Chapter 5

7.4K 224 17
                                    


Napaangat ng tingin si Bemery sa narinig. Pinandilatan niya si Maximus ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. Sa halip ay nag-aapoy ang mga matang nakipagtitigan ito sa kaniyang ex-fiance. Naloloko na yata ang lalaking ito at kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig nito.

"Wala akong paki-alam kung ikakasal kayo ni Bemery. Alam kong ako pa rin ang mahal niya. Panakip butas ka lang!" paasik na wika ni Jack na halatang nagpipigil rin.

"Ah, ganoon?" parang sinaniban ng masamang espiritu ang binata sa narinig at nginisihan lang ang lalaki kasabay ng pagkuyom niya sa sariling palad. Napatayo kaagad si Bemery. Mukhang alam na niya kung saan hahantong ang tagpong iyon kung hindi siya kikibo. Linapitan niya si Max at iniharang ang sarili upang hindi nito susugurin ang lalaki.

"Bem..."

Medyo nagulat pa si Jack sa ginawang pagkampi ng dalaga sa binata akala niya kasi siya ang lalapitan nito. Dahil doon ay hinagip niya ang kamay nito at marahas niyang hinila iyon papunta sa kaniya ngunit mas mabilis naman itong niyakap ni Max. Nakawala ang dalaga sa kaniyang kamay at sumubsob sa dibdib ng katunggaling binata.

Dahil sa ginawa ni Max nagulat si Bemery, napatingin siya sa iniwang mesa ng kaniyang dating kasintahan. Naroon ang isang babae na nakatingin sa kanila. Siguro iyon ang ipinagpalit sa kaniya ni Jack. Tumulo ulit ang kaniyang mga luha. May naisip siyang gawin.

"Bem, hindi ko siya girlfr- "natigil sa pagsasalita ang lalaki. Magpapaliwanag sana ito kung sino 'yung babaeng kasama ngunit naputol iyon dahil sa bilis ng ginawa niya. Si Maximus naman ay namilog ang mga mata sa bilis ng mga pangyayari.

Her lips landed to his. Yeah! She kissed Max.

"Ano hindi niya pala girlfriend iyon? Oh no nagkamali ako! Bakit huli mo na sinabi?"

Kaagad siyang napahinto sa ginagawang paghalik sa binata at naghysterical sa bilis ng pangyayari. Namula ang kaniyang mga pisngi nang magtama ang kanilang mga paningin. Kaagad siyang tumalikod at humarap kay Jack. Gusto niyang magpaliwanag rito ngunit huli na dahil tinalikuran na siya nito. Mabilis ang mga hakbang nito patungong labas. Pambihira! Hinalikan niya lang si Max upang makaganti sana sa sakit na ginawa nito sa kaniya noon nang makita niya ang babaeng inakala niyang girlfriend nito.

"Bakit kasi huli mo na sinabi Jack?"

Nag-uunahan na namang tumulo ang mga luha niya sa kaniyang pisngi. Batid niyang mahal pa siya ng kaniyang ex-fiance. Nabasa niya sa mga mata nito kanina. Nagkamali lang talaga siya at nagpadalus-dalos kaagad siyang halikan ang lalaking hindi naman niya talaga kaanu-ano. Mabilis siyang kumawala kay Max ngunit mariin siyang hinawakan nito sa braso.

"Ano ba?" singhal niya rito.

"Sinaktan ka ba ng gagong iyon?" Matiim itong tumitig sa kaniya at pormal ang ekspresiyon ng mukha.

"Manyakis talaga tong mokong na ito. Sanay yatang halikan ng babae kaya parang wala lang sa kaniya ang nangyari."

"Tumahimik ka! Wala kang alam! Sinira mo pa ako sa kaniya." Nagpupumilit na makawala si Bemery sa malabakal nitong kamay. Sa totoo lang nasasaktan na siya sa pagkakahawak nito sa kaniya.

"I will not release you unless you will eat with me." mariing wika nito at dahilan upang matauhan siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Mabibilang na lang ang mga taong naroon na alam niyang nakatingin sa kanila kanina. Tumingin siya sa mesa. Naroon na at kanina pa pala naghihintay ang grasya sa kanila. Kabastusan kung bigla-bigla niyang iiwan ang mga iyon. Natutunan pa naman niya simula sa pagkabata na huwag paghintayin ang grasya dahil bigay iyon ng Maykapal.

Pangaral iyon ng kaniyang ama at ina. Kaya hinamig niya ang sarili at nagpunas ng mga luha. Pagkatapos niyon ay bumalik siya sa kaniyang kinauupuan. Tahimik na inabot sa kaniya ni Maximus ang grilled prawns. Nakayuko lamang siya habang sumusubo ngunit alam niyang tinititigan siya ng binata. Nagsisisi talaga siya sa kaniyang ginawa. Wala na siyang mukhang maihaharap rito.

Love To The Max ( An Action-Romance Story)Where stories live. Discover now