Broken 11: Requiem

1.1K 21 8
                                    

Broken 11: Requiem

-----------------------------------------X

Jake's POV

Dyahe. Putol nanaman tulog ko, bakit ba lagi nalang ako ginigising netong babaeng 'to?

"Tsch. Jaiden... ano nanaman ba?" irita kong tanong

Hindi naman siya sumagot. Naweirdohan naman ako kaya minulat ko na ang mga mata ko.

Ito ba talaga si Jaiden? Nakangiti sakin ng matamis... teka, nananaginip nanaman ba ko?

Kinusot ko naman mata ko agad, weird talaga. Pagkabukas ulit, nawala na siya. Nangilabot ako dun ah.

Agad akong tumayo at pumunta sa higaan niya, tinusok-tusok ko ang tagiliran niya...

"Jaiden... gising na... huwag mo nga kong pinagtitripan sa panaginip ko..." sabi ko habang tinutusok parin ang tagiliran niya. Bakit parang sobrang lambot naman? Fats ba to?

Iyuyugyog ko na sana siya nang naramdaman kong parang unan lang pala ang ginigising ko. Tinanggal ko ang kumot, tama nga ko. Teka?! Nasan si Jaiden?!

"HOY! GUMISING KAYO!! NAWAWALA SI LACEY!!!" taranta kong sigaw

Agad din naman silang bumangon at naalarma.

Shit naman Jaiden, san ka nanaman nagpunta?!

Lumabas kami agad sa clinic upang hanapin si Jaiden, NASAN BA SIYA?!

"Check natin sa CR. Baka naihi lang." sabi ni Caileigh at sinunod nga namin.

Pero imposible, kung iihi man 'yon, gigisingin ako nun. Tsch. Hindi siya makakapunta run mag-isa lalo na't nandun ang bangkay ni Lexy.

"Wala. Tara alis na tayo dito ang baho." sabi ni Clifford nang macheck na lahat ng stalls.

Pumunta kami sa lahat ng classrooms, sa lahat ng hallways... ngunit sa halip na si Jaiden ang makita namin...

"Meaghan?" tawag ni Alexandria

"A-ANONG GINAGAWA NIYO RITO?!" kabadong tanong niya

Hindi ko na kaya. Puta naman. Agad akong sumugod kay Meaghan at hinawakan ang dalawang balikat niya.

"SAAN MO DINALA SI JAIDEN HAH?!! MAGSALITA KA! ALAM KONG MAY ALAM KANG BABAE KA!!!!" sigaw ko habang nanlalabas na ang mga mata ko

"T-teka Jake.. nasasaktan ako... w-wala a-akong alam sa pagkawala ni Lacey..."

"FCVK!!! HUWAG KA NANG MAGSINUNGALING!! SAAN MO SIYA TINAGO?!!! SAAN MO SIYA DINALA?!!!!" mas lalong lumakas ang boses ko. Tsss

Naramdaman kong bumaon na ang kuko ko sa balikat niya. Mas malala ang mangyayari sakanya kapag hindi niya sinabi sakin kung nasaan si Lacey!!

"Hoy Jake... tama na yan, babae rin yan." sabi ni Clifford at inaawat ako. Nakita kong tulala lang sina Caileigh at Alexandria

"GAGO KA PARE! HUWAG MO KONG PAKELAMAN!! HOY, SAAN MO DINALA SI JAIDEN?!!! SAAN MO SIYA DINALA?!!! HAH?!!! SUMAGOT KA!! SUMAGOT KA!!"

"A-ARAY!!!!" sigaw niya

"TALAGANG DI KA MAGSASALITA HAH?!!!" mas lalong lumaki ang mata ko

"TEKA LANG JAKE! MAKINIG KA SAKIN! BITAWAN MO MUNA SI MEAGHAN!" sigaw rin sakin ni Clifford

Huminga naman ako ng malalim at binatawan si Meaghan. Sobrang init na ng ulo ko at hindi ko alam kung ano nang magagawa ko.

Lumapit naman si Clifford kay Meaghan.

Broken Shards *COMPLETE!* :DWhere stories live. Discover now