Prologue

1K 17 1
                                    

"Here comes the bride!", sigaw ng babae na nagaassist ng kasal.

Agad naman na pumila ang mga kasali sa entourage.

Mga ngiti ang nakaguhit sa bawat mukha ng taong naroroon.. Pwera sa isang tao.

Sa parte ng simbahan kung saan walang ibang tao, naroroon ang isang babae na tahimik na umiiyak.

She was grieving for her broken heart.

Ang lalaking mahal niya ay ikakasal na sa babaeng mahal nito. At hindi siya ang babaeng iyon.

They were happy ...while she was devastated.

Well, she chose that. Dapat nga siguro, noong una pa lang ay hindi na siya pumayag sa plano. Hindi na siya sumangayon sa mga gusto nila.

Para hindi na siya nahulog pa sa lalaki. Ngayon, nasasaktan lang siya ng paulit ulit.

May mas sasakit pa ba sa katotohanan na iba ang pakakasalan ng taong mahal mo?

Na iba ang dahilan ng mga ngiti niya?

Nagsimula nang magmartsa ang mga kasali sa entourage. Lahat sila, bakas ang saya sa mukha.

Patuloy na pumatak ang mga luha sa mga Mata niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari iyon. Na hindi siya ang papakasalan ng lalaking mahal niya.

It was so painful.. Yet, she can't do anything about it.

Bumukas ang pinto ng simbahan at iniluwa noon ang babaeng may suot ng mahaba at puting trahe de boda.

She was smiling while crying. Makikita sa mga mata nito kung gaano siya kasaya kahit na nababalutan ito ng luha.

Lalong sumikip ang dibdib niya ng magsimula ng magmartsa ang babae patungo sa altar.

Dapat siya iyon. Dapat siya ang naroroon. Dapat sila ang ikakasal!

Pero hindi.

Hindi siya ang pinili ni Henry.

Tumalikod siya at umiiyak na tumakbo palabas ng simbahan.

Hindi niya kaya... Hindi niya kayang makitang ikasal si Henry sa ibang babae.

Masakit. Sobrang sakit. At wala siyang magawa kung hindi ang tanggapin iyon.

Tanggapin na Hanggang doon na lang ang lahat.

Hindi rin naman siya hipokrita para sabihin na matatanggap niya ang lahat ng ganun kabilis.

But, time will come when she'll learn to accept that her love could no longer be returned.

Or, she'll just continue loving him...

From afar.

Tumingin siya sa langit at tinanong ang sarili niya..

Paano ba nangyari ang lahat ng ito?

Pinikit niya ang mga namumula niyang mata at muling inalala ang mga nangyari ng nakalipas na mga taon.

A/N: Please do continue to the first chapter. Thanks! Vote and comment guys! Sa mga magvvote at magcocomment ko po idededicate ang chapters. Ty!

XOXOXO

LittleChin

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon