Chapter 39

158 8 0
                                    


Hindi ko maidedicate itong chapter n to sa'yo.. kaya imemention na lang kita hahaha! Thanks sa votes Miss MylaP! Please do continue on liking this story! thanks ulit! :*)


Xyra's POV

"GOOD MORNING MADLANG PIPZ! WAKY WAKY! UMAGA NA!"

Nagising kami sa malakas at nakakairitang boses ni Emi.

Uminat ako at saka sinapo ang nangawit ko na pwet. Wala e, sakit eh! Ikaw kaya ang matulog ng nakaupo sa matigas na sahig!

Tumingin ako kay Emi saka siya inirapan. Tawa kasi ng tawa ang bruha habang naguunat ako. Tuwang tuwa pa yata at nangawit ako. Juice-colored, layo niyo po sa akin ang babaeng ito. Makakalbo ko siya!

"How's your sleep?", tanong pa niya ng nakangisi.

Nakakaasar!

"Not that good, but It's fine.. buong gabi ko naman na katabi si Henry.", sabi ng palaka—este ni Ivory. Saka ngumiti at sandali akong tinapunan ng tingin na parang nagpaparinig lang.

Ha! That's what you think. I thought silently.

Nagtama ang mga mata naming ni Henry. Agad naman siyang nagiwas ng tingin.

I sighed.

"Hindi ako nakatulog ng maayos..", sabi ko.

"Why? Kasi matigas ang sahig?", natatawang tanong pa ni Albie.

Well, obviously! Saan ka nakakita ng sahig na malambot!

"Hindi...", sabi ko habang papalabas ng kwarto at sadyang tiningnan si Henry na noon ay nakatingin na ulit sa akin. Nagiwas ulit ng tingin ang ulupong.

"What do you mean?", tanong ni Ivory saka kunot na tumingin kay Henry. Nakakatawa kung paano paulit ulit na magiwas ng tingin si Henry.

He's one guilty man.

"Wala naman.", I smiled mischievously saka muling tiningnan si Henry.

"Ang lakas mo kasi humilik.", dugsong ko.

Nanlaki naman ang mata ni Ivory.

"I don't snore!"

Tumawa si Yna at Albie. Mukhang alam rin nila na naghihilik si Ivory pag tulog. At hindi lang basta hilik ha! Malakas! Grabe!

Snoring frog. Hahaha!

"Yes you do.", I said laughingly.

Nakalabas na kami ng gusali. Pero si Ivory, todo tanggi pa rin hahaha.

"Hindi ka ba talaga nakatulog ng maayos?", tanong ni Felix habang naglalakad kami papunta ng hotel.

"Medyo."

"Gusto mo muna matulog?"

"Okay lang, sanay naman ako magpuyat.", I winked at him and he laughed.

Alam niya naman na madalas e puyat ako pag gumagawa ng designs.

Patakbong lumapit sa amin ang batang si Lavender. Galing siya sa loob ng hotel.

"Mommy Xy!"

Yan na naman siya sa kaka-Mommy niya!

"Gutom na ko...", she even pouted. Tss, cute.

"Wala bang pagkain sa resto?", tanong ni Felix.

"Meron naman po.", nakanguso pa rin na sagot ni Lavender saka nagmamakaawang tumingin sa akin. Alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin nay an.

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon