Natawa na naman ako dahil sa huling sinabi ni Lia. "Sadyang ganoon ba talaga si Stephanie noon pa man? O nagkakaganyan siya dahil sa... alam mo na."

Lia groaned. "Matapobre na 'yan noon pa man. Hindi ko alam na may itinatago rin palang landi at desperasyon!"

Napailing na lamang ako.

Nakwento ko kasi kay Lia iyong narinig kong pagmamakaawa ni Stephanie kay Kairon na siya na lang ang gustuhin nito. I don't want to gossip, but I just want to release all the feelings that I had when I heard it so I texted Lia!

No'ng lunch na, gaya ng nakasanayan, nasa harap ko na si Kairon agad.

"Lunch?" he asked.

Agad akong tumango at sumabay ng lakad sa kanya.

Napahinto ako nang inilahad ni Kairon ang kanyang kanang kamay para kunin ang bag ko pero agad akong umiling. "'Wag na, ako na. May bitbit ka ring bag, baka mahirapan ka."

Kairon instantly shook his head. "If I can't even carry your bag, how can I carry our future together?"

Natulala ako sa kanyang sinabi kaya naman mabilis niyang nakuha ang bag ko mula sa akin.

"Good girl. This is only a bag. Heck, I'll carry the world for you." Kairon said huskily.

Halos mapalunok ako. Damn it! Why he always have to be like that? Does he even know that his little gestures can make my knees melt like an ice cream?!

Nang maka-move on na ay nakasunod na ako sa paglalakad.

"Umm, may day tour pala tayo, ano? Excited na ako. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya. I tried so hard not to sound so happily crazy beside him.

"Yeah. But I won't be joining." aniya na agad ding nakapagpawala ng excitement na naramdaman ko.

"Ha? B-bakit naman?"

"I have a lot of things to do." sabi niya sabay patong ng bag namin sa lamesa rito sa canteen.

"Pero isang araw lang naman 'yun. Can't you really join?" malungkot na ang aking boses.

"As much as I wanted to, I can't." he said with finality. Kaya naman hindi na ako nagsalita pa.

I'm afraid that it's a part of his punishment. Kung parusa iyon, baka hindi rin ako kasama!

Ilang araw akong nag-antay para sa aking parusa pero kailanman ay hindi ako pinatawag ng head mistress sa opisina niya. Friday na. Bukas na ang day tour at wala pa rin.

Nagpatawag ang head mistress sa auditorium upang maghabilin para sa tour bukas. Papunta na ako nang makasalubong ko si Kuya Mac.

"Oh, Kuya Mac. Papunta ka na rin sa auditorium?" bati ko.

Tumango siya. "Sabi pala ni Beau, uuwi na siya ngayon para makasama sa tour bukas."

Nanlaki ang mga mata ko. "T-talaga? Uuwi na si Kuya Beau?"

Pagkatango ni Kuya Mac ay agad akong nagpaalam sa kanya. Yes! Kuya is finally coming back!

Mabilis ang lakad ko ngayon patungo sa kwarto para kunin ang aking cellphone. I want to confirm it to Kuya Beau if he's really coming back!

Pagkauwi niya ay kakausapin ko agad siya. We need to confess to the head mistress as soon as possible!

I stopped midway when I saw someone in a large frame and tall height, holding a rug and scrubbing the walls. Agad kumirot ang puso ko nang makita kung sino iyon.

"Kai..." I softly called.

Mabilis na binitawan ni Kairon ang basahang hawak at lumingon sa akin. I immediately saw darkness in his eyes. He seems to be ashamed of hisself because I saw him.

"I-I thought you are going at the auditorium. May announcement ang head mistress, 'di ba?" sabi niya. Tila ba gusto niyang maniwala ako na wala lang itong nakikita ko.

"Is this a part of your punishment?" I asked him. It pains me so much seeing him like this. Agad nanubig ang mga mata ko.

Kairon smiled. "I'm okay. Don't worry."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko." nakakainis na ayaw niya pang sabihin sa akin!

"I can handle." aniya.

I hate how he's acting that it's okay while it isn't!

Hindi ko kayang makita siyang ganito. Kinusot ko saglit ang mga mata ko tapos ay lumapit sa kanya. Sa tabi niya ay may timba na may halong sabon at tubig, sa ibaba ay may iilang basahan.

Kukuha na ako ng basahan para tulungan siya sa paglilinis pero agad iyong inagaw ni Kairon sa akin.

"Paige... No. Ako na rito. Kaya ko 'to." aniya.

Kukuha sana ako ng panibagong basahan, pero pinigil ni Kairon ang dalawang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya roon. "Baby girl, please."

My heart almost melted. I tried so hard not to tear up. "Pero Kai-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang marinig ko ang isang boses mula sa malayo.

"Paige!"

Agad kong napagtanto kung sino iyon kaya mabilis akong napalingon at napabitaw sa pagkakahawak ni Kairon.

It's Kuya Beau!

Mabilis na tumakbo si Kuya palapit sa amin ni Kairon.

"Nakabalik ka na!" excited kong sabi. Hindi dahil sa kahit na anong bagay, ito ay dahil maaari na akong umamin sa tunay kong pagkatao kasi narito na si Kuya.

"Let's talk? 'Yung tayo lang?" ani Kuya dahil nakitang nasa likod ko lang si Kairon.

Mabilis akong tumango.

Bago sumama kay Kuya ay bumaling muna ako kay Kairon. "Kai, mag-uusap lang kami ha." paalam ko.

Tumango siya, walang kahit anong bahid ng ngiti sa kanyang mukha. Hindi ko na lang muna iyon pinansin.

I really need to talk to Kuya right now. Baka kung makausap na namin ang head mistress ngayon ay itigil niya na ang mga parusa kay Kairon!

Garnet Academy: School of ElitesWhere stories live. Discover now