Chapter 2

9K 293 15
                                    


    
Thank you for reading please do not forget to hit vote and type your comments. Salamuch!

******

======================

"Ma'am, may bago yata tayong kapitbahay." nakangising wika ni Jenny habang nagpi-prito ng itlog nang umagang iyon. Natapos rin ang linggo at balik trabaho na ang dalaga kaya maaga siyang gumising at naligo.

Ano naman ngayon Jenny?" Parang walang interes na tanong niya habang pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok, kalalabas lang kasi niya ng banyo.

"Halika ma'am." Iginiya siya ng dalagita sa binata. Muntik na nga siyang mabangga sa maliit na lamesitang naroon dahil sa pagmamadali. Siyempre, tiningnan naman niya kung anong naroon at bakit parang napakalaking balita ang sinasabi nito. Baka may kapitbahay na silang artista.  Bahagya pang kinikilig si Jenny. Medyo nairita nga siya nang makita ito. Batang-bata pa at lumalandi na.

    And there this man.

Isang segundong nagtama ang kanilang paningin ng lalaking itinuro ng dalagita. His sights were flaming. Huli na ng maalala niyang nakatapi lang pala siya ng tuwalya ng mga sandaling 'yun. Medyo namula siya sa inis.

Kaya naman pala parang sinisilihan si Jenny dahil guwapo naman pala talaga ang nakita niya. Ang mas nagdulot pa ng sobrang appeal dito ay nakita kasi nila itong topless habang nagba-barbel sa itaas na terasa ng bahay nito. Nasilayan nila ang mga nakahanay na pandesal sa katawan nito na kay init sa kaniyang paningin dagdagan pa ng iilang butil ng mga tumatagaktak pawis na nagkikislapan.

Absolutely, he was a hearthrob. Hindi ganoon ka tindi ang sex appeal ng kaniyang salawahang ex-bf. 'Yung tipong unang tingin pa lang matatakam ka na.

"Guwapo plus macho plus damuho plus manyak equals babaero..." Iyon ang mga adjectives na biglang rumagasa at rumehistro sa isipan ng dalaga kaya pinaikot na lang niya ang kanyang mga eyeballs at lumayo na agad sa bintana. Nakakapaso kasi ang tanawin na 'yun. Walang kakuwenta-kuwenta na magiging boyfriend ang ganoong tipo ng lalake. Iyon ang kaniyang paniniwala.

"Jenny, nasusunog na ang pinipritong itlog mo." Sinigawan niya ang dalagita nang mapansing hindi pa ito lumayo sa bintana at parang na bato balani yata. Kaagad ring tumalima iyon nang marinig siya at napahagikhik pa. Nang mahuli niya iyon ay inirapan niya ito at akmang kukurutin sa tagiliran ngunit kapuwa na lang silang napatawa.

---------------------------------------------------

Napahinto si Maximus sa pagbubuhat ng barbell nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Naroon na siya sa Binan para sa kaniyang misyon. Nairefer sa kaniya ng isang kaibigan ang townhouse na medyo malapit sa Unibersidad. Nagustuhan ito ng binata dahil simple at parang tahimik ang lugar na iyon.
Pinulot niya ang aparato na nakalagay sa maliit na lamesita sabay abot sa tuwalya na naroon upang punasan ang mga dumadaloy na pawis. Bago niya sinagot ang kung sinong tumatawag ay nakita niya ang dalawang babae mula sa kabilang unit na nagsisiksikan sa bintana upang matanaw siya. Biglang naagaw ng isa sa mga iyon ang kaniyang pansin dahil sa mapuputi nitong dibdib at braso. Imbis na tumalikod sa mga ito ay mas lalo niyang binalandra ang sarili.

"Hello, brod?" wika niya nang sumagot. Si Mike ang tumatawag, kaibigan niya at kasamahan sa trabaho noon nang hindi pa siya napabilang sa action force.

"How's your first night there?" tinig iyon sa kabilang linya.

"Well, it's okay. I'm glad na may gym equipment dito sa ibabaw. Matagal na rin kasi akong hindi nakapag-gym. At isa pa..." muling niyang sinulyapan ang bintana. Medyo nainis siya dahil wala na roon ang babae.

"I think gaganahan akong mag-stay dito." natatawa niyang dugtong habang iginala ang paningin sa katabing bahay. May hinahanap.

"Well, I think nahuhulaan ko na kung bakit." Bahagyang tumawa ang kausap.

Love To The Max ( An Action-Romance Story)Where stories live. Discover now