Chapter 4. [Saying Goodbye]

128K 2.6K 67
                                    

KAYCEE'S POV

"Ganun ba Iha? Sige, naiintindihan namin. At hindi rin namin tatanggalin ang scholarship mo, basta ipangako mo na gagawin mo pa rin ang pagtulong sa University. Maliwanag ba yun Iha?"

"Opo Sister. Salamat po." Sinabi ko na yung bago kong trabaho sa mga madre sa dorm, ayos lang naman daw yun basta mag-iingat ako. 

"Kelan alis mo?"

"Bukas po nang hapon. Sabado kasi ngayon at aayusin ko muna po gamit ko." Um-oo naman sila at pumunta na ako sa kwarto namin ni Steffi.

Si Steffi.

Mamimiss ko talagang kasama yang babaeng yan. Hay. Nung nalaman niyang aalis ako at dun na titira sa pagtatrabuhan ko, umiyak siya at nagtampo sakin. Sana ayos na siya.

Pagbukas ko ng pinto, nakita kong may nakapatong na books at isang envelope sa kama ko. Pagkatingin ko kung sino yung andun, si Steffi, nakangiti.

"Wag mo nga akong tignan ng ganyan, Bes. Lalo kitang mamimiss!" Lumapit naman siya sakin at niyakap ko siya. Mamimiss ko talaga 'tong si Steffi. Kasi naging supportive siya sa akin e. Since highschool pa lang. Bestfriend ko talaga 'to.

Binatukan niya naman ako. "Pinapaiyak mo ako bruha ka. Nagpapamiss ka e."

"Magkikita pa rin naman tayo sa University. At magiging bestfriends pa rin tayo. Promise!" Hinug ko ulit siya.

Mamimiss ko talaga si Steffi. Naiiyak tuloy ako. Ambabaw ko naman. Pero mamimiss ko talaga 'to.

Napatingin ako sa kama ko at bumitaw sa hug namin.

"Ano yan, bes?" Tinuro ko yung mga books at isang envelope.

"Yan ba? Gift ko sayo. Hehehe." Lumapit ako sa kama ko at tinignan yung books. Wow, eto yung mga librong gusto kong bilhin kaso mahal. Napatingin ako kay Steffi, nakasmile siya. Di ko namalayan, umiiyak na pala ako.

"Bes! Sabing wag tayong magdadrama e." 

"Oo na. Naiyak lang ako. Ikaw naman kasi e. Hndi mo naman kailangang bigyan ako nito e."

"Gusto ko. Okay? At least, hindi ka mabobored dun."Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Salamat. Teka, ano 'tong envelope?" 

"Buksan mo. At, wag kang tatanggi. Kundi magtatampo ako sayo." Binuksan ko yung envelope, at ang laman? 

Pera. 

"Sorry kung 2,500 lang yan ha? 5,500 na lang kasi natira sa allowance ko, kaya yan na lang mabibigay ko sayo." Gusto ko siyang tanggihan kaso alam ko, magtatampo siya. Hay. Niyakap ko na lang siya ulit ng mahigpit.

"Salamat Bes."

"Alam kong makakatulong yan sayo. Baka magastos ko lang yan sa pagbili ng shoes, sayo na lang." Natawa ako sa sinabi niya. Natawa rin siya. Nagtawanan lang kami dito...

Pero alam ko, mamimiss ko talaga ang bestfriend ko.

"Pano yan? Bes? Bukas alis ka na. Sino na roommate ko?" Oo nga no. Sino kaya roommate nito?

"Malay ko. Darating rin yun. Malay mo, maging close rin kayo."

"Teka, kanino ka ba talaga magtatrabaho? Diba sabi mo, magiging personal maid ka? Nino?"

"Ni Bla—" Patay! Muntik ko nang masabi yung name ng Demonyong yun! Ayon kasi sa kontrata namin ni Mrs. Cuenca este Tita Elise, wala daw makakaalam ng contract, kahit sino. Strictly between the Cuenca Family lang. Atsaka may pagkadaldal 'tong babaeng 'to, baka mamaya, biglang kumalat e. It's not that I don't trust her ha.

"Sinong Bla? Pangalan ba yun? Parang Blei~" Binatukan ko naman siya.

"Basta."

"Mag-ingat ka dun ha? Wag papaano. Pero kung gwapo at papables, aba, sunggaban mo na!" tinawanan ko lang siya. 

"Sige, Tulog na ako." 

"Goodnight!" pinatay niya na yung ilaw at natulog na kami.

UMAGA NA.

Pagkagising ko, 3 lang ang nasisigurado ko.
1. Doon na ako titira sa Cuenca Residence.
2. Magiging personal maid ako ni Young Master Blake Cuenca. 
3. Kailangan akong tumagal sa trabaho na yun, alang-alang sa pera.

Pwede na ba akong magpakamatay?

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon