Chapter 7: Kaibigan

3.8K 112 7
                                    

Chapter 7: Kaibigan

Kinabukasan sa may Wright Park, naatat sina Althea at Miggy na sumakay ng kabayo. "O eto maliit" sabi ni Elberto. "Lolo ang liit, gusto ko yung malaki na horse" sabi ni Miggy. "Apo delikado, tama lang ito at maliit ka pa" sabi ng matanda.

"No lolo, gusto ko yun o yung malaki" sabi ni Miggy. "Ay naku apo, pero sige if yang malaki then dalawa na kayo ni Althea" sabi ng matanda. "No, lolo naman e, tig isa kami" sabi ng batang lalake kaya kamot yung ulo si Elberto. "Eto nalang kasi maliit pa kayo" sabi ng attendant.

"Ayaw ko nga e, gusto ko yung malaki" sigaw ni Miggy. "Sige pagbigyan mo na" sabi ni Elberto. "Natatakot ako" bulong ni Althea. "Wag ka matakot, halika na, doon ako sa white tapos ikaw sa black" sabi ni Miggy.

Nung makasakay na yung mga bata, "Lolo ayaw ko dito, paikot ikot lang dito. Gusto ko pasyal kami" sabi ni Miggy. "Ay naku iho, dito lang kayo. Baka mabangga pa kayo" sabi ni Elberto. "Gusto ko sa labas, gusto ko mamasyal kami" sabi ni Miggy kaya napapikit yung matanda saka tinignan si Anabelle. "Takot ho ako sir" sabi ng dalaga.

"Sir dalawa nalang kami mag aalalay sa kanila. Ako sa harap tapos pinsan ko sa likod" sabi ng attendant na si Allan. "O sige, wag kayo masyado lalayo ha" sabi ni Elberto.

Hinaplos haplos ni Miggy kabayo niya, "Wag kang magulo ha, sabihin mo din sa friend mo na ingatan kaibigan ko ha" lambing niya. Nung magsimula na sila lumakbay kinakabahan si Elberto at Anabelle. "Sundan kaya natin gamit kotse?" tanong ng matanda.

"Magandang ideya ata yon sir pero aantayin pa natin si madam bumalik dito" sabi ni Anabelle. "Ay oo nga, papagalitan ako nina Vivian at Lawrence, lalo na asawa ko Diyos ko" sabi ng matanda.

Habang nasa kalsada ang lalaki ng ngiti sa mukha ng mga bata. "Ang ganda ganda dito sa Baguio" sabi ni Althea. "Sayang hindi sumama bagong kaibigan ko" sabi ni Miggy. "Sinong kaibigan?" tanong ni Althea. "Yung nasa bahay, sabi ko sumama siya sa atin pero nahihiya kasi siya at hindi siya naliligo e" sabi ni Miggy.

"Hahaha mabantot siya?" tanong ni Althea. "Oo tapos ang itim itim. Parang yung nakita natin sa street na may malaking bag tapos hair niya ang tigas tigas" sabi ng batang lalake.

"Tao grasa" sabi ni Althea saka tumawa. "Uy wag naman kasi mabait naman siya e tapos may powers siya" sabi ni Miggy. "Meron?" tanong ni Althea. "Oo malakas siya kaya niya mag fire" sabi ng batang lalake. "Niloloko mo naman ako e" sabi ng batang babae.

"Hindi, mamaya pag uwi pakilala ko sa iyo" sabi ni Miggy. May isang kotse na mabagal na nag overtake, pagtabi nito sa mga kabayo ng mga bata bigla siyang bumusina. Nagulat yung mga kabayo, medyo nagwild sila kaya napamura ng malakas yung mga guide habang yung kotse umabante na.

Sigaw ng sigaw si Althea, "No! Behave" sigaw ni Miggy at kumalma yung mga kabayo na kinagulat ng mga guide. Napatingin si Miggy don sa kotseng malayo na saka nanlisik ang kanyang mga mata.

"Ayos lang kayo?" tanong ni Allan. "Okay lang" sagot ni Miggy habang si Althea hinaplos haplos kabayo niya. Nagtuloy sila ng paglakbay at ilang minuto lumipas nakita nila sa malayo yung kotseng bumusina na nakatigil sa tabi ng kalsada, putok ang mga gulong nito at umuusok ang hood.

"Karma'm dayta tado" sabi ng pinsan ni Allan na nasa harapan, yung driver ng sasakyan nasa labas, kamot ulo siya pero pagdaan ni Miggy nagkatitigan sila. Dinilatan ni Miggy yung lalake saka ngumisi ng sobrang landi kaya si Althea nagpigil ng tawa.

Pagdaan nila nilingon ni Miggy yung lalake kasi napasigaw siya sa inis. "Ganyan mangyayari pag gumawa ka ng masama sa kapwa mo. Hahabulin ka ng karma" sabi ni Allan kaya napalingon yung mga bata. "Sino si karma kuya?" tanong ni Althea.

MASKARAWhere stories live. Discover now