He sighed, the anger in his face is slowly fading. "Bakit naman kasi namagitan ka pa?"

"Ang ingay kasi nila eh. Hindi ako makatulog."

"You should have been more careful." Nagulat siya ng masuyong haplosin nito ang namamaga niyang pulsohan. "Tingnan mo, namamaga na siya."

"Okay lang ako." Inagaw niya ang kamay niyang hawak nito saka itinago iyon sa likod niya. "Saka hindi naman na mauulit yon. Pinalaya naman ako kaagad ni Chief Sanford kasi wala siyang mahanap na ebidensiya laban sakin."

Nalukot ang mukha niya. "Chief ... Sanford?"

Ivy nodded. "Yeah." Then she chuckled when she remembered what Chief Sanford said to her in the holding cell, "he told me that pretty woman like me shouldn't be in jail so he let me go. Of course, that happened after he failed to gather evidence against me."

"He called you pretty?" Umaasa siyang magtatanong ito sa ebidensiyang hinahanap ni Chief Sanford pero mas napansin nito ang sinabi sa kaniya ni Chief na maganda siya. "He really called you pretty?" And he looks annoyed.

Kumunot ang nuo niya kay Andrius. "Bakit? Hindi na ba ako maganda?" Tanong niya na ikinatitig ng binata sa kaniya. "I mean, isang linggo na akong hindi kumakain ng tama at isang linggo na rin akong kulang sa tulog pero mukhang maganda pa rin naman ako ... I think."

Natigilan siya ng umangat ang kamay nito saka humaplos ang daliri nito sa ibaba ng mata niya. "Is that why you look pale and I can see dark circles around your eyes?"

Tumango siya, nagtataka kung bakit ganito ang pakikitungo sa kaniya. "I'm okay. I deserve it anyway."

Napailing ito saka hinawakan siya sa kamay at hinila nalang siya bigla.

"Andrius—"

"Shut up, Ivy." Walang emosyon ang boses na hinila niya siya nito patungo sa nakaparada nitong sasakyan.

Nang makalapit sila sa kotse nito, kaagad na pinasakay siya ni Andrius sa passenger seat saka umikot ito sa driver's seat at sumakay pagkatapos ay kaagad na pina-usad nito ang sasakyan palayo sa presinto.

Ilang minutong katahimikan ang lumipas bago nabasag iyon.

"Sana hindi ka na nagpunta ng presinto." Bakas ang iritasyon sa boses ni Andrius. "Tingnan mo, nasaktan ka pa tuloy. Sa tingin mo lumayo ako sayo ng isang linggo para lang pumunta ka sa presinto, magpakulong at masaktan? Why do you think I left you?"

"Kasi galit ka at naguguluhan kung anong gagawin mo sakin pagkatapos ng mga nalaman at nakita mo." She look outside the window. "I just want to fix my mess, Andrius. And maybe that way, baka mabawasan man lang ang galit mo at hindi ka na maguluhan sa dapat mong gawin sakin. Ako na ang gagawa para sayo para maging okay na ang lahat."

"What do you expect, Ivy?" Bumuga ito ng marahas na hininga. "Sa tingin mo magiging maayos kaagad ang lahat dahil lang nagpakulong ka? Dahil lang sa inako mo ang kasalanan mo? Sa tingin mo magiging maayos tayo dahil do'n, pagkatapos kong malaman na pinapaikot mo lang pala ako all this time? Sa tingin mo madaling tanggapin na yong babaeng sobra-sobra kong pinagkakatiwalaan ay niloloko lang pala ako?"

"I'm sorry." Aniya sa mababang boses. "Ayoko lang na magbago ang tingin mo sakin kapag nalaman mo ang totoo. You will never see me as the innocent woman you want to marry—"

"And that's a bad thing?" Hindi ito makapaniwalang tumawa. "All this time, Ivy, pinaniwala mo ako sa babaeng hindi naman nag-i-exist!" He snapped at her, his eyes sporting anger and disbelief. "All this time, pinaniwala mo ako na mabait ka, na mabuti kang tao, na hindi ka makabasag pinggan pero 'yon pala mamatay—" hindi nito tinuloy ang sasabihin saka humugot ito ng malalim na hininga. "—What I mean is, you lied to me. At hindi iyon madaling kalimutan."

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon