Chapter 25

187 8 0
                                    

Two chapters in one day! Ako na talaga. Haha!

P.S. short update.

Places are just part of my imagination. Kung meron man pong lugar na mabanggit na may kapangalan, co-incidence lang po yun. Well, meron din naman palang nageexist in real life. But most of them are just part of this fiction. Baka mamaya, hanapin niyo sa Makati o tagaytay o kung saan man haha!

Napahaba na yung sinasabi ko, anyway, hindi ko alam kung kelan ulit ako makakapag-ud. depende sa mood. Siya sige po. Thank you for reading! Muah hugs guys!


Emi

Tumakbo ako papasok ng hospital at pumunta sa information desk. May dalawang nurse na nagkwekwentuhan- nagtsitsismisan.

"Nurse, saan po nandun si Xyra Rushlyn Fortez?" hinihingal kong tanong dun sa nurse na may nunal sa gilid ng labi.

Sandali niyang tiningnan ang computer at logbook sa harap niya saka tumingin sa akin.

"Ma'am, wala pong Xyra Rushlyn Fortez na nakaadmit dito.."

Kumunot ang noo ko. Pero sabi ni Yna, dito daw nila dinala si Xyra? Mali ba ako ng pinuntahan?

"..pero meron pong Aryx Rushlyn Fortez."

Napahawak ako sa noo ko. Hanggang dito ba naman, yun pa rin ang gamit niya?!

"Nasaan siya miss?"

"ER po diretso-"

"WHAT?!" sigaw ko kaya nanlaki yung mata ng nurse sa gulat.

ER?! Bakit nandun siya?! Hindi pa rin siya nakalalabas dun?!! Kanina pa tumawag si Yna a? Hanggang ngayon nasa ER pa rin siya?

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. No no no. Hindi...

Walang mangyayaring masama sa babaeng yun. Masamang damo yun e! Pero.. bakit ako kinakabahan??

It's as if she's.... No! Ano ba Emi? Wag kang nega! Nothing's going to happen to her.

"Sorry.." mahina kong sabi. Kinakabahan kasi talaga ako at hindi ko alam kung bakit.

"Saan ang ER miss?" tanong ko.

"Ahm... diretsohin niyo po ito miss, tapos po kaliwa then kanan. Dun po." pagbibigay direksyon niya.

"Sige, thank you." sabi ko saka ako naglakad ng mabilis papunta sa ER. Pagdating dun ay nakita ko si Yna na nakaupo katabi ni Albie. Umiiyak si Yna at nakatabing sa mukha niya ang mga kamay niya habang inaalo naman siya ni Albie.

Si Henry naman ay pabalik balik sa harapan ng ER. Naupo ako sa tabi ni Albie. Huminga ako ng malalim saka nagtanong.

"What h-happened?" tanong ko at pumiyok. Kinakabahan talaga ako at hindi ko alam kung bakit. Ayoko man isipin pero.. masama talaga ang pakiramdam ko sa nangyari.

Lumingon sa akin si Albie. "Nabangga siya." tipid niya na sagot.

Nasapo ko ang ulo ko at umiling iling. I know that already but hearing it from him, and being here outside the ER. Mas lalong nagsisink in sa akin ang lahat. Akala ko, pinagttripan pa ako kanina ni Yna ng tumawag siya, kasalukuyan akong nasa photoshoot nun. Pero ng nalaman ko na hindi, umalis agad ako dun.

I don't care what they'll say. Mas importante sa akin ang kaibigan ko. Ang bestfriend ko.

Nang tumigil sa pagiyak si Yna ay umalis siya para asikasuhin ang ibang kailangan ni Xyra. Tinanong ko si Albie at kinwento niya naman sa akin ang mga nangyari. Kung paano tumakbo si Xyra dahil dun sa bwisit na babae na stalker daw ni Henry hanggang sa mabundol na nga siya ng sasakyan.

My twin's boyfriendWhere stories live. Discover now