Chapter 31

201 9 1
                                    

Xyra

"No Di, Alam mong hindi ako umuuwi ng Pilipinas for the past year. Ifafax ko na lang ang design. Katulad ng dati nating ginagawa. Then I'll send you the design, i-scan ko. I'll send it at your email." kunot noo kong sabi kay Dina habang nagsasalin ng kape sa tasa mula sa coffee maker. "Or, I can make it here with my team. Ipapadala ko na lang diyan." dagdag ko pa.

"Sinabi ko nga rin po yun sa kanya. But she's so persistent Miss. Araw araw rin po siyang nagpupunta dito sa fashion house para kulitin kami. She's an avid fan of yours Miss. Gusto niya daw po kayong makita at makilala and she's willing to pay even a Million for your design." sabi ni Dina mula sa kabilang linya.

Napataas naman ang kilay ko. Ganon kayaman ang babae na yon? Aba matinde! She's throwing One Million for a wedding gown??!

"Then make it ten." wala sa loob kong sabi habang naglalagay ng three cubes of sugar sa kape ko.

Wala kayong pakielam kung mapatamis ang timpla ko. Hindi naman kayo ang iinom!

"Po?" tanong niya na puno ng pagtataka sa sinabi ko na 'Then make it Ten'.

I grinned.

"Tell her that the gown will cost TEN MILLION PESOS."

Para matigil na ang babae na yun. Sure naman ako na titigil siya pag nalaman niya na worth Ten Million ang dream wedding gown niya. Napakamahal non! Tingnan ko lang kung makapangulit pa siya. Bwahahahaha!

"M-miss???" tanong ni Dina na parang sinasabi na 'Pardon?'

Tumawa ako. "Try mo lang." sabi ko saka uminom ng kape.

"Pero, that's too much."

"Ganon talaga pag makulit. Hahaha! Joke lang naman yon. Basta, hindi ako uuwi ng Pilipinas. Pero Kung mapilit talaga siya.. Then she should prepare ten million, para mapauwi ako sa Pilipinas. Uuwi lang ako kung may ganon siyang kalaking pera."

She sighed. Sumusuko sa mga sinabi ko. Ilang beses ko na bang sinabi sa kanila na hindi ako uuwi ng Pilipinas? I'll never come back there again. Never. Sa buong isang taon, kahit kelan, hindi ako umapak ng Pilipinas.

Kahit na magkano ang ioffer sa akin, para lang mameet ako personally, hindi ko pinapatulan. Aba, kikitain ko naman ang pera na yon. Mabilis lang yon, pero ang makita ang mga multo ng nakaraan, mahirap yon. Maliit ang mundo at mas lalong liliit kung babalik ako ng Pilipinas.

Ayokong makasalubong sa daan ang isa man sa kanila.. lalong lalo na ang nacommatose na prinsipe. I'm doing good now. Actually, I'm doing great.

At kung magkikita kami.........baka bumalik lahat ng sakit. I have moved on. Pero, mahirap pa rin na makita ang taong nanloko sa akin.

Mahirap pa rin makita ang tao na minsan mong minahal pero mas pinili na pasakitan ka. Mahirap na, masyadong masikip ang mundo.

Tinatanggihan ko rin lahat ng interviews. At kung gusto talaga nila akong i-feature, kailangan nilang pumunta dito sa London. Alangan naman umuwi pa ako para lang sa interview di ba? Pa-special ba? Ganon talaga, sila ang may kailangan sa akin, hindi ako.

"Sige Miss Xy, I'll tell her." sumusukong sabi niya.

Good girl Haha!

"Okay, bye Di." I said and ended the call.

Naupo ako at kumain na ng breakfast ko. Maghuhugas na sana ako ng pinggan ko ng marinig ko ang pagring ng phone ko.

*You're the light, You're the night..

You're the color of my blood-*

Hindi ko na pinatagal at sinagot agad ang tawag sa phone ko. As you can see, yun pa rin ang ringtone ko. I love the song 'Love me like you do' na kanta sa movie and novel na Fifty Shades of Grey. Gusto ko yung story non e, I love how Christian changed for the sake of Love. Hahaha! Medyo SPG nga lang. But who cares?

My twin's boyfriendWhere stories live. Discover now