Broken 10: Vengeance

1.1K 22 5
                                    

Broken 10: Vengeance

A/N: Salamat po sa 1k reads mga readers! :) Maraming maraming maraming maraming maraming salamat po talaga! Mababaw lang po ang kaligayahan ko. T__T Sana po mas suportahan niyo itong story. Salamat po ulit!

-----------------------------------------------------------------------------------X

Lacey's POV

"Sinong number 5?" tanong ko

"Number 2 ako. Ano ba number mo Lacey?" tanong ni Alexandria sakin

"Tsch... nakalimutan ko eh. Natatandaan niyo pa ba number niyo?" tanong ko

"Oo naman. Lacey sa lahat ng kakalimutan mo huwag yung number mo..." panenermon ni Clifford

"Sorry naman. Yung natatandaan ko 6 or 4 eh... pero bahala na. Hindi naman siguro ako iyan. Tsaka kung ako man 'yan, di niya ko masasaktan kasi nandito naman kayo guys diba?" sabi ko

"Tama." sabi nila at nag-smile sakin

Pero agad nanamang bumaliktad ang mga ngiti nila nang maaalala ang sitwasyong kinalalagyan. Wala na si Jarred, Lexy, at Geoffrey... humiwalay sa landas namin sina Jhustine at Meaghan at iisa saamin ang maaaring maging killer... Isang malaking bangungot ang kinihaharap namin ngayon.

"Tara na sa baba... hindi ko na masikmura 'tong lugar na 'to..." sabi ni Jake

"Oo nga.." second the motion ni Caileigh

Tumango naman kaming lahat at nagtungo na sa clinic kung saan kami namamalagi sa ngayon.

"Guys... nakakapagod lahat ng nangyari.." sabi ni Caileigh

"Kalimutan nalang muna natin. Kailangan nating maging matatag at ipaghiganti ang pagkamatay nilang lahat." sabi ni Alexandria

"Makata ah. :)" sabi ni Clifford

"Syempre. Sows." sagot naman ni Alexandria

"Hoy Jake. Pahiram ng unan mo!" sabi ko

"Jakeeeeeeee~~" sabi ko ulit

"LQ nanaman yang dalawang yan. Tinalbog pa love team nina Clifford at Alex ah." sabi naman ni Caileigh

"Shut up. Yung hinihingan ko ng unan tulog na pala. Peste to." sabi ko

"Sige... matulog na tayo..." sabi ni Alex at nagtalukbong na sa kumot

"Good night..." sabi naming lahat at natulog na rin.

----------X

3RD POV

KAPAHAMAKAN ang naghihintay sakanila ngayon sa gitna ng kanilang mahimbing na pagtulog.

Napakirot si Lacey nang may maramdaman niyang may tumatapik sa kaniyang balikat. Magkahalong takot, kaba at pangangamba ang kaniyang nararamdaman kaya nama'y hindi na niya magawang imulat pa ang kaniyang mga mata. Sa bawat sandaling magdidikit ang kamay ng misteryosong tao at ang kaniyang balikat ay nakararamdaman na lamang siya ng kakaibang panginginig na dulot ng hustong lamig na dumadaloy sakaniyang likod.

Ilang minuto pa at hindi talaga iminumulat ni Lacey ang kaniyang mata ay nakaramdam na siya ng sakit at hapdi sa kaniyang tagiliran. Nararamdaman din niyang may dumadaloy palabas rito... likidong mainit... patuloy lang ito sa pag-agos at sa bawat patak ng likidong iyon ay nakakaramdam na siya ng kakaibang kirot.

Wala na siyang nagawa kundi buksan ang kaniyang nakapikit na mata dahil ipagpapatuloy ng taong iyon ang paghiwa sa kaniyang tagiliran kung hindi nito sinunod ang utos nito.

Naramdaman din niyang hindi siya makapag-salita dahil mayroong panyong nakatali sa kaniyang bibig. Isang panyong may kakaibang amoy kaya nanghihina siya.

Mas labis siyang nagulat sa kaniyang nasaksihan. Isang taong nakamaskarang puti at nakajacket na makapal.

"Subukan mong mag-ingay kundi itutuloy ko ito..." sabi niya sa kawawang babae at tinutukan ng kutsilyo ang leeg upang hindi ito mang-ahas na humingi ng tulong.

Ganun ang posisyon nila hanggang sa makalabas sila.

Tinignan ng kawawang dalaga ang kaniyang mga kaibigan... kompleto sila at walang kulang. Dahil doon ay naging panatag na siya.

Sa huling pagkakataon ay nagdasal siya sa panginoon na talagang minsan lang niyang nagagawa, dahil alam niyang ito na ang kaniyang katapusan.

Pagkalabas niya'y dito siya mas labis na nagtaka... isa nanamang misteryosong tao ang lumitaw at nasaksihan ng kaniyang mismong dalawang mata. Isang taong nakamaskarang pula at ganun rin ang kaniyang kasuotan. Dalawang traydor sa grupo... alam na niya kung sino, si Jhustine at Meaghan.

'Paano nila ito nagawa?!' tanong niya sa kaniyang sarili.

Tulungan sila sa pagbuhat sakanya hanggang sa nadala nila ang dalaga sa isang silid-aralan na sobrang dilim. Itinali nila ako sa isang upuan.

Tinanggal na ni Jhustine ang kaniyang maskara at nilaglag ang kaniyang buhok.

Ngunit ang susunod na pangyayari ang mas nakakabigla... SINAKSAK NI MEAGHAN SI JHUSTINE SA TIYAN.

"Sorry Jhustine... sumusunod lang sa utos, kundi papatayin niya ko." sabi ni Meaghan at ipwinesto si Jhustine sa isang upuan at itinali. Itinapat nito ang upuan ni Jhustine sa harapan ko.

Sinampal naman ni Meaghan si Jhustine...

"HOY! GUMISING KA!" utos ni Meaghan at nagising nga si Jhustine

"Hayop ka... HAYOP!!" sigaw ni Jhustine at tinalian ng panyo ang kaniyang bibig upang hindi na makapagsalita pa.

Lumabas si Meaghan sandali.

Nagtinginan ang dalawang babae na mugto ang mata. Ang isa ay labis ang pagsisisi sa kaniyang nagawang plano at ang isa naman ay nananalangin na sana'y hindi pa ito ang kaniyang huling gabi.

"I'm back. Let us start the game shall we?" tanong ni Meaghan at nagpwesto ng isang lamesa sa gitna ng kanilang mga upuan. May nilagay din siyang isang device sa gitna... isang drill na nakatutok kay Lacey at isa naman para kay Jhustine at kinokonekta ito ng isang kahoy, mayroon ding hawakan sa harapan ng dalawang babae.

"Here's the mechanics... sa isang saglit aandar ang mga drills na yan. Para sa game na to kailangan niyong magpalakasan ng tulak sa drill, kung sino ang talo sa palakasan, syempre... mabubutas yung noo niya dahil sa drill. Papakawalan ko kayo para magamit ang kamay niyo... pero don't be snakes, dahil sa oras na tumayo kayo diyan sa upuan niyo, patay kayo kagad." tinanggal niya ang tali at nilabas ang dalawang desert eagle pistol at itinuro sa dalawang dalaga.

"Now, let the game begin. Live and survive." tinuran niya at sa isang buton ay nagsimula nang umandar ang drill.

Agad namang tinulak ng malakas ni Jhustine ang hawakan at muntikan na itong dumikit kay Lacey ngunit gumanti naman agad si Lacey at lumapit naman kay Jhustine ang drill.

Sa isang sandali ay pantay lang ang kanilang mga pwersa kaya naiwan sa gitna ang drill. Ngunit sa isa ring iglap ay pwersahang tinulak ni Jhustine ang drill at tuluyan na itong bumaon sa noo ni Lacey.

Wala nang nagawa si Lacey at umiyak nalang habang sumisigaw ng tahimik. Nararamdaman niyang may tumutulong likido mula sa kaniyang noo...

Unti-unting lumabo ang kaniyang paningin... hanggang sa nawalan na siya ng malay.

Si Jhustine naman ay sa halip na maging masaya ay binabagabag ngayon ng kaniyang konsensya... nagawa niya iyon upang mailigtas ang sarili niyang buhay ngunit nagsisisi parin siya.

"Sorry Jhustine, I'm just following orders..." sabi ni Meaghan at binaril si Jhustine sa ulo.

Both Number 5... are out of the game.

---------------x

End of Broken 10

Broken Shards *COMPLETE!* :DWhere stories live. Discover now