Scattered 22

10 2 0
                                    


Iniwas ko ang aking kamay sa kanya pero kinuha niya muli. Hinayaan ko na ito dahil nakailang ulit na akong sabi sa kanya pero pilit pa rin niyang kinukuha kaya hinayaan ko na lang ito kahit na hindi ako mapakali

Tinaas ko ang harang ng bintana at doon na lang tumingin kahit puro ulap ang aking nakikita. Pilit kong iniiwasan si alex dahil ayaw kong lumalala. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na nahuhulog na ito ng paunti-unti. Lalo na ngayong kaming dalawa lamang ang pupunta ng Greece. Ang hirap!

I decided to plug my earphones para makapagrelax kahit paano. Tumingin ako sa aking katabi. Hawak pa din niya ang aking kamay habang nakasandal, may neck pillow pa ito. Iba talaga! Parang wala siyang dala nito kanina?

Tinitigan ko ang kanyang mukha. His curly eyelashes that suits his sparkling eyes, the perfect pointed nose he got, the jaw to die for. Bagay na bagay sa kanyang ang pagiging bachelor. Ganito nga pala ang laging laman ng business maganizes at ng bachelor. Sana lagi na lang siyang tulog para matitigan ko siya

Ginaya ko ang kanyang pwesto para makahanap ng komportableng posisyon. Tumagilid ako at humarap sa kanya, unti-unti ng nahuhulog ang aking talukap kaya umayos na ako ng posisyon. Ang huli ko ng naramdaman ay tumagilid na ang aking ulo at may naramdaman akong isang malambot na unan.

Umaga na ng nakapalapag kami sa eroplano. Kinakabahan kong kinuha ang aking maleta habang nakasunod ako kay alex. Sabi niya may naghihintay na daw na sasakyan para samin kaya hindi na kami magtatagal dito.

Sumalubong kaagad sa akin ang napakasarap na simoy ng hangin. Napapikit ako ng madali para damhin iyon at alalahanin na nasa Greece na ako. Ang bansang aking pinapangarap.

It feels so good

Inilagay ko ang buhok na sumasagi sa aking mata sa likod ng tenga. Tumingin ako sa paligid para maramdaman ang kagandahan at kalinisan ng airport na ito. Naglakad-lakad ako ng bahagya para mas makita ang kabuuang tanawin ng airport, muntik na akong mapasubsob sa malapad na likod ni alex kung hindi napadako ang tingin ko sa aking harapan siguro subsob ako sa kanya at tumama ang ilong ko sa likod nito. Tumigil na kasi siya

Lumingon siya sa gawi ko ng nakakunot ang noo.

"Give me your luggage" binigay ko ito sa kanya at pinapasok na niya ako sa loob ng sasakyan.

Pumasok na rin si alex ng mailagay niya lahat ng maleta namin sa hood ng sasakyan. Sa driver seat siya umupo. Tumingin muna siya sa akin bago nagsimulang paandarin ang sasakyan.

"We'll rest for awhile or are we going to check your wines?" tanong niya sa akin.

Abala ako sa pagtingin sa labas ng bintana kaya hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi

"What?" i smiled at him

The view makes my mood great

"We'll rest for awhile or are we check your wines?" muli akong tumingin sa mga gusali at tanawin sa labas

"Check na muna natin baka may nabasag"

"Okay then, let's eat first" tumango ako at hindi na umimik. Tutal hindi naman kami kumain ng mabigat ni alex sa eroplano

Kontento na ako sa mga nakikita

Nagulat ako ng biglang bumukas ng kanya ang bintana kaya tumingin ako kay alex. Nakatuon ang atensyon niya sa pagmamaneho pero nakita ko ang kamay niya na may pinindot.

Nang nakababa na pareho ang bintana bigla naman niyang binababa ang bubong ng sasakyan.

Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement na nabubuo sa aking damdamin. Omg! Tumingin ako sa kanya. Nahuli ko itong nakatingin sa akin habang nakangiti, ngumiti rin ako bago tumayo para damhin ang hangin na pumapaspas sa akin. Naramadaman kong mas binilisan ni alex ang pagmamaneho kaya ang aking mahabang buhok ay tinatangay ng hangin. Isama na pa nahapdi ang aking mga mata.

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now