Chapter 24

180 8 2
                                    

Xyra

"What are you doing here?" tanong ng malanding babae sa harap ko. My heart started to beat faster. Pinagpawisan rin ako ng malagkit. Feeling ko, I will collapse anytime and my knees felt like jell-o. 

Tumingin ako kay Henry. Nakakunot na ang noo niya ngayon. Samantalang ako, namumutla na. 

O God, please, get me out of this situation. As in now na po! Paglahuin niyo po ako na parang bula.. please.. I silently prayed.

Nakita ko na pinulupot ng malanding babae ang mga braso niya sa braso ni Henry. Napataas naman ang kilay ko, mukha naman nagulat si Henry. Yung babae, ngising aso pa! 

What the hell?!!

Now, I could see myself banging her head against the wall several times!

Humanda kang babae ka, susunugin kita!

Yeah right Xyra, as if you could really do that! E hindi ka na nga nakagalaw sa kinatatayuan mo e! Baka nga matumba ka pa pag naglakad ka dahil nangangatog na ang tuhod mo sa kaba! Mabibisto na ang kasinungalingan mo!

Oh just shut up! Shut up! Shut up!!

Hindi ko alam kung anong gagawin. Well, I have three choices. First, kill that girl. Second, kill him. Third, kill myself. 

Okay, wow. Nice choices right? 

Hindi ko naman masugod ang babae na yun. Hello, alam niya kaya na patay na si Aryx! And here I am, pretending to be my long lost twin sister!

"Princess.." tawag ni Henry. Nakita kong humakbang siya ng isa papunta sa akin which made me step back automatically. I don't know why, pero... tiningnan ko yung babae na punong puno ng pagtataka ang mukha. Maya maya, ngumisi na ulit ito at ikiniling pa kay Henry ang ulo.

Si Henry naman pinilit tanggalin ang kamay nung babae na malantud. Nang matanggal niya yun umirap yung babae sa akin. She eyed me suspisciously.

"Shit." I silently murmured.

Nakita kong humakbang ulit siya kaya iniurong ko naman ang kanan kong paa. O, just great. Aatras na lang ba ako ng aatras? Tatakas lang ba ako?

Nanlambot ang mukha ni Henry. Tumingin siya dun sa babae tapos tumingin ulit siya sa akin, he looks worried. 

Sino bang hindi? E nakita mo lang naman na hinalikan siya ng babae na yun? Siyempre, ang alam niya, galit ka.

Kaso, hindi ako galit. Kinakabahan ako! Kinakabahan ako kasi alam kong pwedeng magsalita ang babae na yan at malalaman niya na ang totoo!

"Let me explain.. it's not what you think." sabi pa niya saka humakbang ulit.

"W-wait.." pigil ko sa kanya sabay taas ng kanan kong kamay para tigilan siya. Tumigil naman siya sa paglapit. "Ano.. okay lang. Ahm, aalis na lang ako. Have a nice day na lang!"

What the hell? Have a nice day?!!

"Wait—" sabi ng babaeng pinaglihi sa higad.

Oh nooo!

Agad akong tumalikod at tumakbo papunta sa gate. I opened it and ran outside! Hindi na rin ako nag-bother pang isara yun! I need to go! Malalaman niya na! Malalaman na ni Henry. Mawawala na siya..

Mawawala na siya..

Mawawala na siya..

This is... so heart breaking. 

I started crying.

"Aryx!" habol niya sa akin.

Patuloy lang akong tumakbo. He's calling Aryx. E hindi ako si Aryx! Shit talaga! Nakalimutan ko rin dala ko ang kotse ko. Nilampasan ko lang yun kanina kasi ang lapit niya lang and for sure, maabutan niya ako pag sumakay ako dun.

My twin's boyfriendWhere stories live. Discover now