Chapter 8. [Holding-hands]

130K 2.6K 142
                                    

KAYCEE'S POV

What did just... happen?

Why did he hire me again? What's up with that? May disorder ba yun? Bakit pabago-bago siya ng isip? Isang oras na ko dito sa kwarto ko, nag-iisip. Ano ba kasi? Bakit ganun si Master Blake? 

Dapat nga magpasalamat ka pa Kaycee eh! Tinanggap ka ulit ng Master mo! Solve ka na ulit!

Ay ewan! Kahit gusto ko mang umalis. Ayoko. Kakainin ko muna pride ko. 6 months lang naman eh.

Pero ano ba kasi yung pinagsasabi nung monster na yun?! Yung papaalisin ako? Epaaaaal. Ginugulo yung utak ko. Tsk. Kasi naman eh! Ano ba kasi yun?

"I'll makesure you'll quit within six months. Be ready."

"I'll make sure you'll quit within six months. Be ready."

"I'll make sure you'll quit within six months. Be ready."

Nakakabobo. Hindi naman ako tanga para di malaman na gusto niya akong magquit. Pero, hello?! Kung gusto niya rin naman ako magquit, bakit niya pa ako pinabalik in the first place?

May kumakatok? Ay hindi. Hindi yun kumakatok Kaycee! Sumisipol!

Binuksan ko yung pinto. Si Nanang Dolores lang pala. 

"Oh bakit po?"

"Wala naman Kaycee. Gusto sana kita makausap. Di ba ako nakaabala sayo? Alas-kwarto na.  Di ka pa ba matutulog?"

"Di pa po ako inaantok eh. Sige po pasok po kayo." Pinaupo ko na lang si Nanang sa sofa ko at tumabi sa kanya.

"Bakit po? May problema ba?"

"Ay nako iha. Wala! Gusto lang kitang kamustahin. Maayos ka na ba?" 

"Uhm... maayos naman po."

"Akala ko kung ano na. Pagpasensyahan mo na ang alaga ko ha? Ganun lang talaga si Blake, iha. May pagkamatigas ang ulo nun at arogante pa! Masanay ka na dun." Masanay? HUH! Kelan pa kaya yun?!

"Palaging wala yung mom niya. Pati yung kapatid niya, umalis na rin. Kaya nalulungkot lang talaga yun iha. Nabubuhos niya tuloy sa sama ng ugali niya. Pakiintindi na lang. Since magiging personal maid ka pa naman niya. Ako na ang humihingi ng patawad sa batang yun."

Haynako.

"Okay lang yun Nanang. It's not a big deal." ANONG HINDI? MINURA-MURA NIYA AKO KANINA?

Intindihin mo na lang daw, sabi ni Nanang. Kaycee intindihin mo. 

Psh. Ano ba yan?! Bata ba siya? HINDI! Ano siya baby na dapat kong alagaan? Tsk. May mental problem siya, TAPOS! Kailangan siyang umayos! Parang hindi tao eh. Monster siya monster! 

"Sige iha. Matulog ka pa. Alas-syete pa naman ang klase mo diba? May 1 oras ka pa para matulog. Ako'y gising na rin at mag-aayos na ng bahay." 

"Bakit po 1 hour? Diba dapat 2 po?"

"Nakalimutan ko sabihin na kailangan mong gumising ng 5AM sakto para makapaghanda ka na rin ng mga kailangan ni Blake. Yung breakfast niya at yung gamit niya. Pasensya na iha, yun ang kautusan ni Maam Elise."

"Ganun po ba? Okay lang po! Yun naman po trabaho ko. At para di na rin ako malate."

"Osige iha maiwan na kita dyan. Pasensya na ulit." Nagnod ako at ayun nga, lumabas na si nanang sa kwarto ko.

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon