She is Amber Gray

19.2K 314 8
                                    

Nagising ako ng wala sa oras nang bigla akong mahulog sa kama kung saan ako natutulog. Bumangon ako at naupo sa sahig kung saan ako nahulog. Napakamot ako ng batok at hinimas ko ang balikat ko na sumalo sa bigat ko nang lumanding ako sa sahig. Nilingon ko ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table. 5:30 na ng umaga.

Liningon ko ang kama ko.

Pambihira talaga 'tong babaeng 'to. Ang gulo matulog. Kung hindi ako ihinuhulog sa kama ay sinisipa o kaya ay inaagawan ako ng pwesto sa higaan ko.

Kinuha ko ang unan ko at nahiga sa carpeted na sahig at sinubukan kong matulog ulit.

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang paglagabok sa kabilang panig ng kama.

Lumigid ako sa kama at tiningnan ang nahulog.

Nangiti ako nang nakita ko si Amber na hinihimas ang ulo niya habang nakasalampak sa sahig.

Umupo ako sa harap niya at hinawi ang gusot gusot niyang buhok. "You okay there?"

Sumimangot siya at tiningnan niya ako na parang musmos.

She Is Amber GrayWhere stories live. Discover now