HANNAH - PARK

1K 41 6
                                    

Hannah POV



2 hours.

2 hours ba ang nakalipas simula sa meeting time namin. 2 hours na siyang late. Ni hindi nga siya nagtetext eh.

"Ano ka ba naman Jose! Kung makapag hanap ka sa akin ng pera parang ninakaw ko ah! Ikaw nga 'tong nagsasayang ng pera kakalaba--"

"Ang aga aga! Bunganga mo ang naririnig ko!"

"Paanong hindi kita pagsasabihan! Kung ano ano na naman ang pinapa---"

"Pwede ba Marie! Magtigil ka! Babalungusin na kita!"

"Sige gawin mo! Gawin mo!"

Humiga ako ng kama ko at tinakip ang unan sa mukha ko. Ayan na naman sila, kung akala mo sweet sila... Hindi, mas madalas silang mag-away kaysa maging sweet sa isa't-isa.  Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ulit si Fred.

Pang 58 call ko na yata 'to magmula kanina wala pa din. Hindi pa rin siya sumasagot. Ayaw ko naman siyang puntahan sa bahay nila nakakahiya.

"Ano ba Jose! Saan mo dadalhin yan!"

"Lalayas na ako dito! Kaysa sa marinig ko ang kakabunganga mo! Sawang sawa na ako Marie! Sawang sawa na ako!"

Iba na yata 'to. Nagstart na akong umiyak.. tinawagan ko ulit si Fred pero wala pa rin talaga.

Tinawagan ko si Trix pero cannot be reach siya. Tinawagan ko si Flo busy naman ang phone niya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at tuloy tuloy na ang agos ng luha ko.

Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng kwarto. Saktong nakasalubong ko sila si papa may hawak na bag at si mama naman nakahawak sa kamay ni papa. Tinignan ko sila.

"Bata ba kayo? Anak niyo lang ako pero let me remind you... What is the meaning of Marriage? Of wedding? Ano yung sinumpaan niyo? Mag-asawa kayo hindi kayo magsyota" yun lang ang sinabi ko at bumaba na kasabay non at ang paglabas ko ng bahay. Wala na talaga akong magagawa kundi puntahan si Fred.

Nakakailang doorbell palang ako lumabas na yung kasambahay nila.

"Hi po manang! Si Fred po andyan na po ba?"

"Nako hija.. Hindi pa nauwe..." napasimangot ako.

"Ganun po. Sige balik nalang po ako mamaya" sabi ko.

"Sabihin ko nalang na pumunta ka ah. Siya nalang magpunta doon"

Tumango ako at nagthank you. Doon nalang muna ako sa park atleast doon malamig ang hangin, tahimik at nakakapag pakalma sayo.

Umupo ako sa baba ng isang malaking puno at sumandal doon. Pumikit ako hanggang sa unti unting pumapatak ang mga luha ko. Kung kailan naman kailangan na kailangan ko sila doon sila hindi macontact.

--

"Hannah... hannah... Let's talk please"

Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ang paglalakad ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko saka ako hinila

"Please Hannah... Just for a minute"

Inis akong humarap sa kanya

"What? What are gonna explain? You're sorry? You forgot about our monthsary.. Napasarap tulog mo? What!"

Yumuko siya. At hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry Hannah. Sorry talaga... I promise. It will not happen again. Not anymore.. I'm really sorry.. Please forgive me"

It's Just RPWWhere stories live. Discover now