RPW - THE SCOTT

2.8K 85 17
                                    

Trixie POV

"Ate.. busog na talaga ako"

Reklamo ko. Paano ba naman kase ang dami nilang inorder at akin lahat nila pinapakain. Akala ba nila hindi ko napapansin yun?

"Alam mo. Alam ko yan. Nagdaan na ako sa ganyan.. So nagka bf ka na?" Panimula ni ate Julie. Nagiwas naman ako ng tingin.

"You know what? You can trust us naman eh. Hindi yung like that ka. If you dont want to tito know. Then we will keep it a secret."

"Oo nga Trix.. Sabihin mo na.. makakabawas yan at makakatulong yan sayo"

Pinunasan ko ang mga luhang nag-babanyang tumulo..

"Oo.. may bf ako.. at nagkakilala kame sa chat. Naging kame sa chat at naghiwalay kame sa chat. Ashame right? Ang tanga ko. Ang baba ko... nakakahiya ako.. nakakahiya..."

Pinigilan ako nila ate Julie at Kuya Evan ng sinasabunutan ko ang sarili ko kasabay nun ang pag bagsak na naman ng mga luha ko.

"Trix no!"

Pagbabawal sa akin ni Kuya Evan. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos ang buhok ko. Habang si ate Julie naman pinupunasan ang luha ko.

"Noon... noon kilig na kilig ako kase hiniwalayan niya gf nya for me. Pero bakit hindi ko naisip na baka gawin niya din sa akin yun? Ang sakit sakit... ang tanga ko..."

"Oo tanga ka nga. Sobrang tanga mo Trix.. Hindi ka dapat naniwala sa kanya..." Pag-uumpisa ni Kuya Evan.

"Kalimutan mo na siya okay? At the best way para makalimutan mo siya ay  bumalik ka sa kung saan kayo nagkakilala at harapin ko iyon. Tanggapin mo ang lahat at makihalubilo ka sa mga tao dun sa.. ano na nga ba kase tawag dun.. rpw?"

Napatigil ako sa pagluha at tumingin kay Ate Julie.. Bakit alam nila yun? Hindi ko naman sinabi sa kanila yun ah. Nginitian ako si ate Julie at tila nagets niya ang reaksiyon ko.

"May kaibigan kase ako na naga-rp din. At nung nagpunta tayo sa boracay. Nakita kita. Iba pangalan mo at korean ang pic mo. So I guess na nagrp ka din. Rp ang ginagawa mo diba?"

Tumango ako. Niyakap lang nila ako.

"Trix walang masama sa ginagawa mo, okay. Tsaka Trix... marami kapang lalakbayin... Kaya.. wag ka ng magmukmok diyan. Sige ka papangit ka"

Napatawa ako ng kaunti. Tama.. dapat harapin ko ang problema ko. Mamaya... oras na para bumalik ako... Im an rp.. Ang I am brave.. I am strong...

~~

Kinabukasan.

~~

Oras na para bumalik ako sa rp. Oras na para ipagpatuloy ko ang paga-rp ko. Meron akong tatlang message. Isa mula kay Matthew. Pangalawa mula sa Yehet at pangatlo bagong gc na naman. Binuksan ko muna yung sinend niya sa akin..

Nanginginig ako dahil nabasa ko na naman kung paano siya nakipag break. Nilakasan ko ang loob ko at nagbackread ako. Hanggang sa pinakaunang message namin.. Binasa ko iyon lahat... At pagkatapos at binura ko na.

Nagpunta ako sa brown fire at nagsona ako. Humingi ako ng tawad sa kanila at saka nirak ang gc. Hindi ko man gustong irak ito pero ayaw kong makakita ng anumang alaala na magpa-paalala sa akin sa kanya.

Nagdahilan ako na gagawa nalang ako ng bago kapag tapos na ang pasukan. Pagkatapos nun ay inalis ko na sila isa isa.

YEHET HURAT [OFFICIAL GC]

Ryu: Nawala lang ako tumahimik na dito

Nana: Eomma! Bakit mo ako inalis sa gc? Huhu

It's Just RPWWhere stories live. Discover now