba nito siya pa ang mali eh siya na nga ang nagligtas sa kaniya mula sa kamay ng hunghang na manliligaw? That's very ironic!

Love To The Max ( An Action-Romance Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon