Ika- 27

5.8K 211 32
                                    

IKA 27

"La masa se hace, entra en paz" (The Mass is done, Go in peace) at nagsimula ng magsitayuan ang mga tao para lumabas ng simbahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"La masa se hace, entra en paz" (The Mass is done, Go in peace) at nagsimula ng magsitayuan ang mga tao para lumabas ng simbahan. Ang mga magkakakilala nagbabatian kung magkakasalubong man, ngumingiti, kumakaway at iba pa.

I can't help but to smile too pero dahil mukhang pinagtitinginan na naman ako ng mga tao, napa yuko ako. Mukhang hindi parin humuhupa yung nangyari sa amin ni Victoria noong isang araw.

Habang naglalakad ako, isang batang sakristan ang nakasunod sa isang prayle ang nakita ko. ngayon ko lang napansin siya dahil hindi ako nakatingin sa harap kanina at maliit siya, hindi siya makikita mula sa inuupuan ko dahil sa may naka upo sa harap namin.

Mukhang siya yung batang nakalaro namin dati sa Hacienda ng mga Lacson, yung anak ng trabahador nila.

Sinundan ko siya para sana batiin pero, pumasok sila sa isang silid sa Simbahan. "Sayang, di ko siya nabati." Sabi ko pa at aalis na lang sana pero nakarinig ako ng pagiyak. Sa gulat ko, napalapit ako para tignan kung ano ang nangyari. Doon ko nakita na ang isang prayle ay sinasaktan siya.

Umiiyak ang bata at nagmamakaawang tama na pero hindi siya tinitigilan sa pagpalo sakanya. Parang kumirot yung dibdib ko. kawawa yung bata!

Ready na akong umiksena pero may humawak sa braso ko at hinila ako palayo. Si Kuya lang pala. Napahawak ako sa dibdib ko. "Huwag mo na lang pansinin, Almira. Baka ikaw pa ang sunod na puntiryahin ng mga iyan." Bulong niya habang naglalakad kami palayo.

"Pero kuya, kawawa yung bata sinasaktan lang niya." sagot ko at babalik pa sana ulit pero pinigilan na naman ako ni Kuya.

"Almira, ako man ay gusto ko din tulungan ang batang iyon ngunit hindi mo naiintindihan, Kapag nagsalita ka sakanila tungkol dito, mapapahamak ka."

Oo nga pala. Sa panahong 'to, may power ang mga friars against the people especially those who are lower in the caste system. Kaya nga din sa kwento ni Jose Rizal na Noli Me Tangere, si Crispin minamaltrato ng prayle. Nakalimutan kong kaming nakakataas pala ang maswerte lalo na kapag kabilang sa Principalia pero ang mga purong Pilipino ang dugo, pinapahirapan sila. Kahit mga bata.

Tumango na lang ako at hinayaan lahat kahit naaawa ako sa bata. Bumalik kami sa kanila ni Ama at Ina kung saan kausap ngayon ang mga kilala nila.

"Ayos ka lang, Anak?" tanong ni Donya Rebeca at tumango ako. Yumuko lang ako ulit kagaya kanina. Sa lupa lang ako nakatingin habang naka buntot sakanila.

"May barya ba sa sahig señorita?"

Dug dug dug dug.

Mukhang hindi ko na kailangan tignan kung sino yung nagsalita, boses pa lang niya kilala ko na. Iniangat ko ang ulo ko saka tumingin sakanya. "Magandang Umaga, Seniorita" nakangiting bati niya. lumiwanag tuloy ang paligid. Nakalimutan kong palagi din pala silang nagsisimba, siyempre napaka relihiyosang tao ni Doña Corazon, kaya siguro napakabait niya. kapag nakikita niya kase ako, palagi niya akong niyayakap.

DUYOG (MBS #1)Where stories live. Discover now