Broken 2: Motives

1.6K 27 2
                                    

Broken 2: Motives

---------------------------------------------------------------------------------------------------x

Caileigh's Point of View:

"KYAAAAAAAAH!!!" isang sigaw ang umalingawngaw mula sa Principal's Office.

"Stay here class!!" natatatarantang pasigaw na utos ng guro namin.

Sus. Ano nanamang kadramahan ng matabang principal namin yan hah?

"Paniguradong tepok na yung matandang 'yun." biro ng katabi kong si Jhustine

"Sana nga. Hahahaha :D At nang mapalitan na sya" masaya kong sinagot sa kaniyang tinuran

 Kinuha ko nalang yung notebook ko at nag-review sa Advanced Biology, magtetest kasi kami mamaya at 30% ng grade namin nakasalalay dun.

"Kadiri! pweh!!"

"Kawawa naman si Mr. Fuentes...."

Yung iba namang estudyante umiyak na at yung iba naman ay dumeretso sa banyo para magsuka.

Tinignan ko yung barkada at tumayo na din sila. Ano kayang nangyare dun? Curious lang ako.

Sabay sabay kaming naglakad patungong Principal's office. Madami kaming nakikitang mga estudyante at gurong tulala sa labas. Pagkapasok namen...

Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan.

"Parang... parang masusuka na ata ako..." sabi ni Lacey at tumakbo papuntang banyo

"Shit, ako rin!" sigaw ni Lexy at sumunod kay Lacey

Naiyak nalang si Alexandria sa nakatambad na bangkay sa harapan namin.

"Alex..." sambit ni Clifford at niyakap ito

"Sssh... sssh... tahan na. Tara na, lumabas na tayo dito..." pilit na pagpapatahan ni Clifford habang nilalabas si Alexandria sa labas ng office

"Nice! Ang daming dugo!" sigaw ni Meaghan habang tuwang tuwa na lumapit dun sa bangkay ng principal namin.

"Ang ganda ng pagkakapatay. Hahahahaha" tuwang tuwa na sambit nito

"Nakakadiri na nga eh, pinagtatawanan mo pa talaga." sabi ni Jarred

Parang demonyo ang gumawa nito. Nakatusok ang principal sa seat niya na maraming bubog, nakakalat ang maraming dugo at putol ang isa nitong kamay. Meron ding nakatusok na malaking bubog sa lalamunan nito. Nakakapanlambot tignan.

"Guys, tignan niyo to..." sabi ni Jake at inusog ng konte ang bangkay ng punong-guro.

"Hoy Geoffrey! Jarred! Tulungan niyo ko dito tangena ang bigat!" sigaw ni Jake habang inuusog parin ang punong guro

Agad namang sumaklolo ang dalawang lalake at tinulungan nilang tanggalin ang punong-guro sa upuan na maraming bubog. Mukhang diring-diri pa nga sila sa ginagawa nila.

Nilapag nila ang principal sa sahig at tinignan ng mabuti ang upuan.

"Pare, itaas nga natin tong cushion. Ingat nalang sa bubog. Parang may nakikita ako eh." sabi ni Jake

Tinaas naman nila ng ingat na ingat baka kasi masugatan sila...

Mukhang nagimbala sila sa nakita nila.

"Ano yun?" sabay naming tanong nina Jhustine at lumapit sa kinatatayuan nila

Napatakip ako sa bibig ko.

"ISUSUNOD KO NA ANG SAMPUNG DEMONYO." nakasulat gamit ang dugo sa isang tela na nakaipit sa loob ng office chair.

"Pano mo to nakita Jake?" nanlalaking mata kong tanong sakanya.

"May nakausli kasing puting tela kanina. Napansin ko ring puno ng dugo kaya nacurious ako." pagpapaliwanag niya

"Imposible..." sabi ni Jhustine

Pumasok namin ulit sina Lacey at Lexy

"B-baket?" tanong nila samen.

Inabot ko sakanila yung puting tela na merong sulat at nanlaki naman ang mga mata nila agad.

"Chill nga kayo. Baka hindi naman tayo yung tinutukoy nilang sampung demonyo diba guys?" tanong ni Jarred

"Sino pa bang sampung tao ang pinaka-maimpluwensya at kinaiinisan dito sa campus? diba tayo lang?!" sabat ko kay Jarred

"Well, kung iyon ang gusto niyong paniwalaan bahala kayo." sagot ulit ni Jarred

"Parang tama naman ata si Jarred, baka hindi naman tayo yung sampo na yun. O kaya pinagtitripan lang tayo. Anyway, I like it." sabi naman ni Meaghan

No... no... imposible to....

"Hoy mga bata! magsialisan nga kayo diyan!" sigaw ng isang police officer at tinulak kaming walo palabas.

"Kahit anong mangyare huwag na huwag niyong babanggitin itong nangyare ngayon dito." sabi ko sakanila

"Bakit naman? Mas magandang ipaalam nalang sa pulis, sila na bahala du---" sabi ni Meaghan ngunit sinabat ko siya agad

"GUSTO MO BANG MASIRA ANG REPUTASYON NATIN?! HAH?!!" nasigawan ko siya

"Okay fine!" sagot ulit ni Meaghan

"Pero sinong may motibong gawin yun? Sigurado akong seryoso siya dahil nagawa niyang pumatay na ng tao." sabi ni Lexy

Napakibit balikat nalang silang lahat.

"I don't know. Pero hahanapin ko siya at paparusahan. Wala pang bumabangga satin ng ganito." nanginginig na ko sa galit.

"Hayaan mo na. He or She, kung ano man siya, will make the first move. Dun nalang natin tignan kung sino nga ba talaga siya." sabi ni Lacey

Tama siya...

Pero sinong may motibo?

--------------------------------------------------------------------------------------------X

END OF BROKEN 2

Broken Shards *COMPLETE!* :DWhere stories live. Discover now