Chapter 1: Friendzone mo mukha mo!

194 6 0
                                        

"Siguro naman sa halos 4 years na panliligaw ko sayo ay sasagutin mo na ako?"

Wika ko kay Grace habang magkaharap kami sa isang table sa canteen at kumakain ng pagkadami daming pagkain na inoorder niya araw araw. At siyempre sagot ko ang bayad.


Siya si Grace Vanderwaal, ang babaeng nagpapatibok ng aking nalulumbay na puso. Wow naman lakas makaFilipino ng sinabi ko ahh.

By the way, si Grace ay half filipino at half German. mistisa, maganda, sexy, matalino, at higit sa lahat mabait.


Kaya ndi nakapagtataka na nainlove ako sa babaeng iyan.


Ako nga pala sa Adrian Balot, "AB" for short. 14 years old...Oo 14 years old at kung susumahin, sa 4 years na panliligaw ko kay grace ay simula 10 years old palang ako until now ay nanliligaw parin ako... Kailan  kaya ako sasagutin ng babaeng pinapangarap ko???


Ako ay Maputi, matangkad,at medyo payat at ndi naman sa pagmamayabang eh isa ako sa pinakagwapo sa Barden University.

Pero di tulad ng mga tipikal na mga gwapings, ndi ako sikat sa school namin dahil nagnenerd disguise ako para wlang magkagusto sa aking ibang tao maliban kay Grace.

Sa kanya ko lang pinapakita ang totoo kong mukha dahil para sa kanya naman talaga ako eh...nakatadhana kami para sa isat isa...

Kahit nga sa mga kaklase ko eh, ndi alam ang tunay kong mukha...


Maliban kay Nico kawaii, besfriend ko from kinder ti'l now na grade 8 na kami. Syempre ndi din nya pinagkakalat kase laging ang tingin ng iba pag magkasama kami ay siya ang mas gwapo...at syempre gustong gusto naman nya..


Anyway back to topic...


"Kailan mo ba ako sasagutin?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya...at siya naman ay nakatingin sa mga pagkain na nakalagay sa lamesa


Nakikita ko sa mga mata nya na may gusto syang sabihin pero ndi nya ito mailabas...


"Ahhmmm ano kasi eh" nauutal na sagot ni Grace habang patuloy paring nakatingin sa lamesa...


"Ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong dahil hindi naman ganito ang ugali nya kapag magkasama kami...

Eh pano halos ndi ko na siya makausap dahil apura ang pagsubo niya ng kung ano anong mga putahe na inililibre ko sa kanya

"AB... sa tingin ko...ndi talaga tayo para sa isa't isa and besides...sa loob ng 4 years na panliligaw mo sa akin ay siguro naman nakahanap ka na rin ng iba na mas karapat dapat sayo" mahina niyang sabi sabay inilipat ang tingin sa kaniyang gilid

"Ano? Alam mong ikaw lang ang babaeng ineentertain ko ng ganito...at sa loob ng apat na taon ay nagtiyaga akong ligawan ka" sagot ko sa kanya habang patuloy paring nakatitig sa kanya...

My Pervert Stalker Stories to obsess over. Discover now