Chapter 49: Awakening

Mulai dari awal
                                    

"Yes!" sigaw ni Miggy sa tuwa kaya kumalas siya sa mga ugat, pagtunton niya sa sahig pinagtataga niya ng kanyang light saber yung likod ng tuhod ng kalaban kaya napaluhod ito.

Tatagain sana ni Miggy likod ng kalaban nang nahila siya nung nilalang na gawa sa usok. Nasuntok ulit yung bata sa mukha nung isang nilalang, niyakap siya ng usok ng sobrang higpit kaya nagsisigaw yung bata.

"Sige hawakan mo..." sigaw ni Geron na tinuloy yung naudlot na sinusulat niya sa sahig. Nagliwanag ang mga simbolo, napangisi yung matanda kaya si Miggy nagsisigaw. Binitawan siya ng nilalang, si Miggy napahiga sa sahig at nangingisay. Si Diego inuga ang ulo niya, "Boss hindi ako makagalaw" sabi niya.

"Shut up!" sigaw ni Geron, "Ilapit yan dito" utos niya kaya dinala ng mga nilalang yung bata palapit sa matanda. "Such a young child but very high potential. Diego! Pasukin isipan niya" sigaw ng matanda.

"Hindi ko kaya boss" sigaw ng unano. Nagpupumiglas si Miggy, "Wag mo na subukan, I already casted magic binds around your body. It is useless...oh your necklace...a blue crystal...hahahaha so your are protected by Amado hahaha" hiyaw ng matanda sa tuwa.

Nangingisay na si Miggy, takot na takot na siya kaya di niya mapigilan ang maiyak. "Diego! Do it now while he is crying" sigaw ng matanda kaya nagpilit yung unano at pinilit pasukin ang isipan ng bata.

Sa loob ng isang madilim na kweba sumulpot si Diego, "Bata nasan ka?" sigaw niya. "Dito" sagot ni Miggy kaya pumasok sa kweba yung unano. "Ano nakikita mo Diego, tell me who he is" sabi ni Geron.

"Sandali lang boss nasa loob ako ng kweba" sagot ng unano. "Hello" sabi ni Miggy na nakaupo sa isang sulok habang pinupunasan isang maskara niya. "Ang dami mo naman maskara" sabi ng unano kaya ngumiti lang si Miggy.

Sa kwarto, "Tarantado! Bakit mo kinakausap?! Takutin mo agad!" sigaw ni Geron. "Sandali lang boss, nadadala ako pagkat ang cute niya...parang ang hirap saktan" sabi ng unano. "Bumalik ka doon at takutin mo!" sigaw ni Geron.

Sa loob ng kweba lumapit si Diego, "Para saan ang mga maskara na yan?" tanong niya. "Kasi sabi ng lolo ko...ahmm..madami daw bad people na nakakatakas kasi daw hindi sila nakikilala" sabi ng bata.

"Ano?" tanong ni Diego. "Kasi lolo ko ay judge. Si lolo may bad feelings kasi kahit alam niya bad na yung guy e hindi naman ma prove ng lawyer na bad kasi hindi daw nakita yung face. Kahit sabihin daw ng witness siya e hindi naman nakita ang face"

"Kaya sabi ni lolo ko na halos lahat ng daw ng gagawa ng bad e nagsusuot ng mask" sabi ni Miggy sabay tinignan yung unano. "Ah..madami ka maskara kasi gusto mo gumawa ng bad?" tanong ni Diego kaya napangisi si Miggy saka sinuot maskara niya.

Biglang nawala si Miggy kaya yung unano napalingon. Dumilim sa kweba kaya nagsisigaw si Diego. Sa kwarto napatingin si Geron sa unano, "Hoy bakit ikaw yung nagsisigaw?" tanong niya pero hindi sumagot si Diego. "Boss tulong, ang dilim! Wala ako makita!" sigaw niya.

"Tarantado! Ikaw dapat yung nananakot sa bata. Bakit ikaw yung natakot?" sigaw ni Geron. Nagtulong tulong yung mga nilalang niya para putulin yung ugat. Binuhat siya nung nilalang na gawa sa usok at nilapit sa katawan ni Deigo.

"Hoy! Ano bang nakikita mo?" tanong niya saka humawak sa ulo ng unano. "Gumalaw ka! Bakit ka natatakot sa dilim?" sigaw ni Geron kaya sa kweba nagtuloy si Diego maglakad. Tumigil siya nang makarinig siya ng kakaibang huni, "Sige tuloy lang, bakit kasi hindi ka magsindi ng apoy?" sabi ni Geron.

"Kanina ko pa sinusubukan pero hindi ka pwede gumamit ng salamangka dito sa lugar na ito" sabi ni Diego. "Siraulo! Ikaw may gawa ng lugar na ito diba?" sabi ni Geron. "Hindi boss...nagulat nga din ako e. Imbes na siya yung dalhin ko sa nakahandang lugar e ako ang dinala niya dito" sagot ng unano.

MASKARATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang