Chapter 17. [Steps]

107K 2.1K 258
                                    

Dedicated to her. Hehe. Ayon, please read her story "My childhood bestfriend is now my boyfriend." Request niya eh. Dali! Hahaha! <3 I'm sure maganda yan. 

-----------------------------------------

BLAKE'S POV

Ahh... shit.

Napakamot ako ng ulo ko pagkagising ko... shit... ang sakit ng ulo ko. Binibiyak... Ano ba yan, nakainom pala ako kagabi...

Napatingin ako sa suot ko, huh? Bakit iba na? At bakit nandito ako sa sofa?

Siguro yung maid na yun yung nag-alaga sakin. Huh... may pakinabang rin pala yun.

Nasaan ba siya? Tss... pagkatingin ko sa table. Nakita ko yung pagkain na niluto niya siguro.

May nakalagay na post-it sa may baso ng tubig. Nabadtrip ako sa nakasulat.

OH AYAN NA PAGKAIN MO. WAG KA NG MAGREKLAMO. PAPASOK NA AKO.

Problema nun? Tss! Nakakainis... pumayag na nga ako sa kanila ni Chris eh. Tapos ganyan na ugali niya? Kung kailan nagiging okay na siya sakin. Tss. Mapuntahan nga yung babaeng yun!

-----------

UNIVERSITY

Pumasok ako ng maaga para mahanap yung babaeng yun. Tss! Badtrip talaga!

"Hi. Kilala mo si Kaycee Domingo? Nasaan siya?" tanong ko sa babaeng una kong nakita sa may building nila. Kaso... wala eh.

Naglalaway! -_-

"Aish..." iniwan ko na lang yung babaeng yun. Masyado namang nagwapuhan yun sakin. Tss.

Pabalik na sana ako ng building namin ng biglang may nakita akong babae sa may bench. Si Kaycee!

Pinuntahan ko kaagad siya.

"HOY MAID." tumingala naman siya nun at biglang nagbago yung ekspresyon niya sa mukha niya. Huh? Bakit parang... naiilang siya bigla? Umiwas ng tingin eh.

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon