"Kaya, sino ang masuwerteng binatang nagpatibok ng puso ng alaga ko?" panunukso ni Yaya Dores.

"Yaya Dores!"

She chuckled. "Handa akong makinig bilang ina mo, Hija. Alam kong gusto rin ni Oseanna na masaksihan kung paano pinapakilig ng binatang iyon ang alaga ko! Paano namumula ang pisngi mo habang ikinukuwento ang masasayang araw kasama siya?"

A small smile crept on my lips as I imagined what Mommy's reaction would be after telling her about my puppy love story.

"Kilala mo siya, Yaya Dores," panimula ko. "Hindi ko talaga gusto ang ugali niya noong una kaming magkita. He's the most arrogant bastard I've ever known in my whole life."

Sumilay ang ngiti sa labi ko habang naaalala ang simula ng lahat. Marahan akong pumikit, at muling dumilat na may mapupungay na mata bago balingan ang sabik na nakikinig sa akin.

"Nang araw ding iyon, kinamuhian ko siya dahil wala siyang respeto, mayabang, at babaero-"

"Siya ba ang dahilan kung bakit nasa damuhan na ang sapatos mo nang sunduin kita sa eskuwela?" tanong ni Yaya Dores, nanunukso ang paos niyang boses.

Tumango ako saka ipinagpatuloy ang pagkukuwento.

"Pero sa sumunod na araw, nalaman kong... pareho pala kami ng pinagdadaanan. His mother passed away a year after my parents died. Nakakatuwang isipin na may makikilala akong makakaintindi at makakasama sa pagluluksa."

Kita ko ang pag-ukit ng ngiti sa labi ni Yaya Dores habang tumatango.

"May rason ang lahat, kung bakit mo siya nakilala sa gitna ng pagluluksa mo. Kung bakit mo siya kinamuhian muna bago ka nahulog sa kanya. Maaaring nakatakda nga ang lahat."

"Ibig sabihin, itinadhana talaga kami para sa isa't isa, Yaya Dores?" may pagkamangha kong tanong.

Muling tumango si Yaya Dores at hinigpitan ang hawak sa aking mga kamay.

"Gaya ng kina Oseanna at Akhem, posible ngang itinadhana rin kayo."

Nagpatuloy ako sa paglalahad ng mga nangyari sa amin ni Ryu hanggang sa halikan namin. Nagulat si Yaya Dores pero sa huli, kinurot na lang niya ang tagiliran ko dahil daw kinikilig siya.

Natuwa ako sa naging reaksyon niya. Hindi siya tumutol sa relasyon namin ni Ryu.

Naging maluwag ang pakiramdam ko dahil sa wakas, may isang taong nakakaalam ng lihim namin. At alam kong mapagkakatiwalaan si Yaya Dores.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan ng binatang iyon?"

Hindi ko nasagot ang tanong ni Yaya Dores dahil biglang pumasok si Tita Ingrid sa kuwarto. Taas-noong inikot niya ang paningin sa loob bago kami tinitigan.

"Why are the two of you taking so long?" she asked, crooking her neck. "Ano bang pinag-uusapan ninyo ng magaling kong pamangkin, Dores?"

"Wala naman ho, Ma'am Ingrid," sagot ni Yaya Dores, nakayuko bilang paggalang.

"Ano bang mga kalokohan ang itinuturo mo riyan sa alaga mo at ganyan katigas ang ulo?" she hissed, sabay talikod.

Muling bumilis ang kabog ng dibdib ko. Nataranta ako na baka narinig niya ang usapan namin ni Yaya Dores kanina. Pero tila hindi naman, dahil wala siyang binanggit tungkol doon. Kaya nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan siyang nagpaalam para bumisita sa Leesteel.

Kinahapunan, suot ang napiling simpleng puting bestida at kulay kremang doll shoes, bumaba ako ng hagdanan para salubungin sa labas ng mansyon ang kotse ni Ryu.

Natanggap ko ang text niya kanina na malapit na raw siya, kaya heto ako ngayon-hindi magkamayaw sa sobrang excitement.

Sinunod ko pa ang bilin ni Yaya Dores. Kailangan ko raw piliin at pag-isipan ang mga susuotin ko sa tuwing may lakad, lalo na't dalaga na ako at may nobyo na.

Her Game (The Game Series 1)Where stories live. Discover now