Chapter 44

58 21 0
                                    

CHAPTER Fourty Four - "Her Answer (유니스)."






EUNICE's Point of View



7:00 am. | Dela Cruz Mansion's


zzZzz...

zzZzz..




"Eunice, anak gising kana ba?" naalimpungatan ako sa narinig kong boses na iyon. Si Mommy ano kayang problema niya binuksan ko ang pintuan ng kwarto.



"Nak, aalis kami ni Ate Eureka mo saglit may kailangan lang kaming asikasuhin." nakangting sabi ni Mommy.

"Sige po." sagot ko naman.

Naligo na ako at nagalagay ng mga body creame sa aking katawan pagkatapos nun nagsuot ako ng plain tshirt at black jeans.

Tinext kasi ako ni Manager Kim na may mahalaga kaming pag-uuspan ewan ko ba kung tungkol saan iyon.
Bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Pagkatapos kong kumain ginawa ko na yung mga dapat kong gawin at tsaka umalis na nitong bahay, sumakay nalang akong taxi para makarating ako sa kumpanya ni Manager Kim.

Bago yun nagsuot ako ng black mask at black cap for my safety mahirap na ng may makakita sakin na media, nang makapasok ako sa loob nitong kumpanya sumakay na kaagad ako sa elevator then pinindot ko kung anong floor yung opisina ni Manager Kim.

Nang makarating nako sa floor na iyon, tinanggal ko na yung face mask ko. Tsaka pumasok nitong pintuan naabutan kong may kausap si Manager Kim bago niya mapansin ang presensya ko.

Umupo na ako sa sofa niya at pumwesto rin siya para masimulan na yung paguusapan namin.

May bagong proyekto akong gagawin bali ako raw yung bida then next naman yung mahahalagang event na kailangan kong puntahan like guesting, mall showing at yung fan meetings.

Lahat iyon ay naka schedule na magpe-prepare na lang ako sa lahat ng gagawin ko mahirap pala maging artista no! Masyado kang busy sa lahat ng bagay.

Sumakay na ko ng taxi para makauwi na ng mansion mga after 45 minutes nakarating narin ako sa mansion.

Mukhang wala pa sila Ate, anong oras kaya makakarating yun? At saan naman kaya sila pumunta ni Mommy.

Umupo muna ko sa couch at nagsimulang maglaro sa phone ko maya-maya lang tinawag nako ni Yaya para kumain na ng lunch.

Pati rin ngayon tanghalian, magisa kong kumain tsk!.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Eureka's Point of View

Andidito kami ngayon ni Mommy sa city hall dahil may nilalakad kaming mga papeles na kailangan.

Tinext ako ni Kiro na before nine o'clock dapat anduduon na kami sa meeting place na sinabi niya samin.

May surprise ata siya kay Eunice, ang tanong masu-surprise kaya si Eunice nun?!

Ni-replyan ko naman siya kaagad at sinabi ko rin na baka matagalan kami ni Mommy. Siguro lahat ng mahahalagang tao sa buhay ni Eunice inimbita niya.

Sana makaabot kami ni Mommy.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

EUNICE'S Point of View

Nagbabasa ko ng script dito sa kwarto ng biglang may nagpop-up na message galing kay Kristine.

From: Kristine
Bes!!! tulong, may gustong kumidnap sakin andidito ko ngayon sa ****** bilisan mo sana makarating ka.

Sh*t ano ba naman itong si Kristine nagbihis na ko at sumakay na nitong kotse nagpahatid nalang ako sa drviver nila Mommy.

Sinabi ko kay Kuyang Driver yung address na binigay sakin ni Kristine, andidito na ko sa address na tinext sakin ni Kristine sumigaw na ko lahat-lahat wala parin siya, hindi rin siya sumasagot.

Biglang may nagpiring sa mga mata ko, may binulong ito at sinabing manahimik na lang raw ako at sumunod sakanila.

Pinaupo ako sa isang upuan duon at tinanggal na itong panyo na ito sakin. May projector duon na nakasabit at sinimulang iplay.

Nagulat ako dahil puro mga litrato ko ang pinapakita sa projector, sino naman kayang may pakana nito?

Nang matapos yung slide video sa projector biglang bumukas yung mga ilaw na nakasara kanina, then may lumapit sakin na mga lalaki at binigyan ako ng tig-iisang rosas.

Nang nasa huli na biglang tumugtog yung When You Say Nothing at All ni Ronan Kneating.

Pagkatapos niyang kantahin iyon naglakad siya papalapit sakin at binigay niya yung rosas, andidito sila Mommy, Daddy, Ate Eureka at sila Tita Ciana kasama si Daddy Cielo at Kristine na nakangiti sakin.

Hindi ko namalayan na andito na si Kiro sa harapan nakangiti sakin bigla niyang hinawakan yung mga kamay ko.

"Eunice, i just want to thank you kasi dumating ka sa buhay ko. Kahit na andaming problemang dumating sayo nagawa mo pa ring lumaban.

Eunice i like you, alam mo naman siguro kung bakit ko ginagawa sayo ito diba? Gusto kita ay mali mahal kita. Eunice will you be my girlfriend?"

Nagulat ako sa tanong niyang yun pero kaagad ko ding pinalitan ng matamis na ngiti.

"Kiro, salamat a! Sa lahat lahat dahil andyadyaan ka sa tabi ko tuwing may problema ko. Oo, Kiro pumapayag akong maging girlfriend mo." Niyakap niya ko sobrang saya niya dahil sa sagot ko, ganun rin ako. Akala ko susuko na siya.

Pagkatapos namin magyakapan, pumunta ko kay Daddy Cielo para yakapin siya hindi ko mapigilang mapaluha ng yumakap sakanya namiss ko si Daddy Cielo sobra.

"Ayieeee! Sa wakas nagka-boyfriend kana rin. Libre mo ko eunice a! Hahahaha." nakangiting sabi ni Kristine.

"Ikaw a! May nalalaman ka pang kidnap-kidnap diyan paano kung nangyari talaga sayo iyon." inis kong sabi kay Kristine.

"Ayieee!!!! concern siya. Sinunod ko lang naman yung sinabi ng 'boyfriend' mo e!" - Kristine.

"Mommy! Ate, andaya niyo naman e! Iniwan niyo ko sa mansion." - ako.

"Ito kasing ate mo ang sabi e! May importanteng lalakarin. Tsk! sinasabi ko na nga ba piplano nila ito. Nga pala anak, I'm happy for you". - Mommy.

"Thank you mommy." - ako.

Nagpeace-sign naman sakin si Ate Eureka then nagyaya ng kumain si Kiro dahil nga sinagot ko raw siya.

Pagkatapos naming kumain nagpasiya kaming mag family picture at kung anu-ano pa.

Masaya ko para samin ni kiro, sana ganun rin ang iba, kinakabahan ako bukas dahil hindi pa alam ni Manager Kim ang nangyari dito.

Kakausapin ko nalang siya at i-explain ko nalang ito sakanya, nagyaya na sila Mommy na umuwi pero bago yun kiniss muna ko sa forehead ni Kiro bago kami sumakay ng sasakyan.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Author's Note :

Please keep supporting on crush until ending. Don't forget to VOTE and to like our facebook page - Crush Updates for more infos and updates about my story. One chapter left.
bangtanedsone

과즙 (Crush)Where stories live. Discover now