"Ah eh, ayaw ko na pala ng mga libro. Sa pamilihan na lamang tayo ng Alahas o palamuti sa buhok." Palusot ko at napakamot na lang siya sa ulo sa biglang pagbago ng isip ko.

Napadaan kami sa plaza bago narating ang pamilihan. Kaharap nito ang Simbahan at natanaw ko mula sa akin ang bell tower. Bigla na naman akong kinabahan sa taas nito. Ano ba nangyayari sa akin? Parang kahit sa simpleng bagay, natatakot at kinakabahan ako bigla.

Dapat tigilan ko na yung Overthinking.

Pagdating namin sa pamilihan, inutusan ko na lang yung mga guardia personal na sa kalesa na lang sila mag bantay dahil sa malapit lang naman kami titingin ni Flora. Hindi pa sana sila papayag kung hindi ko sila sinamaan ng tingin. Kailangan ko lang silang sindakin para hindi sila bumuntot sa amin.

"Doon tayo Flora!" tinuro ko ang isang pamilihan na nagbibinta ng mga palamuti sa buhok at iba pa. hinatak ko siya at tumingin tingin kami pero mukhang nagaalangan siyang hawakan ito. "Oh, Bakit?" tanong ko.

"wala naman po kase akong pambili para sa mga ito. Mas mabuti na pong huwag akong humawak ng kung ano-ano at baka makasira pa ako."

Biglang nahiya ako. I was lucky to have almost everything pero hindi ako kuntento. Hindi katulad ng mga taong halos walang-wala pero kapag binigyan sila kahit konting bagay lang, sobra-sobra na ang saya nila at kontento sila sa mga bagay na meron sila.

Ngumiti ako at hinawakan siya sa balikat. "Huwag kang magalala. Hindi ba kaibigan mo ako? Bilang kaibigan, gusto kitang bigyan ng regalo. Pumuli ka ng kung anong gusto mo, ako na bahala."

"P-pero Seniorita..."

"Sige na, kahit ano diyan." Nag wink ako sakanya.

Tumingin-tingin pa kami at may nakita akong pangipit na paro-paro. Naalala ko ng may nakita akong paru-paro sa veranda ng kwarto ko at para akong tanga sa pagiging OA ko.

"Tignan mo ito—" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil paglingon ko kay Flora, nakangiti siya habang hawak-hawak ang isang pang ipit din pero rosas ang mga disenyo. Lumapit ako sakanya. "Gusto mo 'yan?" tanong ko. bigla siyang nataranta at ibabalik na lang sana ang pangipit pero pinigilan ko siya. "Akin na, bibilhin ko para sa'yo"

"naku, Seniorita huwag na po—" wala na siyang nagawa dahil binigay ko na sa nagtitinda para bayaran.

"Magkano po?" tanong ko.

"dalawang sentimo lang ho ito, Binibini." Magugulat pa sana ako pero na alala ko, kapag may piso ka pala sa panahong ito, marami ka ng mabibili.

"D-dalawang Sentimo? Nako, huwag na po Seniorita" sinubukan ako ulit pigilan ni Flora pero nag abot na ako ng bayad.

"Salamat ho mga binibini."

"Ayos lang Flora, ano ka ba. Eto" sabi ko at nilagay sa buhok niya ang pangipit na binili ko. oh diba? Ang ganda mo na! nakangiting saad ko at parang maiiyak siya. Bigla niya akong niyakap.

"Maraming salamat ho talaga, Seniorita. Maraming salamat."

"wala 'yon, Flora. Gusto ko naman 'yan ibigay sa'yo. Tara, tumingin pa tayo sa iba." At hinatak ko na naman siya palabas pero ng nasa kabila na kami. May isang taong hindi ko inaasahang makakasalubong. May kasama pa siyang dalawang katulong, isa yung nagdadala ng payon, ang isa naman ay nagdadala ng mga pinamili niya.

Ang maarteng 'to. Hindi naman ganoon ka init pero nagpapayong pa talaga.

"Kamusta, Almira." Bati ni Victoria at tinaasan pa ako ng kilay. Aba!

"Maayos naman. Buti, mukhang maayos na ang kalagayan mo. Noong kaarawan ko kase, kung himatayin ka akala mo ikaw yung nabaril." Sarcastic na sagot ko with matching ngiting inosente. Medyo na offend tuloy siya.

DUYOG (MBS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon