RPW - HOME

1.5K 41 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako makatulog. Lumabas muna ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Iinom ako ng gatas, baka sakaling makatulog ako. Habang papunta ako, nadaanan ko si Kuya Evan na gising pa at nakaharap sa laptop niya.

Nagsangkap ako ng gatas at ng kape para sa kanya. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Antok na antok siyang tumingin sa akin. Anubayan buti pa si kuya Evan inaantok na. Binigay ko sa kanya yung kape at kinuha naman niya ito. Nagwika siya ng salamat pero walang boses na lumabas.

"Ano bayang ginagawa mo Kuya? Gabi na ah. Hindi ka pa ba matutulog?" Tinignan ko yung ginagawa niya. Ang daming site na nakabukas at duon si Microsoft word halos lagpas 15 ang pages. "Copy paste lang naman yan Kuya eh. Bakit inabot ka ng ganitong oras?"

"Hindi copy paste yan Trix. Nagpa-paraphrasing pa ako at pinag-iisipan ko pa ng mabuti ang citation."

"Diba by group naman yan? Yung sa amin kase by group eh"

"Iba kase yung sainyo Trix. Tsaka basic pa yun kumpara sa Thesis ng college. Kumbaga pinagre-ready palang kayo sa mas mabigat na task" Grabe naman si Kuya. Ang lakas makapang-spoil. Ayan tuloy natatakot  na akong magcollege.

Kinurot niya pisngi ko.

"Bakit ikaw Trix? Hindi ka pa natutulog?" Nagpout ako

"Hindi pa ako makatulog kuya." Nginitian niya ako. Tumayo siya.

"Tara... patulugin kita" tumayo naman ako at sumunod kay kuya. Humiga ako atsaka niya ako kinumutan. Nagside ako at pumikit habang sinusuklay suklay niya ang buhok ko.

Mabilis kase talaga ako makatulog kapag sinusuklayan ako o kahit na anong may ginagawa sa buhok ko.

Nagising nalang ako na maliwanag na. Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto. Kapag ka labas ko, nakita ko agad si kuya Evan na nakabihis na at nagpe-prepare na ng pagkain.

"Kuya ako na dyan" sabi ko at kinuha yung pack ng bacon. Wednesday naman ngayon at wala kameng pasok dahil may seminar ang mga teachers. Ok lang naman dahil susunduin ako ni Ken maya maya lang... lalabas kase kame kasama mga kabarkada niya. Welcome party daw kay Carson. Ayaw niya ngang sumama kaso wala napilit siya nila Kuya Justin.

"Trix"

"Hmmm?" Yun nalang ang nasagot ko dahil busy ako sa pagluluto ko.

"I.. I think you should go home" Tumingin ako sa kanya ng gulat na gulat. Pinapauwe na niya ako? Seriously?

"Aaraayy" natalksikan kase ako ng mantika. Pinatay kaagad ni kuya yung kalang at lumapit sa akin.

"Hindi ka kase nag-iingat e" sabi nito. Hindi ko siya sinagot. Bakit ba kase pinapauwe niya na ako. Tinignan niya ako. "Matthew... I think you should go home... Tita Yasmine cannot handle Matthew anymore. Tinawagan niya ako kanina at iyak na ng iyak si Tita Yasmine. Pinapakiusapan niya ako na pauwiin ka na. At dapat rin siguro na umuwe ka na bago pa malaman ni Tito ang lahat.." Sa sinabi ni Kuya Evan mas lalo akong napatahimik. Hindi ko naisip ang magiging reaksyon ni Mom.. Tumango nalang ako at dumiretso sa kwarto ko at nag-impake na.

"Sige na Kuya. Malelate ka pa sa school mo. Parating na rin naman niyan si Ken"

"I'm sorry Trix. Hindi naman dapat talaga kita pauuwiin pero sa tingin ko dapat ayusin niyo na yung problema niyo ni Matthew. At para wala ng madamay na iba"

Hindi ako sumagot at patuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit ko. Ang gaga ko. Hindi ko naisip ang mararamdaman ni Mom.

Niyakap ako ni kuya Evan. At kiniss niya ang buhok ko.

It's Just RPWWhere stories live. Discover now