Special Chapter #2

59 25 0
                                    

SPECIAL CHAPTER TWO - "Taking Care of Him ~ Eunice & Kiro School Tour (Pt.2)."

Continuation.

Eunice's Point of View

"Anong sabi mo?" tanong ko.


"H-Huwag ka munang umalis, huwag mo muna kong iwanan" medyo namamaos na sabi niya tumango nalang ako bilang sagot.

"A-Akyatan lang kita ng soup, okay?" hindi ko na hinintay yung sagot niya.

Dumiretso na kaagad ako patungong kusina at pinaghandaan siya ng soup nilagyan ko siya sa may mangkok na maliit.

Pagkaakyat ko inalalayan ko siyang umupo at nilagyan ko sa likuran niya ng unan *sighs* grabe lang hinihip ko muna bago ko siya subuan ng soup medyo mainit-init pa.

Pagkatapos ko siyang pakainin maya-maya lang pinainom ko na siya ng gamot ganito pala kapag nagaalaga ka ng may sakit tsk!

"Where's your parents?" out of nowhere kong tanong.

"Si Mommy nasa business pa si daddy naman namatay na dahil sa car accident namatay nung three years old pa ako." - siya.

"Sorry to hear that"

"Nah! It's okay"  sabi niya.

             -- S I L E N C E --

"Higa kana" sabi ko. Inalalayan ko siyang makahiga tyaka ko siya nilagyan ng face towel sa noo niya dampi-dampi lang ang ginawa ko.

Maya-maya nagulat ako ng hinawakan niya yung mga kamay ko ang init kasi ng palad niya.

"Thank you for caring me" sabi niya ngumiti lang ako bilang sagot.

"Just take care of yourself kasi para hindi ka nagkakasakit." - ako.

"Yes! boss" sabi niya sabay tawa kahit may sakit siya nagagawa parin niyang tumawa.

"Bukas 8am ang aga naman." - ako.

"Bakit may lakad ka?" tanong ni kiro.

Actually wala naman talaga kong lakad eh! excuse ko lang yun kay tita gusto ko kasi sa bahay tumambay wala namang gagawin eh, nagkasakit pa tong isang to!

"Oo. Dapat kaso sinabi ni tita na may lagnat ka kaya pinilit pa niya kong papuntahin dito." - sabi ko.

"Inabala pa pala kita" medyo nahihiya pang sabi niya.

"Hindi naman, sige na matulog kana para makapunta kapa sa school bukas." - ako.

"Goodnight, Eunice." - siya.

"Goodnight." sabi ko naman.

                         •  | • | • | • | • | • | •


Kinabukasan.

Eunice's  Point of View

Pumasok na kong cr para maligo at ginawa ang morning routine ko. Nagsuot ako ng croptop shirt na light blue and ripped jeans na color black pumunta na kong dining room para kumain ng breakfast.

* / Fast Forward / *

AT PRINCIPAL'S OFFICE...

"Goodmorming, Eunice" nakangiting bati sakin ni kiro tinignan ko lang siya at umupo sa couch dito.

"Eunice!" tawag niya sakin.

"Ano?" sabi ko habang nagce-cellphone.

"Salamat sa pagalaga sakin kagabi."

"W-Wala yun." sagot ko.

Dumating na si tita kasama yung teacher namin sa sayaw si Teacher Anna.

Pumunta kaming studio room tapos binigyan ng tigisang papel para sa schedule namin pagkatapos tinour ko si kiro dito sa buong campus syempre transferee medyo hindi pa niya kabisado yung buong building rito.

Andito kami ngayon sa cafeteria kumakain ng sandwich at juice na inorder sakin ni kiro treat niya daw.

"Eunice." pagkalingon ko bigla niyang pinunasan yung gilid ng labi ko na may natirang palaman ng sandwich tsk!

Uminom na lang ako ng juice para maiwasan ang pagkailang ko tapos dumiretso kami sa music hall lakad dito lakad roon ang ginawa naming dalawa nakakapagod ang sakit na nga ng paa ko kaka-lakad.

   _ _ _

Author's Note: I hope you like this. Hindi ko kasi napost yung unang pagkikita nila ni Kiro kaya napagisipan kong gawin siyang special chapter. Sana nagustuhan niyo!

                        - bangtanedsone

과즙 (Crush)Where stories live. Discover now