Broken 17: Chase

920 18 1
                                    

an: UNA PO SA LAHAT, bakit niyo po ako flinood ng daan-daang PMs? :( Of course I'm joking, I love you guys haha; At dahil busy/magiging busy pa si Author sa mga nakakalokang school projects and assignments, itatry kong tapusin ang Broken 17-20 ngayong weekend despite sa kabundok na assignments. Hahaha T__T Matatapos na, mamimiss ko 'to. So yun lang guyth, I hope you stay tuned in every now and then. :) Thank you din pala. Ayieeeh, kinilig yan huehue </3

---------------------------------------------------X

Broken 17: Chase

Caileigh's POV

Hah? Ano? Bakit? yan na lamang ang mga tanong na umiikot sa aking isip. Ngunit sa halip na isipin ang mga bagay na ito, kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pagtakas sa bangungot na ito.

"Shit. Naliligaw ata tayo." bulong ng aking kambal

"Jake... pagod na pagod na ko..." hinang-hina kong tinuran

"Caileigh, mamaya na yan... kailangan nating tumakbo kundi aabutan niya tayo..." sagot sakin ni Jake habang hingal na hingal

Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa naramdaman kong nanghina na ng tuluyan ang aking mga tuhod.

"Kuya... hindi ko na talaga kaya..." pagmamakaawa ko sakanya. Napaluhod nalamang ako at napasandal sa puno

Huminga siya ng malalim at umupo sa harapan ko.

"Magiging okay ang lahat kambal... pangako ko yan sa'yo..." tinuran niya at itinabi ang mga hibla ng aking buhok sa isang gilid.

Hingal na hingal parin ako dulot ng pagtakbo at ramdam na ramdam ko rin ang sabay-sabay na pagtulo ng aking pawis.

"S-sorry..." nagawa kong masabi sa gitna ng aking mabigat na paghinga

Bigla siyang mas lumapit sakin at niyakap ako...

"Caileigh... kung sakaling... mawala ako.. ikaw nang bahala kena mama tsaka papa ah? Sana magka-ayos na silang dalawa..." bulong niya

Tumulo na rin ang mga luha ko sa mga sinabi niya... 

"J-jake naman eh... h-huwag ka ngang ganyan... diba ikaw naman nagsabi na magiging okay ang lahat? Malulungkot sina mama kapag wala ka na... Jake, malulungkot ako pag wala ka... mababaliw ako... please... huwag mong gawin kung ano mang binabalak mo..."

Biglang may namutawing ngiti sa kaniyang labi.

"Okay... sige." sabi niya at ginulo ang aking buhok

Ilang sandali lamang ay may narinig kaming tunog ng isang chainsaw

"Nasaan na kayooooo? HAHAHAHAHAHAHA"

"Fvck! Caileigh! Takbo!" mahina niyang sigaw

Agad naman akong tumayo at tumakbo narin...

Rinig na rinig ko ang tunog ng chainsaw na papalapit saamin. 

Walang tumigil sa pagtakbo... alam kong hinahabol niya kami... please... sana maligtas kami..

-------x

End of Broken 17: Chase

Broken Shards *COMPLETE!* :DWhere stories live. Discover now