Chapter 30

106 23 2
                                    

Chapter 30: Dating Rumors



Eunice's Point of View

6:50 am | Monday

Nagmadali akong nagising dahil unting oras nalang malalate na ko patay ako nito first subject late aigoo!

Pagkababa ko nagsapatos muna ko at uminom lang ng gatas then ready to go na sana ako nang may kotseng nasa harap ng bahay namin.

Hindi naman ito yung kotse ko parang hindi pamilyar itong sasakyan sakin.

Didiretso na sana ko ng may pumigil sakin tsk! Pagkalingon ko nakita ko yung malapad niyang ngiti eto na naman ba kami napuyat ako ng dahil sakanya text siya ng text sakin araw-araw. Hay kiro ano na naman ba ito huh?!

Nilahad niya yung kamay niya para pasakayin ako sa sasakyan niya.

"Hindi na kailangan may kotse naman na ko"

"Eunice nakapag paalam nako kay Tito Cielo sabi niya sabay na raw tayong pumasok"

Kuya Joel asan kana ba kasi??!

"Sinabi ng kaya ko ng mag-isang pumasok"

"Sige baka gusto mong sabihin ko kay Tit---"

Pinigilan ko na yung susunod na sasabihin niya at hinila ko siya papasok ng kotse niya ako sa passenger seat umupo at siya naman sa driver seat umupo.

Hindi pwedeng malaman ni Daddy baka magalit siya sakin patay ako nito!

Bago kami makarating sa school umistop kami malapit sa isang fast food chain para kumain ng breakfast hindi pa pala siya nagalmusal. Mabuti nalang at libre niya hahaha.

Concepcion State University

Main Gate....

O_O

Wth! Sheet bakit ang daming tao ang daming mga media. Ano kayang meron? Nagsuot ako ng black cap at black rin na mask tas jacket rin na kulay black, Malamig-lamig rin naman yung panahon kaya okay lang na magsuot ng jacket.

Pinagbuksan ako ni Kiro ng pintuan at ako naman ay medyo kinakabahan kasi ang daming mga taong nakatingin sakin at panay ang kuha ng litrato baka ma-issue ako nito.

Halos mataranta yung mga guard sa kakasita sa mga media at cameraman para paalisin sila, At ako naman ay mabilis na tumakbo papuntang classroom. Pagkapasok ko ng room lahat sila nakatingin sakin at sabay tingin rin sa mga cellphone nila!

Hindi ko na sila pinansin at diretsong umupo kaagad ako sa upuan ko.

"Bes!!! Tignan mo ito dali"

Inabot niya sakin yung cellphone niya at tinignan yung nakasulat doon.

"Eunice Concepcion and Kiro Lux Hernandez are DATING!"

"Omygash!!"

"Totoo kaya yan?"

"Baka rumors lang yan guys"

Nagtaka silang tumingin sakin at ako naman ay binalewala ko lang yun. Sino ba kasing nagkalat ng balitang yan!!! Another issue pa tsk!

Dumating na si Miss at nagsimulang magturo.

Discuss.

Discuss.

Recess.

Cafeteria....

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni Kristine sa loob ng cafeteria kaagad akong pinag-kaguluhan ng mga estudyante at sinimulang tanungin ng mga kung anu-ano syempre kasali na dun yung 'dating thingy' na iyon.

Kelan ba ako matatahimik, kailan ba nila ko lulubayan mabuti pa nung hindi ako artista tahimik ang buhay ko noon pero ngayon nagkanda gulo gulo na!

Nakakainis yang Kiro na iyan kung di lang niya sinabing liligawan niya ko mabuti nalang at hindi pa ako pumapayag sana andidito si Dwight diba siya yung crush ko dapat sakanya ko kikiligin pero hindi eh ewan ko ba!

Umupo na kami ni Kristine sa bakanteng upuan na nahanap niya at duon kaming tahimik na kumain na dalawa tinigilan na nila ko kasi dumating yung mga guard para paalisin sila.

Nang matapos kaming kumain pumunta muna kong restroom para magretouch ng biglang magvibrate ang phone ko.

Unknown Number Calling....

"Hello, sino to"

[ Eunice anak mabuti nalang at sinagot mo yung tawag ko ]

"Saan niyo naman nakuha yung number ko!"

[ Kay Ate Eureka mo, anak ]

"Pwede bang huwag niyo na kong tawagan!" Sabay end ko ng tawag.

Lumabas na ko ng restroom bago yun tinext ko muna si Kristine na dumiretso na patungong classroom.

Classroom.....

"So totoo pala yung tsismis na ikaw at si kiro ay nagde-date tama ba ako?" - sabi ni Chloe na magkasalubong agad ang dalawa niyang kilay.

"Bakit hindi ka makapagsalita Eunice?"

"Baka natauhan na siya na hindi nga sila bagay ni Dwight" sabat pa ng isa sa mga alipores niya.

"Paano kung sabihin kong hindi totoo yung tsismis na yun anong gagawin mo?" Hindi siya sumagot kaya pinagpatuloy ko na lang yung sasabihin ko.

"Wala diba alam mo Chloe kung ako sayo mananahimik nalang ako kasi wala ka namang alam sa mga nangyayari mas mabuting pakealaman mo yang sarili mo kesa sa buhay ko. Tyaka isa pa tama ka hindi nga kami bagay ni Dwight for sure hindi ka rin naman niya magugustuhan dahil diyan sa ugali mo." Akmang sasampalin niya ko pero pinigilan ko yun. Subukan niya kong sampalin o isang dampi lang niya sakin baka nakakalimutan niya kung sino yung makakalaban niya.

Umalis na siya kasama ng mga impakta niyang kasama hay! Sinasayang lang nila yung oras ko.

Discuss.

Discuss.

Lunch Break.

Napagdesisyunan kong magstay muna dito sa classroom at huwag ng lumabas ng room. May lumapit sakin na highschool student nakangiti pa siya habang papunta sakin may dala siyang lunch box?!

"Ate, may nagpapabigay po nito sabi niya daw po huwag raw po kayong magpapagutom baka magkasakit kayo".

Inabot niya sakin yung pink na lunch box at kinuha ko naman sakanya iyon. May sasabihin pa sana ko ng biglang nawala sa paningin ko yung bata tsk!

Eksakto rin kasi biglang tumunog yung tiyan ko, sino naman kaya ang nagpadala nito? Wala naman akong inaasahan na magdadala ng ganito sakin. Bubuksan ko sana yung lunch box ng may nakita akong sticky note na nakadikit sa takip ng lunch box.

"Sana magustuhan mo ginawa ko talaga yan para sayo. Oo sayo kasi special ka sakin." - krlx.

KRLX??! Binuksan ko na yung lunch box para tignan kung ano yung laman nito sushi my favorite kaagad ko itong kinain dahil gutom na rin ako. Salamat sa nagbigay nun dahil nabusog ako ng sobra, teka lang paano ko isasauli yung lunch box sana makita ko yung batang babae na yun na highschool student.

After 10 minutes.....

Dumating narin yung mga kaklase ko at sumunod na dumating si maam yung last subject namin.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Dismissal.

Parking Lot.

Handa na lahat ng gamit ko para sa taping namin sana huwag na nila kong batuhin ng mga tanong malalagay na naman ako nito sa hotseat.

Hiindi na daw makakasama si Kristine sa taping ko mabuti nga iyon para tahimik naman ako ngayon. Inistart ko na yung makina ng kotse ko at pinaharurot ito papunta sa kumpanya ni manager kim.

과즙 (Crush)Where stories live. Discover now