Sabi ni daddy bantayan ko daw yung pasyente ko, kaya pinagstay nila ako sa guest room, sabi ko wag na kasi tulog naman siya pero talagang mapilit sila. Paano nalang kung bugbugin ako ni Kris? Walang awa ‘tong lalaking ‘to eh. Pero habang tinititigan ko siya, di ko maiwasang ngumiti. Ang amo ng mukha niya pag tulog siya.

“Alam mo ikaw, gwapo ka naman eh, inuuna mo kasi pakikipag-away mo kaya nagmumukha kang halimaw.” Sabi ko habang sinusundot sundot yung pisngi niya. Natatawa ako sa ginagawa ko. Parang baliw na ewan.

Nagising ako kinabukasan, nagulat nalang ako nung maayos akong  nakahiga sa kama ng guest room, nakakumot pa ako. Napabangon ako bigla nung naalala ko si Kris. Dali dali ko siyang hinanap sa kwarto, pero wala naman siya, bumaba ako, baka kasi nakababa na siya.

Si Manang Elsie ang nadatnan ko, asawa siya ni mang Nestor.

“Manang, nasaan po si Kris?” Tanong ko sa kanya.

“Nasa labas siya, anak.”

Agad akong nagpunta sa labas, nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng pool namin, nakatalikod siya. Di ko alam kung lalapit ba ako sa kanya o hindi, yung mga paa ko gusto siyang lapitan, nanginginig.

Tatalikod na sana ako pero bigla siyang humarap. Nanlaki ang mga mata ko, ngumiti ako ng pilit sa kanya. No choice ako lapitan siya kahit takot ako.

“G-gising ka na pala,” sabi ko, tinignan niya lang ako saka siya ulit tumingin sa pool. Ilang segundo rin ang pananahimik namin, buti nalang at binasag niya ang awkward silence sa pagitan namin.

“Gusto ko nang umalis dito,” Sabi naman niya na siyang ikinagulat ko.

“P-pero di pa m-magaling yung s-sugat mo, sabi ni daddy di ka pwedeng umalis dito hanggat di pa okay yang sugat mo..”

“Di niyo na dapat ako tinulungan.” Sabi niya, saka siya ulit pumasok sa loob. Sinundan ko siya ng tingin, kahit kelan talaga ang cold ng lalaking ‘to. Tignan mo, parang ako pa nahihiya sa sarili kong pamamahay.

Di ko na siya kinausap mula nun, nagkulong siya sa guest room, bahala siya. May pasok pa ako, bahala siya kung papasok siya o hindi, wala akong pake. But.. I end up infront of the guest room’s door… knocking..

“KRIS! DI KA BA PAPASOK?” Tanong ko. Isinantabi ko na yung takot ko sa kanya. Aba! Ang swerte niya lang, bahay ko ‘to, ako pa magmumukhang kuting? I should act like a queen. Act normal. Sa bahay namin, ako ang masusunod, di baleng gangster ang bisita, bahay ko ‘to.

Hindi sumagot si Kris. Kakatok pa sana ako nung biglang bumukas yung pinto, yung dibdib niya tuloy yung nakatok ko. Medyo natakot ako kaya napaatras ako, oh wala eh, nakakatakot talaga. Nakakain ko na yung mga sinabi ko kanina, nawawalan na ako ng guts pag kaharap ko ‘tong leader ng mga gangsters. Ugh!

“S-sorry,” sabi ko habang nayuko’t pinipisil yung mga kamay ko. Oh Lord, anong parusa ang ibibigay niya? Nagulat ako nung bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko. This is it.

365 Days with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon