Chapter 40: Gate Keeper

3.5K 130 23
                                    

Chapter 40: Gate Keeper

"Miggy will you come with me please" sabi ni Adolf kaya sumunod ang bata sa lungga nung mga nilalang. "Ano yon?" tanong ng bata. "Nararamdaman namin yung pagkaatat mo. Gusto mo Sabado agad kasi gusto mo na makasama yung mga bagong kaibigan mo" sabi ni Adolf.

"Kaya may naisip kami na ituro sa iyo, kaya lang hindi kami mga bruha, ikaw lang makakawa nito sa tulong ng mga kaibigan mo" sabi ni Ivan. "Ano ba yan?" tanong ni Miggy.

"Gusto mo ba sila makausap na hindi gumagamit ng telepono?" tanong ni Adolf. "Meron naman kasi Internet pero ayaw pa ako ni papa gumamit non tapos ayaw din nila ako bilhan nung cellphone" sabi ni Miggy.

"May magandang rason naman sila iho, may gusto kami ituro sa iyo. Naalala ko kasi yung mga dati kong amo may paraan sila upang makipag usap" sabi ni Adolf. "Makikita mo pa sila" sabi ni Ivan kaya nagliwanag mukha ng bata.

"Pero bawal sila gumamit ng magic sa kanila e" sabi ni Miggy. "Its okay, they don't need to do magic that much. Ikaw yung gagawa ng paraan" sabi ni Adolf. "Pano po yan?" tanong ni Miggy. "All you need is a mirror" sabi ni Ivan. "Tapos makakausap ko na sila parang yung mga....teka bad witch yung gumagamit ng magic mirror e" sigaw ni Miggy.

"Wag ka magpapaniwala masyado sa mga pinapanood mong cartoons" sabi ni Adolf. "Pano mo alam cartoons yung sinasabi ko?" tanong ni Miggy. "E palagi mo pinapanood ng cartoons si Leanne. At tuwing nanonood siya kasama ko siya" sabi ng matanda.

"Hmmmm sige ituro niyo po sa akin please" sabi ng bata. "I can remember the spell that my former boss used. I will teach it to you but first you need a mirror" sabi ni Adolf. "Kukuha ako" sabi ni Miggy saka umalis.

Pagbalik ni Miggy natawa yung mga nilalang. "Isang malaki para makita ko talaga sila tapos isang maliit para parang walkie talkie namin ni ate Althea" sabi ng bata. "Alright, I will teach you the spell, only witches can make this work but Miggy this magic is going to make you connect with the magic stream"

"This is very dangerous" sabi ni Adolf. "Why?" tanong ng bata. "Because you are using the magic stream and other bad people can find you" sabi ng nilalang. "Hindi naman ganon kadali iho, so do not worry much. Ang sinasabi niya lang there are risks in using the magic stream" sabi ni Ivan.

"Hindi mo sila makakausap agad because you have to find them through the magic stream. So let us begin the training" sabi ni Adolf. "Training?" tanong ni Miggy. "Oo iho kasi kailangan mo matutunan buksan yung magic stream muna. Hindi siya madali" sabi ng matanda.

"You already know how to feel the elements, now its time you feel the magic stream. Miggy the magic stream is very powerful, you can die" sabi ni Ivan. Di kumibo yung bata saka hinaplos yung mirror. "Okay it seems gusto mo talaga then sige" sabi ni Adolf.

Nilapag ni Adolf yung papel, tinignan ito ni Miggy. "Pasensya ka na, kapag kaming mga bruha ang bibigkas niyan may masamang epekto" sabi ng matanda. Binigkas ni Miggy yung mga nakasulat pero walang nangyari kaya tinignan niya yung dalawa.

"Miggy, you have to mean it. You have to focus and concentrate. You are opening a gate to the magic stream and the gate keeper will not listen to you if you are not serious" sabi ni Adolf. "Okay, ulitin ko nalang pero pag mali ako magagalit ba siya?" tanong ng bata. "Hindi naman" sabi ni Adolf. "Wait lang wiwi lang ako" sabi ng bata.

"Sa tingin mo kaya niya buksan?" tanong ni Ivan. "Hinala ko oo, pero mabubuksan lang niya yon pag galit siya" sabi ni Adolf. "Whenever he gets angry something helps him" sabi ni Ivan. "Yun ang inaasahan ko, sana it will be enough to scare the gate keeper or else mapapalaban tayo ng di oras" sabi ng matanda.

MASKARAWhere stories live. Discover now