Love Ko si Mam, Love Ko si Sir

603 9 0
                                    

Love Ko si Ma'am, Love ko si sir

Ni aeiouxz



Modernong bayani.

Dakilang nagpupunyagi.

Nagsasabog ng karunungan,

Pundasyon ng lipunan!



Sila ang Guro.

Isang huwaran.

Isang modelo.

Ang nagsisilbing tulay mula sa kamangmangan

patungo sa karunungan,

Ang nagtatama ng mali

at nagpapanatili ng katotohanan.



Sila ang ikalawa sa nagtama sa ating mga kamalian

Kung kaya't itinuring na rin nating ikalawang magulang.

"Walang imposible, lahat ay kayang-kaya!"

Hindi ba't ilan lang 'yan sa mga itinuturo nila?


Ang guro ay hindi lang isang magaling na tagapagturo ng Wika at Panitikan,

Ni hindi lang isang taong bihasa pagdating sa Matematika at Agham.

Hindi lang magaling sa Retorika at Kasaysayan.

At hindi lang taga-record ng mga gradong pinaghirapan.


Isa siyang artista sa husay niyang magtago ng emosyon.

Nananatiling nakangiti sa kabila ng mga konsumisyon.

Isa siyang magaling na mang-aawit,

Sisikaping umawit kahit kaboses ng pipit.

Isa rin siyang magaling na mananayaw,

Kahit parehong kaliwa ang paa, sa Tango at Boogie ay hindi aayaw!


Ang lahat ng bagay na malaki, ay sa maliit nagsimula,

Ang lahat ng taong mayaman ay sa kahirapan nagmula,

Sa likod ng ngiti at mga tagumpay,

Paniguradong may guro na sa kanila'y gumabay.


Kung walang guro,

May kinikilala ba tayong isang tanyag na Plato?

Kung walang guro,

Magkakaroon ba tayo ng isang magaling na Pangulo?

Malamang ay walang magagaling na doktor,

At hindi ganoon kalawak ang isip ng mga pintor.


Sa husay at talino ng isang Jose Rizal,

Itinuring nating bayani, makabansa ang kadakilaan.

Malamang may isang guro sa kaniyang likuran,

Na humasa ng kaniyang dunong at pagkamakabayan.


Siya ang nagsisilbing tulay ng Noon at Ngayon,

(Noon? Ngayon?)

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon