Chapter 37. [Me. You]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ba? Blake itawag mo sakin."

Ngumiti siya.

"Young master po kita. Ano pong maipaglilingkod ko sainyo, young master?"

Napahawak ako sa ulo ko. Ah ginugulo mo utak ko Kaycee!

Hinawakan ko siya sa magkabilang-braso at tinitigan ng matagal.

"Kakasabi mo lang na gusto mo ko tapos biglang ganito? Ano ba?"

Biglang nag-iba ang aura ng mukha niya. Parang... nadissapoint.

"May sasabihin ka ba?"

"Ha?" tangang tanong ko.

Umiling lang siya at nginitian ako bigla.

"Wag kang mag-alala young master. Malapit ng matupad ang gusto mo."

Saka siya umalis sa harapan ko at naiwan akong naguguluhan. Huh?

Paakyat na sana ako ng kwarto ng biglang pigilan niya ako.

"Oh Kaycee? Akala ko--"

"Let's have a date."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What? Date?"

"Yes. Me. You. On a date. No pretensions. No hate. Magpakatotoo tayo kahit sa isang araw lang, YOUNG MASTER."

Teka, siya pa nagyaya?

"Kaycee, ako dapat ang nagyayaya sayo. Hindi ikaw."

"Ayokong mamuti ang mata ko kakahintay sa taong... ah basta."

"Sige. Date. Tayong dalawa lang. Bukas?"

Bigla siyang ngumiti ng malungkot.

"Sige. Tulog na ko, young master. Thank you."

Umakyat ako sa kwarto ko ng gulong-gulo. Ako? Idedate ko siya bukas?

Si Kim. Paano na si Kim...

Pero di ko alam, wala na kong pakiealam. Mag-eenjoy ako bukas kasama si Kaycee.

This time, di ko iisipin yung plano.

Me. Her. On a date.

Just US.

---------------------

BLAYCEE on the right side.

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon