Chapter 16

18.8K 642 72
                                    

Pagkapasok ko sa opisina ni boss, ay nakita ko si sir Marco habang nanonood ng tv. Ang aga pa ah? Bakit nandito na siya?

"Goodmorning, sir!" bati ko sakanya sabay sara ng pinto. "Ang aga niyo ata?"

"Goodmorning, pare!" bat din niya sakin sabay ayos ng upo. "Oo eh, nasanay na kasi ako na laging maaga." dagdag pa niya.

"Ganun po ba? Sino pong nagbabantay ngayon sa kompanya niyo?" sabi ko sabay lapag ng bag ko sa table ko sa gilid.

"Wala. Chinicheck ko lang sila parati dun. I know they can handle it." sabi niya pa.

Wow. Ang laki ng tiwala niya sa mga trabahante niya, siguro loyal din yung mga trabahante niya sakanya.

"Talaga? Yung secretary mo?" sabi ko.

"Actually, wala akong secretary." sabi niya.

Wala siyang secretary? Sino tumutulong sakanya? At talagang kaya niya ah? Amazing.

"Ano? Wala kang secretary?" gulat kong sabi sakanya.

"Oo. I'm used to it." sabi niya sakin.

"Bakit naman?" tanong ko sabay upo.

"Wala lang." sabi niya.

"Ganun?" sabi ko sabay kuha nung folder sa cabinet sa table ko.

Habang nagfifill-up ako ng mga forms, di ko napansin na lumapit si sir Marco sakin.

"Ano perfume mo? Bango mo ah?" sabi niya sabay ngiti. Ang gwapo niya talagaaaaaa.

"Perfume? Hello? Pawis ko yan." biro ko sakanya sabay balik ng fill-up sa mga papel.

Agad niya akong nilapitan at inamoy sa leeg. Tumaas lahat ng balahibo ko sa leeg pababa sa buong katawan. Napaatras ako sa ginawa niya. Geez.

"H-hooy! Anong ginagawa mo?" sabi ko sakanya.

"Inaamoy ka. Nakakaadik kasi." sabi niya sakin.

Ano ba nangyayari sakanya? Matagal ko na kaya tong pabango.

"Hala? Matagal ko na tong pabango no? Tsaka, wag ka ngang ano." saway ko sakanya.

"Sarap mo sigurong amoy-amuyin." sabi niya sabay ngiti.

Ghaaaad. Ano ba ginagawa niya? Baliw ba siya?

"Hoy! Baka nakakalimutan mo, bakla ako." sabi ko sakanya.

"Di ko nakakalimutan yun." sabi niya sabay lapit sakin.

Lumakas ang pintig ng puso ko. Umatras ako para makalayo sa napakagwapong mukha niya.

"Sir," sabi ko habang nakatingin parin sakanya.

"Bakit?" sabi niya habang nakangiti parin at dahan dahan na lumalapit sakin.

Napapikit ako dahil napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko. Naramdaman kong humihinga na siya sa bandang leegan ko at may binulong sakin.

"Ang ganda ng necklace mo." sabi niya sabay layo sa mukha ko at ngumiti.

Napahawak ako sa necklace ko at nakahinga ng maluwag. Grabe, kinabahan ako dun ah? Loko tong lalaking to, parang baliw.

Yung necklace ko kasi ay may pendant na letter "K" na may kakaibang font style. Bigay sakin ni mama, susuotin ko raw parati dahil ito daw naglalarawan kung sino talaga ako.

"Nabitin ka?" sabi niya sabay tawa.

"Loko ka ah?" sabi ko sabay sapak sa braso niya.

"A-aray!" sabi niya sabay hawak sa braso niya.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon