"Kung ganon, patunayan mo. Unting panahon na lang ang natitira Kris. At ikaw na lang ang inaasahan ko." sabi pa niya at lumapit sa akin. Tss!



"Ganun lang ba? Bakit hindi ikaw mismo ang humanap sakanya... hindi mo ba kaya?" ginaya ko pa ang tono ng boses niya sa huling mga salita na binitiwan ko. Hah! Hindi ako kasing tanga ng mga utusan niya na kahit ano sinusunod. Kaya kong lumaban sakanya at hinding hindi ako aatras.



Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko at tumawa?


"Hay nako Kris, masyado na yatang lumaki ang ulo mo?" lumapit siyang muli sa akin at pinat ang ulo. Nakakairita na siya, ano ako? Aso?



"Pwede ba, tigilan mo'ko. Hindi ako isa sa mga tuta't aso mo." ginamit ko lahat ng lakas ko upang alisin ang kamay niya sa ulo ko. Malakas ang pwersang nailabas ko kaya't napaupo siya. May bumuo namang mga ngiti sa labi ko ng makita kong nagulat siya.



Hindi na ako ang dating Kris... hindi na.



Tumayo siya at hinarap ako ng may nakakalokong ngiti. Tss, hindi ba siya nadadala? Hindi na ama ang turing ko sakanya.


"Alam mo... masyado ng lumalaki ang ulo mo. You gave me no choice kundi gawin ang Plan B."



Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "Plan B?"



"Kung hindi mo magagawa 'yon bago ang takdang panahon..."



Tss, mukhang alam ko na. Hindi niya na ako madadala sa ganyan. "Ano?" cool na cool kong sabi.



"Papatayin ko si Sara." bigla namang nabingi ang tenga ko nang marinig 'yon, kahit ang katawan ko nagulat. Ano raw? Papatayin niya si Sara? Sino ba siya sa akala niya ha?





"Kung hindi mo magagawa ang ipinapagawa ko sa'yo. Si Sara ang magbabayad ng lahat." sabi niya saka umalis sa silid.



Bigla namang dumilim ang paningin ko sa mga sinabi niya. Ano bang karapatan niya kay Sara? Ganun na ba talaga siya kadesperado na mahanap ang prinsesa? Labinglimang taon na ang nakalipas, pero hindi parin siya tumitigil sa paghahanap! Masyadong maraming sekreto ang nakapaloob sa prinsesang 'yon. Isa siyang anak ng taksil pero bakit hanggang ngayon, pinaghahanap pa rin siya? Ano bang mayroon sakanya? Tss.







Humanda ka Prinsesa, ikaw ang magbabayad lahat ng ginawa mo.

.

.

.

.

.

.

.

Ella's POV



Maaga akong nagising at naglakad lakad sa buong academy. 4:30 palang ng umaga. Masyadong maraming nangyari these past few days... sobrang unexpected.

Naglakad lakad ako sa buong academy or let's say... nililibot ko. Kalahati pa lang ng academy ang napupuntahan ko. Halos mag iisang buwan narin ako sa academy pero ni hindi ko pa nalibot ang kabuuan nito.

Gusto ko libutin ang kabilang building kaso lang may mga gates sa gitna. Para bang hinati ang buong academy? Ano kayang nandoon sa kabila?

Parang ganito [ | ]

Papasok na sana ako sa gate nang mapansin kong nakalock pala. Bakit naman nakalock? Aalis na sana ako doon nang may nakita akong lalaking naglalakad malapit lang sa may gate. Buti may gising sa ganitong oras?

Wolf AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora