FINAL CHAPTER

258 5 6
                                    

Henry's POV

"Hoooooooooon!"

Agad kong nabitawan ang basahan na hawak ko at mula sa kotse ay napako ang tingin ko sa loob ng bahay namin.

Agad akong tumakbo paakyat ng kwarto namin at humahangos na binuksan ang master's bedroom. Doon ay nakita ko si Xyra. Nakatayo siya at nakahawak sa isang pader para suportahan ang bigat ng katawan niya at ang isa ay nakahawak sa likod niya.

Agad na bumagsak ang paningin ko sa bilugan niyang tiyan saka nag diretso sa kanyang paanan. M-may tubig!

"H-hon?!", kanda utal ko na wika saka agad na lumapit sa kinaroroonan niya. Doon ko lang nakita ng maigi ang mukha niya, pulang pula ito at namimilipit sa sakit. Hinawakan ko siya sa baywang at agad niya naman akong niyapos.

"P-pumutok na ang, patubigan k-ko Henry.. M-manganganak na ata ako!", halos pabulong at walang boses niyang sabi sa paghahabol ng kanyang hininga.

Agad nang laki ang mga Mata ko at gumapang sa sistema ko ang pagkataranta!

"M-Manang!!!", dagli kong tawag sa kasambahay namin saka binuhat si Xyra na hanggang ngayon ay dumadaing pa rin ng sakit.

Narinig ko ang mga nagmamadaling yabag Ni Manang at sabay pa naming binuksan ang pinto ng kwarto namin. Nanlaki ang mga Mata niya ng makita ang kalagayan Ni Xyra.

" Manganganak na po si Xyra!", nagpapanic ko na wika saka siya nilampasan. Dahan dahan pero nagmamadali akong bumaba ng hagdan, baka mahulog pa kami sa pag ma madali ko.

"Manang yung Susi po!"

"Oo, ito hijo.", wika Ni manang saka binigay sa isa kong kamay ang Susi. Nalaglag ko pa ito kaya muli niyang iniabot.

"H-henry! Bilisssss!!! Palabas naaaa!", sigaw Ni Xyra kaya lalo akong nataranta!

Fvck! Agad kong binuksan ang pinto sa likod at doon ihiniga si Xyra. Saka ako umikot sa unahan.

" Manang, isara niyo na lang po yung gate tapos sumama kayo sa akin.. Iseeeeng!", tawag ko sa isa pa naming kasambahay na di hamak na mas bata Kay manang. Agad siyang lumabas at humarap sa akin.

"Ikaw na muna bahala sa bahay.", sabi ko at Hindi na hinintay pang magsalita siya. Sinarhan ko agad ang pinto ng kotse ko. Pumasok na rin si Manang katabi ko at pinaandar ko na ang kotse.

"H-hon! Ahhh! Ang sakit! H-humihilaaaab!", impit na sigaw Ni Xyra.

Nilingon siya Ni Manang at hinawakan sa kamay.

" Ganyan talaga hija, konting tiis na lang. Makakarating rin tayo sa hospital. "

Muling umungot si Xyra kaya tiningnan ko siya sa salamin. Pikit Mata siya at lukot ang mukha niya sa sakit.

Fvck! Traffic pa! Hinampas ko ng hinampas yung busina ko pero ang bagal ng usad!

"Sht!", bulong ko saka muling nilingon si Xyra.

" Inhale exhale hija."

"Ang sakit na po! H-henry, matagal pa ba?!"

"Hoy! Bilisan niyo ano ba?!"

"Hijo, may tumatawag sa'yo"

"Henry, ahhh! Oh my God ahh! Anak wag munaaaa!"

"Hello?! Sino ba ito?!"

Kagulo na kami sa sasakyan. Buti at umusad na ulit yung mga nasa unahan ko! Konti na lang! Malapit na kami sa hospital!

"Hey, dude!", si Albie. "Pupunta ka ba sa roads--", I cut him off.

My twin's boyfriendOnde as histórias ganham vida. Descobre agora