Kabanata 8

27 4 0
                                    

Frederick Garren is such a pain in the ass. Talaga bang akala niya ay makukuha niya ako sa pagkukunyari niyang naaksidente siya?

To think of na naroon ang kanyang fiancee at dinamay pa talaga niya si tita. Myghad! What on earth is he thinking?

Masyado na siyang baliw sa mga pinag-iisip niya. I don't get it bakit kailangan pa niya akong habulin kung mayroon na siyang magiging pamilya and I think Mira will be a great future wife and mother to their unborn child...

Napahilamos ako sa aking mukha ng maalala na naman ang nangyari kanina. Sumubsob ako sa aking lamesa habang nakakalat ang mga papels sa rito.

Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos o hindi nga ba talaga ako nakatulog dahil sa pag-iisip ng solusyon sa problemang dinala ni fred. Hindi man lang siya nakokonsensiya sa mga pinaggagawa niya. Magiging masaya na naman siya kung ilet go na niya ang nakaraan kagaya ng ginawa ko.

Nakarinig ako ng pagkatok kaya nag-angat ako ng tingin. Inayos ko ang suot kong salamin at sinuklay ng daliri ang aking buhok na nagulo kanina.

Pumasok si Alliyah dala ang isang tasa ng kapeng hiningi ko. Nakakipit naman ang isang folder sa may kili kili. Patalikod niyang binuksan ang pintuan.

Napaayos ako ng upo at bumaling sa mga papels sa lamesa. Lumapit si alliyah at inilagay ang kape sa kanang bahagi ng lamesa bago tumayo sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin at tinitigan siyang ng mariin. Nag-iwas lamang ito ng tingin sa akin.

"Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko sa iyo?" Saad ko habang nakatingin sa bagong folder na inilapag niya sa aking harapan.

"Yes po Miss City. Nariyan sa folder kung saan maaring makahanap ng bagong ingredient kaso ang problema..." muli akong tumingin kay alliyah dahil hindi niya tinapos ang kanyang sinabi.

"Wala pong information na nakalagay kung sino ang may-ari ng farm na nakita ko. Pero may sketch naman po ng daan kung saan at paano mahahanap. Near Batangas lang din po kagaya ng Plantasyon pero more on honeys sila nakafocus" tumango ako ng bahagya at binasa ang nasa papel na hawak ko

Bakit hindi nakalagay kung kaninong production ito? Hindi ko tuloy malaman kung totoong may ganito o wala. Pero alam ko namang hindi papalya si alliyah sa mga impormasyong pinapakalap ko sa kanya.

Humigop ako sa tasa bago bumaling kay alliyah. Inalis ko ang aking salamin at pinag-interwined ang aking mga kamay habang nakapatong sa lamesa. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Well what do you think? Hindi ba false information ito? Walang nakalagay na production? Baka mamaya nalulugi na pala ito? Yes, they got the telephone number but what if it is just a modus?" I stated. Napansin kong tensyonado masyado ngayon si alliyah.

Nakadress itong plain white na tinernohan ng itim na coat. Hindi naman masyadong required na magsuot ng ganitong kaformal na attire dahil wala naman kami sa isang firm o kumpanya. Pero siguro one of these days maglilipat na ako sa isang building at magdadagdag ng tao para hindi lamang kami ng alliyah ang namomoblema ngayon.

Marami pa akong gustong gawin sa BlackSwan. Isa na rito ang panibagong launching ng wine. Kaya ngayon ay naghahanap ako ng pwede maging sangkap napapatok sa karamihan

Its a trial and error kung sisilipin ko kaagad ngayon ang tinutukoy ni alliyah pero based on the infos mukhang maayos naman ito.

Bahala na kung anong mangyari sa kinuha ni Fred na ingredient kung ilaunch niya iyon ay tatanggapin ko na lamang. I'll just make sure na kapag ako ang naglaunch ng panibago ay mas papatok ang akin.

Kinagat ko ang aking labi at muling sumilip sa pangalan ng farm na sinasabi ni alliyah.

AJH Inc.

Scattered (EDITING)Where stories live. Discover now