Chpater 46

9K 270 3
                                    

Nagising ako sa isang maputing kwarto. Malamig ang lugar na iyon at parang napapansin kong nasa hospital pala ako. Napaupo ako dahan dahan dahil sa sakit na naramdaman ko sa buong katawan ko.

Agad namang napatayo si Marco at lumapit sakin.

"Ayos ka lang ba? May nararamdaman ka bang masakit? Ano nararamdaman mo?" sunod sunod na tanong ni Marco sakin.

"Medyo masakit pa yung buong katawan ko." sabi ko. "San sila mama? Alam ba nila na nandito ako?"

"Oo. Tinawagan ko na sila. Papunta na sila rito." sabi ni Marco. "Ano bang nangyari? Naaalala mo ba?"

"Oo naaalala ko pa. Naglalakad ako pauwi tapos may mga grupo ng lalaki na hinila ako papunta sa madilim na sulok at dun ginulpi nila ako." sabi ko.

"Shit. Namumukhaan mo ba sila?" sabi ni Marco.

"Hindi. Nakamaskara sila. Pero may narinig akong may kausap yung isang lalaking nangulpi sakin." sabi ko.

"Ano?" sabi ni Marco.

"Si Mordeo daw. Mordeo yung name ng taong nagpagulpi sakin. Sino ba yan at bakit niya ako pinagulpi?" pahayag ko.

Nanlaki ang mga mata ni Marco at napaatras. Tila may nasabi akong masama.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sakanya.

"Mordeo?" tanong niya ulit sakin.

"Oo. Mordeo. Bakit?" sagot ko.

"Siya ang papa ni Ynigo. Si Mordeo Santillan." agad na sabi niya.

Nagulat din ako sa sinabi ni Marco. Mordeo Santillan? Papa ni Ynigo? Seryoso? Pero bakit? Bakit niya ako pinagulpi? Ano bang nagawa ko sakanya?

"Marco, bakit? Bakit parang lahat ng tao sinasaktan ako?" sabi ko habang namumuo na yung luha ko.

"Sshh. Taha na. Di naman kita sasaktan ah? Nandito lang ako para sayo. Di bale, pupuntahan natin sila. Di na tama to. Pinalampas ko na yung ginawa ng mga lecheng mga taong yun pero sobra na to." sabi ni Marco.

He's actually right pero ano bang laban ko dun? Ang lalakas at ang lalaki nilang tao na kahit ano pang gawin ko, matatalo lang ako sakanila. Walang wala ako compare to them. Sino ba naman ako para kalabanin sila?

"Marco," sabi ko.

"Di bale, pupuntahan natin sila. But for now, magpahinga ka. Magpalakas ka." sabi niya sabay hawi sa buhok ko.

"Marco," sabi ko sabay hawak sa kamay niya "Maraming salamat talaga. Sa lahat lahat. Di ko na maisaisa kasi sobrang dami na nang naitulong mo sakin." sabi ko.

"Ilang beses ko nang sinabi sayo na wala lang yun. Ayos lang. Matalik kitang kaibigan at di ko hahayaan na ginaganyan ka nila. Di ako papayag." sabi niya.

"Marco, babawi ako sayo wag kang mag-alala." sabi ko.

"Sus okay lang. I'm glad to help you." sabi ni Marco.

Bumukas yung pinto at napatingin kami ni Marco. Si mama at papa. Lumapit sila kaagad sakin at niyakap ako.

"Ano ba nangyari sayo anak? Sino ba may gawa sayo nito ha?" bungad na tanong sakin ni mama.

"Anak? Ayos ka lang ba? May masakit pa ba sayo?" sabi ni papa.

"Ayos lang po ako. Okay na po. Di bale, tutulungan naman po ako ni Marco eh." sabi ko.

"Maraming salamat talaga Marco. Sa lahat." sabi ni mama habang umiiyak.

"Wala po yun tita." sabi ni Marco.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon