Chapter 27

17.2K 597 114
                                    

Di masyado ako nakatulog kagabi kasi di parin nagsisink in na alam na ni boss na bakla ako. Paano niya nalaman? Bakit di man lang niya ako pinahiya o sinigawan o sinaktan? Homophobic diba siya? Pero ano yun?

7am na ng umaga, hanggang ngayon di parin ako nakakatulog. Natatakot kasi ako baka palalayasin na niya ako ngayon. Ewan ko ba.

Pinikit ko yung mga mata ko para magpanggap na natutulog dahil tumayo na si boss. Binuklat ko yung mga mata ko ng konti para makita siya.

Akala ko didiretso siya sa cr, ngunit unti unti siyang lumapit sakin. Agad ko ng pinikit ng buo yung mga mata ko dahil kinakabahan ako.

"Kinain ko lahat ng sinabi ko tungkol sa mga bakla nang dahil sayo. Mabuti naman di ka katulad ng iba." sabi niya.

Ano bang ginawa ko? Wala naman ata akong ginawang kakaiba para kakainin niya yung sinasabi niyang ayaw niya sa mga bakla. Di ko naman pinahalata na bakla ako pero di ko maiwasang maipakita ang totoong ako.

Binuklat ko ng konti yung mga mata ko para tingnan ulit siya. Dumiretso na siya sa cr. Agad akong napabangon at napahawak sa pisngi.

"Kristoff, ano nang gagawin mo?" sabi ko sa sarili ko.

Bumangon na si sir Marco. Kinusot niya yung mga mata niya at binati ako.

"Goodmorning, pare." sabi niya sakin.

"Morning." sagot ko sakanya.

"Di ata maganda ang gising mo ah?" sabi niya sakin.

Sasabihin ko ba sakanya na alam na ni boss na bakla ako?

"Di ako nakatulog ng maayos kagabi eh." sabi ko sakanya.

"Bakit?" tanong niya ulit sakin.

Magsasalita na sana ako ng lumabas na si boss sa cr. Di ko siya tinignan at inayos ko nalang yung unan at kumot ko.

"Gising na pala kayo." sabi ni boss.

"Morning, bro!" bati ni sir Marco kay boss.

"Morning." sagot naman ni boss.

Agad na akong tumayo at tumungo sa cr.

Nang nakapasok na ako ay agad kong binasa yung mukha ko. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

"Just go with the flow, whatever happen, happens." sabi ko at pinunasan ko yung mukha ko ng towel.

Lumabas na ako sa cr. Nakita ko silang dalawa na nag-uusap. Umupo lang ako sa kama ko at kinuha yung cellphone sa cabinet.

"Stoff," tawag sakin ni boss.

Ano bang gagawin ko?

"Yes boss?" sabi ko sakanya.

"Diba gusto mong gumala? Gala tayo maya." sabi niya.

Seryoso ba siya?

"Seryoso?" sabi ko. O diba? Go with the flow.

"Yep." sabi niya.

"Sige po." tipid kong sabi.

Excited na akoooo. Libre nanaman! Sarap ng buhay hahahay. Nawala saglit yung kaba ko nung narinig ko ang salitang "GALA".

"Pare." tawag sakin ni sir Marco.

"Bakit?" sabi ko.

"Alam naman pala ni boss na tagilid ka." sabi niya sakin sabay ngiti.

Napalunok ako. Grabe, chika agad? Maypagkababae din pala ang bunganga ni boss. Hays!

"Oo. Sinabihan niya ako kagabi." sagot ko nalang.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon