Chapter 34. [Cries]

90.3K 1.8K 163
                                    

Dedicated to Madz. Hahaha! Hi Madz na adik kay Chris. Hahaha. Ang bait mo talaga. Sayang aalis na kami bukas pabalik ng MNL, pero nice meeting you and others sa mini-meetup natin. Hugs sis tangkad! <3

Good news guys! Got my storyline back! And it's more epic than ever! Goodluck to me! =) So anyways, tanong ko lang ulit. Blaycee or Chriscee? Place your bets!

-------------------------

KAYCEE'S POV

"Hello Steffi? Oo okay lang ako. Hahaha. Yes, ano ka ba! Babalik rin ako. O sige bye."

Pinatay ko na yung cellphone ko pagkausap ko kay Steffi. Si Steffi kasi eh. Sabi niya pagkatapos ng trip na 'to, bumalik na kaagad ako. May aattendan kasi kaming convention sa block namin.

Napasinghap ako. Nandito ako sa may bahay-kubo. Nagpapahangin. Kasi naman eh, hindi pa rin maalis sa isip ko yung nalaman ko. At yung sinabi sakin ni Chris.

Ang gulo na talaga. Bakit ba kasi naimbento pa 'tong pag-ibig na 'to kung hindi lang naman mapapasayo yung gusto mo?

Pumikit na lang ako at nilanghap ang sariwang hangin.

"Kaycee."

Dumilat ako kaagad ng narinig ko yung pamilyar na boses na yun. Pagkatingin ko sa katabi ko.

"Blake."

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at tumingin sa tabing-dagat. Ano ba 'to! Nakakaloka! Ang lapit niya sakin! Yung taong gusto ko ang lapit sakin!

"Di na tayo nakakapag-usap ah."

"Hahaha. Oo nga eh." sabay bigay ng tipid na ngiti sa kanya.

"Iniiwasan mo ba ko?"

"Huh? Hindi ah! Bakit naman kita iiwasan? Hahaha!" sabay tawa ko ng malakas. Peke nga lang.

"Akala ko iniiwasan mo ko eh. Kaycee, uhm. May aaminin pala ako sayo."

"Tungkol saan?"

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon