RPW - CHANGE

1.6K 55 6
                                    

Third Person POV

"Kuya Matt! Bat ganun ang daming butterflies sa tummy ko" sabi ni dalaga at nakapout. Tawang tawa naman ang mga pinsan niya dito

"Nako Trix! Alam mo ba dati... kapag sumasakay tayo ng eroplano.. nakakatawag ka lagi ng pansin dahil sa kaingayan mo.. lakas mong sumigaw" tugon naman ng gwapong pinsan nito na si Evan.

"Ganun ba? So Kuya Evan! Tabi nalang tayo! Please" kumapit ito sa binata pero tawang tawa na inalis niya ang pagkakahawak.

"Andiyan naman si Matt. Kaya niyo na yan. Sige na urong na! You're causing a traffic here" napatingin sila sa likod nila at ang dami na ngang tao. Hinanap nila kung saab sila nakaupo. Magkatabi ang upuan ng Dalagang si Trixie at ng binatang si Matthew. May naabutan silang lalake na nakaupo sa tabi ni bintana at nakatakip ang mata nito.

"Excuse me Mr... seat #M25 po ba kayo?" Tanong ng dalaga. Unti unti nitong inalis ang eye mask nito. Gulat na gulat ang dalawang binata ng makita nila ang isa't isa. "Ok lang po ba kayo? Sorry po kung nagu--"

"Ken" napaharap ang dalaga sa kuya nito at may malaking question mark sa isip niya.

Gustong gustong yakapin ng binata ang dalaga. Dahil first time niya nalang ulit na makalapit ng ganito kalapit sa dalaga. Sobrang bilis ng tibok ng puso nito at hindi na malaman ang gagawin. Malaki ang pinayat ng binata at talagang makikitaan mo na napabayaan niya ang kanyang sarili.

Pinaupo ni Matthew si Trixie sa tabi ni Ken. Nakangiti lang ang dalaga sa binata.. Samantalang ang binata ay hindi malaman ang gagawin at kabang kaba kulang nalang marinig ang tibok ng puso niya.

Habang ang mga pinsan nito ay tawa pa rin ng tawa kay Trix. Dahil hindi sila makapaniwala na takot pa rin siya sa heights at sa andar ng eroplano kahit na nakailang sakay na siya rito. Lalo na't nang galing siya ng California...

"So you're going to boracay? Anong hotel mo? Sama ka nalang sa amin. Tutal birthday din naman ni Trix. Mom and Dad will be happy to see you" prisinta ni Matthew kay Ken.

"Yep. Sa Royeol Hotel... I'll think about --"

"Wait... Royeol? Diba dun din tayo kuya Matt? Sama ka nalang sa amin.. ahhmm Ke-ken? Kuya Ken" Nakangiting sabi ng dalaga sabay hawak sa braso nito. Nagulat ang binata at napatitig sa kamay ng dalaga. "Ay sorry. Fc ba ako? Sensya na"

"Hin-hindi okay lang... si-sige.. sasama ako" pumalakpak ang dalaga kasabay ng pagtunog ng reminder na kailangan nang isuot ang belt at magtetake off na ang eroplano. Dali dali namang sinuot ng dalaga ang seatbelt nito at kumapit sa kuya niya. Pikit na pikit ang mga mata ng dalaga at ng maramdaman na niyang tumaas na ang eroplano ay muntik na siyang sumigaw pero tinakpan ang bibig niya ng kanyang kuya.

Napangiti ang binata. Tumingin siya sa labas. Ang daming tumatakbo sa isip niya.

~~


KEN POV

Nagstay muna ako sa rooftop ng hotel. Sakto at walang tao. Umupo ako doon at binabad ang paa ko sa swimming pool. Ang ganda niya. Mas maganda siya sa malapitan. Hindi ko maiwasang mangiti. Miss na miss na kita Trix..

Alas quatro palang ng madaling araw kaya walang ganoon na tao.

"Coffee" Napatingin ako sa kamay na may hawak na coffee sa gulat. Tumingin ako sa kanya at nginitian niya ako. Umupo siya at tumabi sa akin. Kinuha ko yung coffee na binigay niya. "Bakit mag-isa ka lang kuya? Ang aga pa oh" Nakangiti niya lang na sabi. Nginitian ko siya, kaso medyo nabigla yata siya at namula siya. Umiling ako.

It's Just RPWWhere stories live. Discover now