Kabanata 8: Huli

690 69 121
                                    

HULING GABI

MINULAT ko ang aking mga mata. Nakatitig sa kawalan habang pinupuno ng aking mga luha ang dalawa kong tenga. Sobrang sakit, sobrang sakit na parang binibiyak ang puso ko sa dalawa. Sobrang sakit sa puntong nahihirapan na akong huminga. Hindi ko mapigilang hindi magtanong kung bakit ako pa? Bakit tayo pa? Bakit tayo pa talaga ang pinaglaruan ng tadhana? Nakakainis dahil kahit na anong reklamo ko ay wala akong magawa. Kahit pigilan ko ang lahat, alam kong hindi ko kayang baguhin ang nangyari na. Nakakainis dahil hindi kita kayang iligtas. Nakakainis dahil pinatay ka ng sarili ko pang ama. Nakakainis dahil masyadong masakit na.

Bumangon ako at inabot ang aking telepono. Gusto kong marinig ang boses mo. Gusto kong makita ang mukha mo. Gusto kong tingnan ang mga mata mo. Gusto kong manatili sa piling mo. Gusto ko. Gusto kita.

Ngunit, lahat ng iyon ay pangarap lamang pala. Sinukan kong tawagan ka ngunit nakakapagtaka dahil nawala na ang numero mo rito. Hindi ko mapigilanng magmura, pati ba naman numero mo ay mawawala pa?

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa naalala kong nirecord ko nga pala ang tawag ko sa iyo noong isang gabi. Dali-dali ko itong hinanap. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ito nabura. Mapait akong ngumiti nang muli kong marinig ang boses mo. Hanggang sa dulo ay pinakainggan ko lahat, pati yong unang pag-amin mo sa akin na multo ka. Lahat ng iyon ay nakarecord sa cellphone ko.

Hindi naman totoong napuyat lang ako kaya namamaga ang mata ko noong pampitong gabi ng simba. Namamaga ito dahil umiyak ako. Namamaga ito noon dahil totoo ang hinala ko. Namamaga ito dahil sa sakit na hindi pwedeng maging tayo. Nakakatawa lang dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa'yo. Nakakatawa dahil una pa lang alam ko na pero wala akong ginawa.

Noong gabing kinantahan mo ako, nagpanggap akong tulog at hinayan kitang magsalita ng kahit ano ngunit hindi ko inaasahan na aaminin mo sa'kin ang lahat noong mga oras na iyon. Hindi ko inaasahang sasabihin mong magkaiba tayo. Hindi ko inaasahang tama pala ang hinala ko. Hindi ko inaasahang sasabihin mong isa kang multo. Alam kong gabi-gabi kang umiiyak kaya namamaga ang mga mata mo. Alam kong hindi ka makatingin sa'kin ng diretso dahil may tinatago kang sekreto ngunit hindi mo naman kailangang gawin ang lahat ng iyon dahil alam ko naman. Una pa lang, alam ko na.

Naalala ko noong una tayong nagkita. Sa simbahan kung saan nagsimula ang ating istorya. Hindi mo alam pero noong unang gabi ng simba, napansin na kita. Napansin ko nang kakaiba ka. Alam ko na ang aking sasabihin ay labis mong ikakabigla pero lingid sa iyong kaalaman ay itinuon ko na ang atensyon ko sa'yo noong mga oras na iyon. Kaya naman hindi nakaligtas sa'king mga mata ang iyong pagiging mahiwaga. Nakakapagtaka man pero bakit nakaangat ang mga paa mo sa lupa. Noong araw na iyon, alam ko na kung bakit ka kakaiba. Alam ko na bago pa man nagtagpo ang ating mga mata.

Aaminin kong naguluhan ako noong una dahil bakit nakikita kita? Bakit nakikita kita kung isa ka namang multo? Mas lalo akong nalito noong pangalawang gabi ng simba. Nalito ako dahil kung multo ka, bakit nakikita kita? Bakit nakakausap kita? Bakit nahahawakan kita?

Kung multo ka, bakit nababasa ka ng tubig ulan? Nakakalito pero inisip kong mali ang hinala ko sa'yo. Inisip ko na lang na namamalik-mata lang ako.

Nawala sa isip ko ang mga pagdududa at naging malapit tayo sa isa't isa. Kung saan-saan tayo pumupunta pagkatapos ng simba. Nawala lahat ng aking pagtataka dahil ang dami nating pinagsamahang dalawa ngunit lahat ng iyon bumalik noong niyaya kitang kumain sa bahay namin. Naalala mo noong nagpresenta kang ikaw na ang maghugas ng pinagkainan natin kaya hinayaan na lang kita pero noong tinitigan kita habang naghuhugas ka ay napadako ang aking mata sa kabilang banda kung saan nakalagay ang malaking salamin ng bahay namin.

Wishing YouWhere stories live. Discover now