Game Nine
Enchanted
Nagdaan ang mga araw, at naging lihim ang relasyon namin ni Ryu. Bukod sa amin, wala nang ibang nakakaalam-kahit ang malalapit naming mga kaibigan. Dahil sa pagiging sikreto, halos palihim na rin ang bawat pagkikita namin.
Gaya ngayon, nakatanggap ako ng text message mula sa kanya tungkol sa pagkikita namin mamayang hapon.
Ryu:
I'm excited to see you, Mademoiselle. See you later! I love you.
Magtitipa na sana ako ng reply nang biglang may kumatok sa pinto. Mabilis kong itinago ang cellphone sa loob ng drawer ng nightstand.
Hindi alam ni Tita Ingrid na gumagamit na ako ng cellphone, kahit ilang taon na ang nakalipas mula nang magkaroon ako nito. Hindi rin nila napapansin ang palihim kong paggamit. Delikado, lalo na't hindi ko alam kung pinapayagan na ba akong gumamit nito kahit nasa tamang edad naman na ako. Nakakapanlumo pa dahil nakikita ko si El Sandra na may sarili ring cellphone at malayang ginagamit iyon kahit sa harap mismo ni Tita Ingrid.
It was a sunny Saturday morning in the month of August. Kanina pa ako gising pero hindi pa ako lumalabas ng kuwarto. Nakaligo na ako at nakapag-ayos nang kaunti. Wala naman akong balak lumabas ng mansyon kaya pinili kong magsuot ng V-neck T-shirt at maong shorts-ang karaniwan kong kasuotan kapag nasa bahay lang.
"Pasok po," sigaw ko matapos ayusin ang pagkakaupo sa gilid ng kama.
"Hija, handa na ang agahan sa hapag. Naghihintay ang Tita Ingrid mo at si El Sandra," pormal na sabi ni Yaya Dores, na nakatayo sa may pintuan.
"Tuloy ka po, Yaya Dores."
I smiled.
Kumunot ang noo ni Yaya Dores, pinagpag muna ang asul niyang uniporme bago lumapit sa akin. Umukit ang mga linya sa kanyang mukha nang sumilay ang ngiti sa manipis at tuyo niyang labi.
Malaki na ang ipinagbago ng itsura ni Yaya Dores. Tandang-tanda ko pa noon ang mala-gintong kutis at ang buhok niyang kasing-itim ng uling na kinaiinggitan ko. Ngayon, nanatili pa rin ang kulay ng balat niya pero kumulubot na, at ang buhok ay kulay-abo na dahil na rin sa katandaan.
"May problema ka ba, Hija?"
Umuga ang kama nang maupo si Yaya Dores sa tabi ko. Napangiti ako, at nag-init ang pisngi ko dahil hindi ko alam kung paano sisimulan ang nais kong ikuwento sa kanya.
Nagkandabuhul-buhol ang isip ko. Magsisimula ba ako sa unang araw ng pagkikita namin ni Ryu? Sa mga araw-araw naming pagsasama? Sa pagbabalik niya? O sa mismong araw na nagtapatan kami ng nararamdaman at nagsalo sa unang halik?
Mas lalo tuloy namula ang mga pisngi ko.
Naningkit ang mga mata ni Yaya Dores at ngumiti nang mapanukso.
"Alam ko kung ano ang gusto mong sabihin, Hija. Alam mo ba, kamukhang-kamukha mo ang mommy mo noong araw na ibigin niya ang Daddy mo."
"Yaya Dores!" I snapped.
"Matanda na ako, Hija. Marami na rin akong pinagdaanan at nasaksihan. Kaya alam ko kung ano ang dahilan ng matatamis na ngiti at namumulang pisngi na iyan."
Hinawakan niya ang mga kamay kong nakapatong sa kandungan ko at humagikhik.
"Tandang-tanda ko, ganyan na ganyan din ang hitsura noon ni Oseanna habang nagkukuwento tungkol sa unang pagkikita nila ni Akem."
Napangiti ako at nakalimutan ang balak kong ikuwento sa kanya. Napalitan iyon ng pananabik na marinig ang love story nina Mommy at Daddy. Paano kaya nagtagpo ang mga landas nila? Paano sila nahulog sa isa't isa? At anong mga pagsubok ang hinarap nila para sa pagmamahalan nila?
ESTÁS LEYENDO
Her Game (The Game Series 1)
RomanceWhen you've lost everything, even your life, how far will you go to win back what's yours in a world ruled by betrayal, deceit, and power? Akemi Sean Lee, the sole heiress of the Lees, rebuilt herself in the States after the greatest tragedy of her...
