Pumikit siya. "That.. other man over there." huminga siya ng malalim saka ako tinignan. "is my dad."

Medyo matagal ang pagproseso ng utak ko. Ibig sabihin... matalik na magkakaibigan sina auntie, papa ko, at dad ni Kara.

"Ang liit naman pala ng mundo.." puna ko.

May pumasok sa isipan ko na siyang ipinagtaka ko. "Akala ko ama mo yung sikat na businessman?"

Umiling siya. "That guy was different. He's my dad's brother... who only used me for his wealth."

May point rin naman siya. Kung totoo nga niyang ama ang nagpalaki sa kanya, edi sana naging maganda yung childhood niya. Pero hindi eh. Ginamit lang siya.

Ang bata-bata niya pa nga para ma-expose sa madilim na bahagi ng mundo.

Kaso.. nangyari na ang nangyari.

Sa ngayon, masaya naman ako kasi nakikita ko ang progress niya. Lalo na pag kasama niya si Dio.

Akala siguro ng dalawa wala akong alam tungkol sa kanila.

Kusa akong napangiti.

Psh. Nakalimutan ba nila kung sino ang deity ko?

Ibinalik ko sa kamay ni Kara ang litrato. "Sa'yo nato.." tinignan ko siya. "di ko alam kung kelan birthday mo pero yan nalang gift ko."

Natawa siya ng mahina kaya lumapad ang ngiti ko.

Panay na ang mga ngiti at tawa niya. Kakaiba talaga ang idinudulot ng pag-ibig ano?

Kahinaan ni Kara ang mga bata at ang nakaraan niya. Ngunit unti-unti nang lumalabas ang totoo niyang kulay.

"Don't stare at me like that Cesia." sumeryoso ang mukha niya. "You're scaring me."

Natawa ako. "Wala lang.. may napansin lang ako.."

"No really..." dagdag niya. "Your eyes are hypnotizing to stare at and it's scaring me."

Yumuko ako.

Yung mga mata ko pala...

"She meant it as a compliment. Right Kara?" sumulpot si Galatea sa gitna namin.

"True." tinapik ni Kara ang maliit na statue. "My ordinary sight can't take such mesmerizing color."

Inangat ko ang ulo ko at siningkitan ng mata ang dalawa.

Mayamaya, bumalik ang ngiti sa labi ko.

"Bagay ba?" natatawa kong tanong sa kanila.

Nagsimula na kaming magkuwentuhan sa first impression nila sa bagong kulay ng mga mata ko. Ayon sa kanila, pag tumitig sila sa mga mata ko, nahihirapan silang ibaling ang kanilang atensyon sa iba.

"Kara, sa tingin ko talaga.. totoo yung sinabi mo.." naalala ko ang vision na nakita ko. Nag share naman ako sa kanila nang makita ko ang sarili ko noon na may ganitong kulay ng mga mata.

"Cesia.. do you think.. possibly.. you have another deity?" nagulat ako sa tanong niya.

Isa pang deity?

Huminga ako ng malalim at napatingin sa relo niya. Naalala ko kasi si Medea. Nalaman ko mula sa kanya na di ko totoong auntie ang nagpalaki sa'kin.

How ironic. May bagong ability ako na makita ang past ng iba pero... pagdating sa sarili kong kuwento, wala naman akong alam.

Nginitian ko siya. "Mm.." tumango ako. "Hindi ako makakatanggi sa suggestion ng isang anak ng Goddess of Wisdom."

"Posible rin." tinignan ko siya. "Posibleng descendant pa ako ng isang deity."

"Wait what?!" sumingit si Galatea. Tumayo siya sa gitna namin na nakapameywang. "Eh ba't ngayon ko lang alam yan? nakapagsabi sa'kin na may isa ka palang deity. Not even Aphrodite!"

Kinuha ko si Galatea at tinapik ng mahina ang balikat niya. "Possibility ang pinag-uusapan namin dito Galatea. Maaaring meron, maaaring wala." saka ko siya binaba.

Pinagpag niya ang damit niya. "Ah ganun ba..."

Binalik ko ang atensyon ko kay Kara na malalim ang iniisip.

"We'll find it out soon. Don't you think?" aniya at tumayo.

"Ang mga Moirai na ang bahala." natatawa kong sabi. "Wala talaga akong balak na hanapin pa ang totoong pagkatao ko. Pagod na ako, Kara. Gusto ko lang matapos ang digmaan na 'to. Gusto kong bumalik ang dati."

Nawala ang ngiti ni Kara. Hindi ko kailangang gamitin ang kapangyarihan ko para malamang naaawa siya sa'kin.

"Hintayin muna natin sina Art. Deep inside I know, we're going to end this." binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. "We're doing the best we can but we are not the ones who control everything Cesia. We could only do what we think is right."

Inayos ni Kara ang unan para makahiga ako ng maayos.

"Your eyes are getting dull. You must be tired so get some rest." kinuha ni Kara ang dulo ng kumot at ibinigay ito sa'kin.

Di nagtagal at pinikit ko na ang mga mata ko. Medyo lumuwag ang pakiramdam ko kaya nakaramdam ako ng antok agad-agad.

"You're going with me, Galatea. We have a meeting to attend to."

"Eh? Akala ko ba si Trev ang kasama mo?"

May meeting pa pala sila mamaya...

"You will take his place. He has more important things to do."

"Like what exactly?"

"Like getting some ambrosia for your master."

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now